ALEJANDRO took a deep sigh and pressed the door bell. Pagkatapos niyang makausap si Simon ay hiningi niya ang address ng tinutuluyan ni Ava. Sandali siyang naghintay sa labas bago bumukas ang pintuan. Inasahan niyang si Ava ang magbubukas nito ngunit nagkamali siya, hindi niya akalaing si Zion ang makikita. “Uh, what are you doing here?” he asked. Tumingin siya sa hawak na papel upang siguraduhin na hindi siya nagkamali ng address na pinuntahan. “Ava is living here, right?” Tumango si Zion at ngumiti. “Yes, Mr. Portalejo. Get in.” Hindi na siya nagdalawang isip pang sumunod papasok kay Zion. Pinagmasdan niya ang silid, maayos naman na ang tinutuluyan ni Ava kumpara sa dati. “Zion, seryoso ka ba talaga sa panliligaw? Eh bakit ganito ang mga bulaklak na—” Napahinto si Ava sa nais sabih