Chapter 35 Pakiramdam niya ay kaybigat ng kanyang mga talukap nang imulat niya ng dahan dahan ang kanyang mga mata Medyo nagulat pa siya ng kaunti ng makita ang seryosong mukha ni Lance na nakasandal sa pader at parang hinihintay talaga nitong magising siya Pinalibot niya ang kanyang mga mata sa buong kwarto at hindi pamilyar sakanya ang lugar. Babangon sana siya ngunit nilapitan siya ni Lance upang alalayan "Dahan dahan lang. Baka mahilo ka" anito habang inaalalayan siya sa kanyang pag-upo sa kama. Nilagay pa nito ang dalawang unan sa likod niya upang makaupo siya ng maayos "A-Anong nangyari?" Tanong niya sa paos na boses "Hinimatay ka dahil inaapoy kana pala ng lagnat hindi mo pa sinabi sakin" "N-Nasan ako? Bakit nakaganito pa ako?" Tanong niya dahil may nakakabit na dextrose sa