“GANITO po ba, Ate Assi?” Tumingin si Assi kay Myra na ngayon ay tinutulungan siyang magbalot ng mga regalo. Katulong din nila ang ilang kasambahay at nasa sala sila, punong-puno ng mga kagamitang babalutin, napakaraming gift wrapper, ribbon at kung ano-ano pa ang nagkalat sa sahig. Sinuri niya ang ginagawa ni Myra at ngumiti. “Oo, ganyan nga.” Tinapik niya ang regalong binalot nito at saka siya bumalik sa ginagawa. Dumating si Alejandro galing sa labas. May inasikaso itong mahalagang bagay tungkol sa trabaho at negosyo. Siya ang una nitong nakita sa sahig.“Assi, what are you doing?” Dali-dali itong lumapit. “Why are you sitting on the floor? It's cold there.” “Ayos lang, may floor mat naman eh.” “You’re crazy!” Lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang kaniyang braso upang ayaing maupo