"What? Wait... No Mom!" Napatayo si Hunter, hindi siya sang-ayon sa sinabi ng kaniyang ina.
Kanina lang ay pinatawag sila nito sa living room.
"It's final, hangga't hindi nakakasal si Pierce ay babalik kayong tatlo rito sa mansion para manirahan. This is the decision me and your Mom made. It's been a long time na hindi tayo nagkakasama as a whole family."
"Pe-pero..." Magpo-protesta pa sana si Xander, kaya lang ay hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil maagap siyang napigilan ng kaniyang ina.
"This is the only thing your father and I are asking from you, so please don't say no. We realized that sooner or later, both of you will have families of your own, and there will be even fewer opportunities for us to spend time together like this. Please do this for us. Isipin niyo na lang na bumalik kayo sa pagkabata at nandito kayo ulit sa poder namin."
"Your mother is right. Let's take this chance to make up for the moments we lost before and create new memories together as a whole family, okay?"
Napangiwi si Xander, hindi niya akalain na masasabi ng kaniyang ama ang mga bagay na iyon, para sa kaniya ay napaka cheesy nito at talaga namang kinilabutan siya ng husto. Masyado na silang matanda para sa ganuong bagay. Isa pa ay hindi naman talaga sila lumaki na magkakasama.
Nang mga sandaling iyon ay wala si Pierce, ngunit nabanggit na sa kanya ng kanyang mga magulang ang desisyon na iyon at hindi naman siya tumutol.
Isang buntong hiningang malalim ang pinakawalan ni Hunter, kung alam lang niya na ganito ang mangyayari ay hindi na sana siya umuwi para um-attend ng engagement party ni Pierce. Hindi na sana siya nagpakita sa kaniyang pamilya.
Sa pagkakataong iyon ay hindi rin maipinta ang mukha ni Xander. Kung tutuusin ay halos siyam na buwan pa bago maikasal ang kanilang panganay na kapatid, at sa loob ng siyam na buwan na iyon ay marami siyang naka- line up na trabaho at hindi convenient para sa kanya ang umuwi-uwi pa sa kanilang mansyon. Ngunit, wala na siyang magagawa, minsan lang humiling ang kanilang mga magulang kaya mahirap na tanggihan.
"Well, since neither of you is saying anything, I'll assume you both agree. We're happy that you understand our decision."
"Wait! Why don't we go to the dining room first and have lunch? We can continue this conversation there with your older brother," suhestiyon ni Felicia.
"I agree," sang-ayon naman ni Bernardo na may kasama pang pagtango. "This is something we should discuss together as a family."
Lumabas nang silid ang tatlo at patamad naman na sumunod si Hunter sa mga ito. Ang totoo ay gutom na talaga siya, dahil sa puyat kagabi dala ng party ay late na silang lahat nagising, kaya hindi na sila nakapag almusal at diretso tanghalian na.
_
"Bilis...!"
"Bilisan ninyo ang kilos, huwag kayong babagal-bagal!" pasigaw na utos ni Madam Sylvia sa mga kasambahay. Halos mataranta naman ang lahat, pabalik-balik ang mga ito sa kusina at dining para hakutin ang mga kailangang gamit at mga pagkain na ihahanda sa marangyang lamesa.
Makalipas kasi ang maraming taon, ito ang unang pangyayari na magsisilbi sila ng tanghalian na kumpleto ang pamilya Lorenzo.
"Cielo, ikaw na ang magbitbit nito at magdala sa dining room at ako naman ay dito sa mga ulam," sabi ni Lea habang inaabot sa dalaga ang isang bandehado na naglalaman ng kanin, maagap naman niya iyong tinanggap at pagkatapos ay binitbit naman nito ang tray na may lamang dalawang putahe ng ulam. Sabay silang lumabas ng kusina at tinahak ang daan patungo sa dining room na hindi naman kalayuan.
Pagdating nila ay agad napansin ni Cielo ang maayos na pagkaka-arrange ng mga plato, baso at kutsara sa lamesa, ang ibang mga pagkain ay naroon na rin. Ang mga bitbit na lamang nila ang kulang kaya agad nilang nilapag ang mga iyon sa bakanteng espasyo sa lamesa. Pagkatapos maiayos lahat sa dining table ay lumayo na sila at tumayo sa gilid kasama ng iba pang mga tagapagsilbi at hinintay ang pagdating ng kanilang mga amo.
Excited ang lahat lalo na si Carol–excited siya na makita nang malapitan ang magkakapatid na Lorenzo. Kahit na artista si Xander, si Pierce at Hunter naman ay hindi rin matatawaran ang kagwapuhan, kaya wala siyang itulak kabigin sa magkakapatid. Ang totoo ay pinaghandaan niya ang araw na ito, nagpulbo pa siya at nag lips stick, umaasang mapansin siya ng kahit isa man lang sa tatlo.
Unang dumating si Pierce, natahimik ang lahat sa pagpasok nito. Napakagat labi si Lea at napasinghap pa sa hangin kaya napalingon sa kaniya ang katabing si Cielo. Nagulat ang dalaga ng makitang parang naghugis puso ang mga mata ng kaibigan. Hindi niya alam kung guniguni lang ba niya iyon, kaya kinusot muna niya ang mga mata at saka muling tumingin kay Lea. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya nakita ang hugis pusong mga mata nito kaya naman nangunot ang noo niya. Hindi niya namalayan na may bagong ekspresyon na pala ng mukha siyang nalikha, bukod sa deadma look at poker face na bentang-benta sa kaniya.
"Tingnan mo, ang gwapo niya 'di ba?" kinikilig na sabi ni Lea kay Cielo habang ang mga mata nito ay hindi maalis kay Pierce na noon ay nasa dining table na at nakaupo sa upuan na nakalaan para rito.
Wala naman sanang balak si Cielo na lingunin ang tinutukoy ng kaibigan, kaya lang ay panay ang siko nito sa kaniya. Dumako ang mga mata niya sa direksyon ng binata at natigilan siya pagkakita rito. Ngayon ay talagang nakakasiguro na siya na ang lalaking nakabangga niya sa garden kagabi–ang masungit na lalaking iyon ay walang iba kung hindi si Pierce.
Hindi niya inaasahan ang nangyari, habang nakatingin kasi siya sa binata ay napalingon naman ito sa kaniya. Saglit silang nagkatitigan ngunit agad naman siyang yumuko at binawi ang mga mata rito . May hindi siya maipaliwanag na pakiramdam ng mga sandaling iyon, bigla na lang bumilis ang pintig ng puso niya.
Hindi maitatanggi ang kagwapuhan ng binata, ang itsura nito na bihirang ngumiti ay lalong nagpalakas sa appeal nito. Ganun pa man ang mapupungay na mga mata nito, ang matangos na ilong at manipis na mga labi ay talaga namang kaakit-akit sa paningin ni Cielo. Ni minsan sa buhay niya ay hindi pa siya humanga sa kahit na kaninong lalaki. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong atraksyon sa opposite s*x dahil sa kakaibang charisma na taglay ni Pierce Lorenzo.
"Hoy, Cielo ano'ng nangyari sa'yo? Bakit parang natulala ka na diyan? Natulala ka sa kagwapuhan ni Sir Pierce, ano?" panunudyo ni Lea.
Napaigtad sa gulat su Cielo nang bigla na lamang siyang sikuhin ni Lea sa tagiliran. Hindi niya napansin na saglit palang nawala ang isip niya sa reyalidad.
"Tsh! Huwag kang mag-alala, Lea, normal lang 'yan. Ngayon lang kasi nakakita ng gwapo 'yang si Cielo," sabat ni Carol na noon ay nasa tagiliran ni Cielo, nasa gitna siya ng mga ito.
"Sige lang, titigan mo lang si Sir Pierce, pero siguraduhin mo lang na hindi ka magpapahuli–hindi ka magpapahuli kay Ma'am Georgia, dahil siguradong may kalalagyan ka! Makakalbo ka, hahaha!" may halong pang-uuyam na sabi ni Carol.
Narinig pala nito ang panunudyo ni Lea kay Cielo.
Umikot naman ang mga mata ni Lea sa inis, hindi niya kasi nagustuhan ang mga pasaring ni Carol.
"Hoy, ikaw nga Carol, huwag kang sumali sa usapan ng may usapan! Tsaka anong pinagsasabi mo diyan, at bakit pati si Ma'am Georgia ay nadamay? Huwag kang magsalita ng ganyan dahil kapag narinig ka ni Sir Pierce ay siguradong ikaw ang malalagot at hindi si Cielo." May pagbabanta sa tono ng pananalita ni Lea.
Nabahala si Cielo sa pagtatalo ng dalawa kaya naman namagitan na siya para pigilan ang mga ito, bago pa nila makuha ang atensyon ng kanilang amo na noon ay abala sa kanyang cellphone. May kausap ito sa telepono at mukhang tungkol sa negosyo ang pinag uusapan ng mga ito.
"Tumigil na nga kayo. huwag na kayong magtalo. Mamaya makita kayo ni Madam Sylvia, pare-pareho pa tayong malagot nito."
"Hmp! Dapat lang naman kayong mapagalitan dahil wala kayong ginawa kung hindi ang pumetiks at magdaldalan, palibasa mga tamad kayo at gusto niyo lang na laging tumatakas sa trabaho."
"Huh! Ano ba ang problema mo, Carol? Ang laki ng inggit mo sa katawan ano? Para sabihin ko sa'yo hindi kami kailanman nagpetiks, ginagawa namin ng tama ang trabaho namin, kung meron mang tamad dito iyon ay walang iba kung hindi ikaw!"
Nakabuka na ang bibig ni Carol at handa na sanang sagutin ang paratang ni Lea, ngunit walang lumabas na salita sa kaniyang bibig, napigilan ito dahil sa pagdating ng mag-asawang Lorenzo, kasama ang dalawa pang mga anak na sina Hunter at Xander. Dumiretso ang apat sa lamesa at umupo sa mga upuan na nakalaan para sa kanila.
Bahagyang napaawang ang bibig ni Cielo nang makita ang pamilyar na lalaki. Ang lalaki kagabi na nag-alok sa kanya na uminom ng alak. Buong akala niya ay isa rin ito sa mga bisita sa party kagabi.
Siniko niya sa tagiliran si Lea, napalingon naman ito sa kanya.
"Huh! Bakit?" takang tanong nito.
"Sino 'yon?" balik tanong niya sa kaibigan.
"Sino diyan?"
"Yung matangkad na lalaki na may kulay ang buhok?" tanong niya
"Yung mukhang pilyo at sobrang gwapo na makalaglag panty na lalaking 'yon ba?" kinikilig na sabi ni Lea.
Kahit hindi niya nagustuhan kung paano nito i-describe ang tinutukoy niya ay tumango na lamang siya.
"Si Sir Hunter 'yan, ang bunsong anak nila Senyora Felicia at Senyor Bernardo."
Napakislot si Cielo nang bigla na lamang lumingon sa kaniya si Hunter. Nagulat pa siya ng ngitian siya nito, ngunit ang higit na nagpagulat sa kaniya ay nang bigla nalamang siyang kindatan ng binata.
Dahil sa ginawi nito ay nag init ang mukha niya at hindi niya maipaliwanag kung bakit, parang bigla na lang nanghina ang mga tuhod niya.
Napakapit pa siya kay Lea dahil tila ba nawalan siya ng balanse at muntikan na siyang matumba.
"Huh! Bakit ano'ng nangyayari sa'yo, okay ka lang ba?" takang tanong ni Lea, may pag-alala sa tono ng boses nito.
"O-oo, ayos lang ako," mabilis na tugon ng dalaga, tumuwid siya ng tayo at iniwas na mapatingin ulit kay Hunter. Nagpasalamat na lamang siya at walang nakakita sa ginawa nitong pagkindat sa kaniya. Dahil kung nakita iyon ng atribidang si Carol ay malalagot siya dahil siguradong magsusumbong na naman ang babaeng iyon. At kung mangyari iyon ay hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan niya. Kung bakit naman kasi parang napakapilyo ni Hunter Lorenzo.