LUMABAS si Assi ng bathroom habang mayroong tuwalya ang nakabalot sa kaniyang buhok at nakabihis na siya ng kaniyang pantulog. Naabutan niyang nakahiga na si Alejandro sa kama. “Hindi ka ba maliligo? Baka natuyuan ka rin ng pawis.” Lumapit siya rito at doon niya lamang napagtanto na mahimbig na ang tulog nito. Nakagat niya tuloy ang ibabang labi dahil nag-iingay pa siya. Hindi niya na sana nais sirain ang tulog nito ngunit kailangan nitong maglinis ng katawan. Batid niya namang napagod ito sa byahe at pamamasyal, samantalang siya ay natutulog lamang. Hindi tuloy niya alam kung gigisingin pa ba ito o hindi, ngunit sa huli ay napagdesisyunan na lamang na gisingin ito. “Alejandro...” Marahan niyang inalog ang balikat ng lalaki. Kaagad naman itong nagising at napahilamos ng palad sa mukha.