BUMALIK si Ava sa mansion at ikinatuwa niya ang naging balita ng dalawang kasambahay na kapanalig niya. Nakabalik na ang mag-asawa. Nagmamadali siyang pumasok sa loob ngunit agad siyang hinarang ng dalawang guwardiya. “What are you doing?!” mataas ang kaniyang boses ay pinanlakihan ng mga mata ang dalawa. “Mga bastard!” “Hindi po kayo pupwede sa loob, Madam,” wika ng isa na hindi siya tinantanan. Hindi naman siya hinahawakan ng mga ito subalit naiinis siya sa ginagawang pagharang ng mga ito. She has to talk to Alejandro now but how would she do that? “Anong bawal? Hindi mo ba ako kilala?” She gave them a death glare. “Mga sira ulo kayo.” Hindi niya kilala ang isa sa guwardiya, siguro ay bago subalit ang isa ay kilala niya at matagal na iyong tauhan ni Alejandro. “Hernan, ano ‘to? Bakit