1 2 3 Asawa ni Marie AiTenshi June 24, 2021 Episode 36 "Kung ganoon ay ikaw ang tunay na Argente? Ikaw si Marie Argente?" ang tanong ni Aiman sa akin. Halos ilang araw na ang nakakalipas magbuhat noong maganap ang makasaysayang revelasyon sa aming pagkatao. Halos ang lahat ay matrauma pa rin gayon pa man ay mas minabuti kong umuwi na lang muna sa amin kahit na alam kong hindi nila ako tunay na anak. Pero si inay ay si inay at hindi ito mababago. "Eh paano naman sila nakakasigurado?! Nasaang ang DNA test?" tanong ni Aiman. "Nandoon sa mga Argente. Mayaman sila diba? Sila ang naghanap ng katotohanan, ginamit nila ang powers at kapangayrihan nila para sa lahat ng uri ng test. DNA test, blood test, urine test, stool test, pati periodical at achievement tes