Hinipan ko ng pagkalakas-lakas ang hawak kong torotot. "Merry Christmas! Merry Christmas, baby!" Tumakbo ako patungo kay baby na nasa harap ng lutuan at abala sa pagluluto ng beef steak. Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi bago muling hinipan ng malakas ang hawak kong torotot. "Baby, Christmas pa lang. Hindi pa new year." narinig ko namang sabi niya na may kasamang pagtawa. "Eh pareho na rin iyon, baby. Advance ako eh." Muli kong hinipan ang torotot na nabili namin kanina sa wet market. "Sit down, baby. I'm done here. Sumakto tayo sa noche buena." "Wait lang, baby." Mabilis akong nagtungo sa kama at kinuha sa isang paper bag ang gift ko para sa kanya na pasikreto kong binili sa supermarket. Matapos kong makuha ang small box ay itinago ko ito sa aking likuran at saka bumalik s