Chapter 36 Lance POV "Damn it" Naihagis ni Lance ang ipad tablet niya sa ding-ding at agad nawarak ang screen nito Inis na inis kasi siya dahil pagbalik niya sa penthouse ay wala na doon ang babaeng madaldal. Inaasahan pa naman niyang natutulog na ito at nagpapahinga doon. Pinag-sisihan niya pa tuloy kung bakit ba niya tinangal pa ang dextrose na nasa kamay nito. Lalo pa niyang kinainis ng mapanuod niya sa CCTV footage ang eksaktong pangyayari nang sunduin ito mismo ni Paulo sa penthouse niya The nerve of his friend! Ano bang gusto nito sa babaeng madaldal na yun? Ang alam niya ay mga sikat na modelo rin ang dinedeyt nito at hindi niya akalain na magkaka-interest pa ito kay Athena. Isang simpleng babaeng probinsyana na napakalayo sa taste nito. Naikuyom niya ang kanyang kamao. Para