Chapter 37 Lance POV Pagkagising ni Lance ng umagang iyon ay naligo na agad siya upang pumunta sa pinakasikat na flower shop sa buong Pilipinas. Ang Lourdes roses shop. Pagmamay-ari iyon ni Lourdes Hoffman. Kapatid ito ni Lucas Hoffman. Ang tindahan nito ng mga bulaklak ang may pinaka-fresh na bulaklak kaya't doon niya naisip bumili ng bulaklak para sa isang espesyal na babae ngayon sa buhay niya First time niya palang pumunta doon dahil wala pa naman siyang binibigyan na bulaklak na kahit sinong babae sa buong buhay niya. Kahit ang mommy niya ay hindi pa niya nabigyan ng bulaklak, tuwing mothers day ay binibigyan niya lang ito ng regalo. Naririnig niya sa kanyang mga kaibigan noon na doon daw madalas bumili ng mga bulaklak ang mga ito para sa mga kasintahan. Wala naman siyang plano n