TNM-Chapter 10*

1123 Words
"Water! I need water," wika ni Felicia na ikina-alerto ng mga kasambahay. "Cielo, madali ka, bigyan mo ng tubig si Senyora," utos ni Madam Sylvia sa dalaga. Lihim na napapikit si Cielo dahil sa pagkadismaya, sa dami ba naman kasi nilang kasambahay na naroon ay kung bakit siya pa ang napili ng mayordoma na utusang magsilbi kay Senyora Felicia. Nag-aalangan siyang lumakad papalapit sa lamesa, kinuha niya ang isang babasaging pitsel na nagpapawis dahil sa lamig, binitbit iyon at lumapit kay Senyora Felicia para salinan ng tubig ang baso nito. Nanginginig ang mga kamay niya habang ginagawa iyon ngunit pinigilan niya ang sarili at hindi nagpahalata. Sobra siyang na-tense ng mga oras na iyon, ngunit pinangalagaan pa rin niya ang kaniyang composure. Ayaw niyang mapagalitan at mapahiya sa kanyang mga amo, kaya naman ginawa niyang mabuti ang trabaho niya. Sa kaniyang peripheral vision ay kita niya ang masamang tingin ni Senyora Felicia sa kanya, sa una pa lang ay dama na niya na hindi siya gusto ng ginang. "Mga Sir, kayo po, gusto niyo po ba ng tubig?" magalang na tanong niya sa mga lalaking amo. "No, thanks I can manage," nakangiting sagot ni Xander. Nakakahawa ang magandang ngiti nito ngunit hindi iyon masuklian ni Cielo. Hindi siya pwedeng gumanti ng ngiti sa kaniyang amo dahil tiyak na mapapahamak siya. Isa pa, matagal na panahon na nang huli siyang ngumiti at nakalimutan na niya kung paano gawin iyon. "Give me some water." Nawala ang atensiyon ni Cielo kay Xander at nabaling ito sa nagsalita. Si Hunter iyon, itinaas pa ang hawak na baso na wala nang laman. Saglit na natigilan ang dalaga, alanganing lumapit siya sa binata at agad sinalinan ng tubig ang baso nito. Kalmado lang siya habang ginagawa iyon, pero sa kaloob-looban niya ay nakakaramdam na siya nang matinding pagkailang. Nakatitig kasi sa kaniya ng husto ang binatang amo. "How are you feeling right now? Are you sober?" Gulat na napalingon si Cielo kay Hunter. Pinamulahan siya ng pisngi, hindi niya lubos maisip kung bakit tinatanong siya ni Hunter nang ganun. Mahina lang naman ang boses nito ngunit sapat na para marinig niya, kaya lang ang kinatakot niya ay baka marinig pa ng iba. Ipinagpasalamat na nga niya na walang nakakita sa kaniya na lumabas ng mansiyon kaninang madaling araw at mas ipinagpasalamat niya na walang nakapansin na hindi siya natulog sa servants quarter kagabi. Kung bakit ba naman kasi kailangan pa siyang tanungin ng ganun ng lalaking ito. "A-ayos lang po ako, Sir," mahinang sagot niya. Tumango ito. "That's good to hear." Ang pag-uusap nilang iyon ay hindi nakaligtas sa mapanuring tingin ni Pierce. Ipinagtataka niya kung bakit parang magkakilala ang kaniyang bunsong kapatid at ang bago nilang kasambahay, ngunit isinantabi muna niya ang isiping iyon dahil nagsimula nang magsalita ang kanilang ama at kumustahin sila tungkol sa kani-kanilang mga trabaho at pinagkakaabalahan sa buhay. Matapos si Cielo sa kaniyang ginagawa ay nilisan na niya ang lamesa at bumalik na siya sa kaniyang pwesto. Naramdaman niya ang palihim na pagsiko sa kaniya ni Lea, kunot noong tumingin siya rito. Nakangiti ito sa kaniya at nag thumbs up pa. Hindi niya alam kung ano ang gustong ipahiwatig nito sa ganuong reaksiyon kaya lang ay binalewala na lamang niya iyon. Ilang minuto pa ang lumipas ay natapos na ring kumain ang mag-anak. Lumabas na ang mga ito sa dining at sila naman ay nagtulong-tulong na sa pagliligpit ng mga gamit at paglilinis ng lamesa. Na-assign sa paghuhugas ng pinggan ang magkaibigan. Habang nagsasabon ng mga plato si Lea ay si Cielo naman ang nagbabanlaw ng mga nasabon na nito. "Uy, Cielo, ano'ng sinabi sa'yo ni Sir Hunter kanina?" mula sa kawalan ay tanong ni Lea. "Huh! Anong sinabi?" maang na tanong din niya. Nanunudyo ang mga tingin ni Lea. "Tsh! Huwag ka nang magkaila, nakita ko kanina habang binibigyan mo ng tubig si Sir Hunter may sinabi siya sa'yo at sumagot ka pa nga." "Ah, iyon ba? Wala 'yon nagpasalamat lang kaya sinagot ko rin ng "walang anuman." "Ah ganun ba?" "Oo ganun nga, ano pa ba sa tingin mo ang sasabihin sa akin ni Sir Hunter?" "Wala naman, baka lang tinanong ka kung ano ang pangalan mo, mga ganung tanong ba." "Tsh! Ikaw talaga, sino ba naman ako para alamin pa ng amo natin ang pangalan ko?" "Huh! Malay mo naman interesado siya sa'yo, kahit tahimik ka at laging walang emosyon ay maganda ka. Kaya nga inis na inis sa'yo si Carol dahil natalbugan mo ang beauty niya. Feeling niya kasi bukod kay Senyora Felicia ay siya na ang pinakamaganda rito sa mansiyon," umiikot pa ang mga mata na wika ni Lea. Tinakpan ni Cielo nang kamay niya ang bibig ng kaibigan para tumigil na ito sa pagsasalita. Nag aalala siya na baka nasa paligid lang si Carol at naririnig ang pinag-uusapan nila. Ang babae pa namang iyon ay parang kabute, bigla na lang sumusulpot sa kung saan-saan. At ang tenga nito ay kasing lapad ng kawali, naririnig nito ang lahat kahit pa nasa malayo. "Ay! Ano ba 'yan? Pambihira ka naman Cielo, bakit mo ba tinakpan ang bibig ko ng basa mong kamay?" inis na tanong ni Lea, paano ba naman ay kagagaling lang sa gripo ng mga kamay ni Cielo ni hindi muna siya nagpunas bago tinakpan ang bibig ni Lea, halos mabasa na tuloy ang buong mukha nito. "Sorry na! Pasalamat ka na lang dahil basa lang ng tubig ang kamay ko at hindi nagmamantika dahil sa sebo." Nasa ganu'n silang pag uusap ng biglang pumasok sa kusina ang kasamahan nilang cleaners na si Tintin. "Cielo, iwan mo raw muna kay Lea ang paghuhugas ng pinggan at dalhin mo kay Sir Pierce ang hinihingi niyang kape." Natigilan si Cielo, bigla niyang naalala, ang kabilin-bilinan kasi sa kaniya ni Senyora Felicia, ay huwag na huwag siyang lalapit sa mga anak nito at huwag niyang pagsisilbihan ang mga ito. "Bakit ako, hindi ba pwedeng ikaw na lang? Tingnan mo marami pa itong hugasin namin," protesta niya. "Ano ka ba naman, Cielo? Pagkakataon mo na ngang makita ng malapitan si Sir Pierce tumatanggi ka pa. Kung ayaw mo, ikaw na muna ang maiwan dito at ako na ang maghahatid ng kape kay Sir Pierce." Pagboboluntaryo ni Lea. "Okay, sige ikaw na lang," mabilis na pagsang ayon naman ni Cielo. "Hindi pwede! Ang sabi ni Madam Sylvia, ikaw raw ang magdala ng kape kay Sir Hunter, kaya ikaw ang dapat magdala. Magagalit si Madam Sylvia, kung sino ang inutusan niya ay siya dapat ang gumawa at hindi pwedeng ipasa sa iba." Hindi na makatanggi pa si Cielo kaya naman nagpunas na siya ng mga kamay at pumunta sa kabilang kusina para kunin ang kape na ginawa ng kanilang kusinera para kay Pierce.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD