Chapter 34 Pinasadahan pa muna ni Athena ng huling tingin ang kanyang repleksyon sa salamin habang nakasuot siya ng unipormeng kulay puti Hindi niya maiwasan mapahanga sa kanyang sarili dahil bagay na bagay sakanya ang unipormeng iyon. Pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng panibagong pangarap. Parang gusto niyang maging nurse. Ngunit alam niyang impossible iyon dahil kahit grade one ay hindi niya natapos Hangang pangarap nalang talaga siguro ang isang tulad niyang walang pinag-aralan Libre naman ang mangarap hindi ba? Kaso masakit palang mangarap kung alam mong impossible iyon Kakatapos niya lang maligo sa loob ng shower room ng pribadong opisina ni Lance. Muntik pa nga niyang ibigay ng buong buo ang kanyang sarili sa impaktong lalakeng iyon kanina, mabuti nalang at dumating ang mommy