PABALIK-BALIK si Ava sa tahanan ni Alejandro upang tignan kung nakabalik na ba ang lalaki o hindi pa. Talagang kailangan na nilang mag-usap dahil hindi na siya makapaghintay pang komprontahin si Alejandro sa nalaman at muli silang makabalik sa dati. Pagkatapos nang nalaman mula kay Simon ay mas lalong tumindi ang paniniwala niya na mahal pa rin siya ng lalaki. Isa lang naman kasing paid surrogate mother si Assi kaya wala na siyang dapat pang problemahin sa babaeng ito. Ginagamit lamang ito ni Alejandro para makuha ang matagal na nitong inaasam; ang magkaroon ng anak na hindi niya noon naibigay sa lalaki dahil sa kaniyang pag-alis. Ngayon ay handa na siyang ibigay rito ang lahat, ang pamilya na hinihiling ni Alejandro noon sa kaniya. Makailang ulit na siyang bumalik sa mansion ngunit ang