1 2 3 Asawa ni Marie AiTenshi June 23, 2021 Episode 35 "Marie, anong nangyari kay Annabel?" tanong ni Sergio noong dumating ito sa ospital. "Aba e malay ko, pagkatapos niyang pukpukin ng plorera ang ulo niya ay isinugod na siya dito sa ospital," ang sagot ko naman. "Bakit naman gagawin ni Annabel na hampasin ng plorera ang kanyang sariling ulo?" "Dahil baliw siya at may amats! Bakit ba kinakausap pa kita?" ang tanong ko sa kanya. "Teka Marie, bakit ba ang init ang ulo mo sa akin?" "Wala ka na doon!" ang sagot ko sabay layo sa kanya. Pero hinabol niya ako, "Marie, ang labo mo naman e, bakit ba? Hindi na kita maintindihan." Pero hindi ako sumagot, lumakad lang ako at lumayo sa kanya. "Marie, kung galit ka sa akin, sampalin mo ako! Gantihan mo ako! Matatanggap ko lahat dahil kaibiga