Mahigit isang linggo na nang huli akong nakabalik sa mansyon. Pinagbawalan kasi ako ni Mama na pumunta 'ron dahil nga sa nangyari. Kaya ngayon, sa bahay na lang muna ang trabaho ko at ang tulad nga ng mga nakaraan kong ginagawa ay ako ang taga-laba ng mga damit ng mga kapatid ko pati na rin ng nga damit nila Mama.
"Kara! Pagkatapos mo diyan, pumunta ka raw sa mansyon, may lilinisin ka lang." Sabi ng kapatid kong si Carissa.
Bahagya akong napatigil at tumango sa kapatid ko. Mahigit isang linggo na ang nakalipas simula nang huli kong mapuntahan ang mansyon ng mga Santos. Akala ko nga'y tuluyan na akong pagbabawalan ni Mama na makapunta sa mansyon na iyon.
Pagkatapos kong maglaba ay saglit kong inayos ang sarili ko, magulo kasi ang buhok ko at hindi maayos ang damit ko. Nakakahiya rin namang lumabas sa bahay na magulo ang itsura ko.
Sa gate pa lamang ng bahay ng mga Santos ay natanaw ko na si Mama na nagdidilig ng mga halaman sa hardin, nang makita niya ako ay agad niya akong tinawag.
"Pumasok ka sa loob, maglinis ka ng kwarto ni Ser Travis,"
Namilog ang mata ko.
"Nandyan po siya?"
Sinamaan naman ako ng tingin ni Mama. "Kaya nga kita pinapunta para maglinis ng kwarto,"
Tumango ako at dumiretso paloob, kinuha ko na rin ang mga gagamitin ko sa paglilinis ng kwarto ni Ser Travis.
Siguro'y wala si Ser Travis dito kaya ako pinaglinis ngayon ng kwarto. Ilang beses lang kasi akong maglinis ng kwarto ni Ser Travis at sa lahat ng pagkakataong iyon ay wala naman siya,
May naririnig rin kasi akong usap-usapan ng mga kapwa namin katulong sa mansyon, na may tinutuluyang bahay si Ser Travis sa Amerika, kaya minsan lang siya naparirito.
Si Ser Troy naman na kapatid ni Ser Travis ay madalas ko namang nakikita rito, pero noon iyon, dahil ngayon, minsan ko na lamang siyang nakikita rito, may pagkakataon na maabutan ko siya rito sa mansyon kapag linggo.
Pagdating ko pa lamang sa labas ng kwarto si Sir Travis ay agad sumibol ang kaba sa dibdib ko, sana lang ay wala nga siya rito.
Marahan kong binuksan ang pinto, hindi naman kasi naka-lock ang pintuan ng magkapatid.
Bumungad sa akin ang tahimik na kwarto na tanging ingay lamang na aircon ang aking narinig.
Napabuga ako sa hangin nang makita ko si Sir Travis na nakahiga sa kama habang nanunuod lamang sa kanyang telebisyon, napakurap-kurap pa ako dahil mukhang hindi yata ako pwedeng maglinis sa kwarto niya ngayon.
Napansin na rin ako ni Ser Travis kaya nagsalita na siya. "Maglilinis ka? Pasok."
Tumango ako at saka pumasok bitbit ang mga gamit panglinis ko. Marahan ko ring sinara ang seradura ng kanyang pintuan.
Pagpasok ko ng kwarto niya ay sumalubong na naman sa akin ang napakapamilyar na amoy na iyon, napakabango nito sa pang-amoy ko na wari ko'y ginagamit ni Ser na pabango sa pang araw araw, saglit ko ring pinasadahan ang kwarto na may dingding na nagsasama sa kulay puti at itim. Magandang terno ang kulay na ito para sa kwarto niyang ito.
"Matagal kitang hindi nakita ah?" Aniya habang nagwawalis ako.
"Opo, ngayon lang po ako pinabalik eh," sabi ko habang tuloy-tuloy pa rin ako sa paglilinis.
"Bakit naman? Bawal ka na bang pumunta rito?" Tanong pa niya.
"Hindi naman po, pinagbawalan lang po ako kasi gawa nga po nung sa nangyari." Sabi ko.
Hindi na niya ako sinagot, nanuod na kasi siya ng telebisyon at NBA pala ang pinapanuod niya.
"Hinahanap ka na ba sa inyo?" Tanong niyang muli.
Umiling naman ako.
"Nandyan po si Mama sa baba at naglilinis 'rin," sabi ko.
Tumango-tango naman siya.
"Wala namang kalat eh," tumawa siya.
Napangiti naman ako nang makita ko ang gwapo niyang mukha. "Oo nga po eh," natatawang sabi ko.
"Pahinga ka nalang muna dito.." Sabi pa niya.
Napatigil naman ako sa aking ginagawa.
"P-Po?"
Tinapik niya ang tabi niya. "Dito oh, pahinga ka muna." Sabi pa niya.
Tila ba ako natuliro, hindi kasi ako makapaniwala na pagpahingahin ako ng ser kong ito, akala ko kasi nabuhay sa sama ng loob ang ser ko. Noong nakaraan kasi mukhang nainis na naman sa akin si Ser kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanya.
Tulad nga nang sinabi niya ay umupo na rin ako sa tabi niya, kinuha niya ang remote at iniabot sa akin. "Here. Ano gusto mo panuorin?" Aniya.
Umiling naman ako at muling ibinaling ang paningin sa telebisyon, ewan ko pero naiilang kasi ako.
"Okay, NBA nalang panuorin natin, mukhang mahilig ka sa shooter eh," Natatawang sabi niya,
Napakunot naman ang noo ko.
"Joke lang,"
Nilingon ko siya at nakita ko ang puting-puti na ngipin niya,
Habang nanunuod kami ay bigla muli siyang nagsalita. Lagi namang siya ang bumabasag ng katahimikan sa amin dahil ako, wala naman akong ibang masasabi, kapag may tinatanong siya, doon lamang ako nagsasalita, kinakabahan kasi ako kapag ganito, baka magalit ulit siya.
"Ano palang pangalan mo?" Tanong niya.
Tinapunan ko siya ng tingin at nakita ko naman na diretso ang mata niya sa telebsiyon.
"Ako po si Kara."
Tumango ito subalit hindi pa rin naman niya ako tinatapunan ng kanyang tingin kaya bumaling na ulit ako sa telebisyon.
"Nice name." Aniya, napangiti na lamang ako sa sinabi niya.
"Ilang taon ka na?" Tanong pa niya.
"Fifteen po, pero magsi-sixteen na po ako sa susunod na buwan." Sabi ko.
"Dalaga ka na pala." Sabi niya.
Hindi na ako sumagot.
"I'm twenty one." Saad niya,
Muli ko siyang tingnan. 21 years old na pala siya.
"Nag-aaral ka?" Tanong niya muli.
"Hindi po."
Kunot noo siyang muling nagsalita. "Hindi? Bakit?"
Napatungo ako at bahagyang napalabi.
"Nag-aaral po kasi ang mga kapatid ko at kapag nagsabay-sabay kaming mag-aral ay mahihirapan na talaga si Mama.." Pagsisinungaling ko na lamang pero ang totoo, hindi naman talaga ako pinapag-aral ni Mama,
First year high school lang ang natapos ko at sa tingin ko, hanggang doon na lamang ako. Ang mga kapatid ko ay tuloy-tuloy pa rin sa pag-aaral at ako, tanggap ko na na magiging ganito na lamang ako habang buhay.
Nag-iipon rin naman ako ng pera kahit papaano, gusto ko rin kasing makapag-aral, ayoko nang ganitong buhay pero kapag wala talaga, eh di tanggapin ko na lang ang katotohanan.
"Mas maganda kapag nag-aaral." Sabi niya.
Tumango ako.
"Oo nga po eh,"
"Gusto mong mag-aral?" Tanong niya,
Wala sa sariling napasagot ako. "Opo, syempre po."
Tumango siya kahit na ang mga mata ay nakatutok sa telebisyon.
"Kakausapin ko Mama mo, mag-aaral ka." Aniya, nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
Hindi madadaan sa ganon si Mama, pihado akong malalagot ako sa kanya kapag kinwento ko pa sa ser ko na hindi ako pinapag-aral ni Mama.
"Ay nako, h'wag na po Ser."
Muling kumunot ang noo niya at saka ako tinapunan ng tingin. "Bakit? Ako naman ang magpapaaral sa'yo eh,"
Literal na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"P-Po?"
Doon na napatawa si Sir Travis.
"Ang sabi ko: mag-aaral ka. Ako na ang bahala sa'yo, gusto ko lang na mag-aral ka."
Napakagat ako sa labi ko at bahagyang napatungo. "Nakakahiya po, Sir. Hindi naman na po kailangan.."
Umiling siya at tumayo na.
"Mag-aaral ka, okay?"
Naglakad siya palabas ng pintuan at ako ay sumunod rin naman sa kanya.
Naabutan namin si Mama na naglilinis sa living room ng mansyon.
"Sir, Magandang tanghali sa inyo." Bati ni Mama kay Sir Travis.
Sumibol ang kaba sa dibdib ko nang pasadahan ako ng tingin ni Mama, tumungo na lamang ako at naghanap ng gagawin sa kusina.
Mukhang sasabihin na ni Sir Travis kay Mama na mag-aaral na ako, sana lamang ay hindi na magalit pa si Mama sa akin, hindi naman kasi ako ang nagpumilit kay Sir na mag-aral ako.
Naghugas na lang ako ng mga hugasin, marami nga palang gawain dito sa mansyon na ito dahil sa laki, araw ng huwebes ngayon at day off pala ni Manang Tessa, at si Manang Rhea naman ay nasa palengke at namimili.
"Kara."
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses na iyon ni Ser Travis.
"P-Po?" Sabi ko habang tuloy-tuloy lamang ako sa paghuhugas, naramdaman ko ang presensya niya malapit sa likod ko.
"Mag-aaral ka na, naka-usap ko na ang Mama mo at wala naman daw problema." Ngiting sabi niya.
Napalunok ako bago magsalita, naramdaman ko na rin siya sa tabi ko.
"Salamat po Ser," lingon ko sa kanya,
Nginitian niya ako, at ang ngiting iyon ay tuluyan nang nagpawala sa sistema ko.