GINUGOL ni Assi at Alejandro ang kanilang oras sa loob ng theater room kung saan naroon na ang kanilang mga kailangan. Hindi na nila kailangan pang lumabas. They watched movie while they were on the big rounded couch together and sharing under one comforter. Malamig sa silid ngunit hindi gaanong maramdaman ni Assi dahil sa init ng katawan ng lalaking nasa kaniyang tabi at nakayakap. They were like a true lover, but she was aware they are not. Kahit baliktarin niya ang mundo ay malabong mangyari iyon. Maganda ang kanilang mga pinanonood na palabas at nadadala siya nito. Nakadadalawa na silang palabas nang makaramdam siya ng antok. She yawned and Alejandro noticed it. “Go get sleep,” he whispered and kissed her forehead. Nakaunan siya sa braso nito at magkayakap silang dalawa. O kay sarap