Billionaire 29

1507 Words

ISA-ISANG iniligpit ni Assi ang kanilang pinagkainan nang tumungtong ang alas dose ng umaga. Katatapos lamang nilang magdiwang ng Christmas Eve, punong-puno ng pagkain sa lamesa at talagang nasiyahan si Assi. Ito kasi ang unang Pasko niya na puno ng maraming pagkain ang kanilang lamesa ni Myra at magkasama silang nagbabakasyon sa isang hotel—syempre ay kasama ang salbaheng lalaki na iyon, si Alejandro. Naupo siya sa isa sa mga upuan asa dining table matapos makapagligpit at pinagmasdan sina Alejandro at Myra na nagsasaya sa harap ng isang malaking flat screen TV. Tila naglalaro ang dalawa ng kung anong high tech na laro at hindi siya sigurado kung ano. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang dalawa. Hindi man sabihin ni Alejandro nang direkta sa kaniya, ay mahilig ito sa bata. Nagtataka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD