CHAPTER 4

1624 Words
Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa ngiti niyang iyon. Kanina pa nga ako paikot-ikot sa papag na hinihigaan ko at talaga namang hindi ako mapakali. Hindi ko kasi talaga makalimutan ang ngiti niyang iyon sa akin. Bumangon na ako bandang ala-singko ng umaga, halos wala talaga akong tulog, bahala na. Usapan kasi namin ni Sir Travis eh, isasama niya ako sa isang private school sa Ermita. Ngayong araw niya kasi ako ipapa-enrol. Pagbangon ko pa lamang ay nagluto na agad ako ng umagahan ng mga kapatid ko pati na rin nila Mama, para pag mamaya kapag paalis na ako ay walang magiging problema sa kanila. Pagkatapos kong magluto ay naligo na rin ako, pagkatapos ko ngang maligo ay ala-sais na ng umaga. Ala-siyete kasi ang usapan namin ni Sir Travis, magkikita kami sa bahay nila. Kumain na rin ako ng almusal. Hanggang ngayon ay tulog pa rin ang mga kapatid ko, si Mama naman ay paggising na sa mga oras na ito, nakapagpaalam na rin ako kay Mama kagabi at wala namang problema sa kanya ang pag-aaral ko. Madilim pa ang kabuuan ng mansyon pagkapasok ko rito, akala ko nga'y tulog pa si Sir Travis pero nagkakamali pala ako, mag-isa kasi siyang kumakain sa dining area nila. Mukha ngang hindi pa niya ako napapansin, dahil nakatalikod siya mula sa kinatatayuan ko. "M-Magandang umaga po, Sir." Bati ko sa kanya at tuluyan na niya akong nilingon. Napatungo ako, sa hindi ko kasi malamang dahilan ay parang hindi ko kayang titigan ang mukha niya. Para kasing nakakaramdam ako ng kung anong kuryente sa balat ko kapag tinititigan ko diya, hindi ko alam. "Eat with me." Sabi niya habang may pagkain sa loob ng bibig niya. Halos mapatawa ako sa eksena niya. Lumapit ako sa tabi niya at nakalimutan kong wala palang plato at kutsara para sa akin kaya tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. "Ako na... Pakakainin na kita." Aniya at itinapat sa bibig ko ang kutsarang may laman ng kanin at ulam. Halos manginig ang kalamnan ko at sa oras ma ito ay panay ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Sinusubuan niya ako ng kanin at sabay kaming kumakain. "Masarap?" Tanong niya, Tumango ako. "Ako lang nagluto niyan, namamalengke kasi si Manang." Sabi niya at muli niya akong sinubuan. Para ba akong bata na pinapakain ng magulang. Halos lamunin na ako ng kilig pero pinipilit kong pig lan, baka kasi mapagalitan ako ni Sir at malagot na naman ako kay Mama. "Masarap po pala kayo magluto." Ngiti ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya at saka pag-inom niya ng tubig. Sa buong oras na iyon ay wala akong ginawa kung hindi ang titigan lamang siya, siguro napapansin na niya ang paninitig ko sa kanya, pero tuloy lang naman siya sa ginagawa niyang pagkain. "Pagkatapos nito, maliligo lang ako at aalis na tayo." Sabi niya. Napatungo ako. "S-Salamat po talaga sa inyo, Sir." Nahihiyang sabi ko sa kanya. Narinig ko nanaman ang pagtawa niya at nagulat ako nang akbayan niya ako. Halos manlaki na ang mata ko at tila napatigil ang mundo ko. "Sige, 'dun ka muna sa kwarto ko, maliligo na 'rin ako." Sabi niya at tumayo na. Sumunod ako sa kanya at wala akong ginawa kung hindi ang tignan ang hubad niyang likod. Topless kasi siya, kaya simula kanina ay nahihirapan akong tumingin sa katawan niya. Pagpasok namin sa kwarto ay pinaupo niya ako sa kama, at ibinigay sa akin ang remote ng kanyang malaking television. Siya naman ay kumuha na ng tuwalya niya sa closet niya. Pagpasok niya ng banyo ay saka lang ako napabuga sa hangin. Nagpakawala ako ng isang mahabang bunting hininga at saka hinawakan ang dibdib kong tila ba nagwawala. Mabilis pa rin kasi ang t***k ng puso ko magpa-hanggang ngayon. Ano ba itong nararamdaman ko, hindi kasi pamilyar sa ganitong pakiramdam. Para bang kapag nakikita ko si Sir ay bumibilis naman ang t***k ng puso ko na siya namang tila pagtigil ng mundo ko. Mukhang iba na nga yata talaga ito. "Ahh." Napakunot ang noo ko nang may marinig ako tila ungol na nagmumula sa banyo. Medyo hininaan ko pa ang volume ng telebisyon para makasigurado. "Ahhh s**t!" Mapatayo ako mula sa pagkakaupo at saka mabilis na pumunta sa labas ng pinto. "S-Sir? Okay lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ko, baka kasi may kung anong madamng nangyayari sa kanya mula sa loob ng banyo, "K-Kara... Ohhh.." Napalunok ako at saka mabilis na kumatok sa pintuan ng banyo, ano naman kayang nangyayari kay Sir. "S-Sir Travis! Ano na pong nangyayari sa inyo? Nag-aalala na po ako." Mabilis na sabi ko at panay pa rin ang pagkatok ko sa pintuan ng banyo niya, Napatigil lamang ako nang buksan niya ang pinto at tanging mukha niya lamang ang nakasilip sa akin. "Kara! Okay lang ako! H'wag mo na ako pansinin may ginagawa kasi ako." Sabi niaya na tila ba naiinis, Wala sa sariling napatango ako at bumalik sa kinauupuan, akala ko kasi ay may nangyari ng masama kay Sir sa loob. Mga kalahating oras na ay saka lang natapos sa pagligo si Sir, nakabihis na rin siya. Ripped jeans, fitted white shirt at nakasuot rin siya ng cap at saka may shades rin siya, maganda rin ang suot niyang sapatos na vans pala ang tatak. "Sorry natagalan ako." Aniya. Tumango naman ako. "Okay lang po, wala namang problema." Lumabas na kami ng mansyon at ngayon ay pupunta na kami sa isang private school para doon niya ako ienrol, Sumakay kami sa sasakyan niya at pagkapasok ko pa lamang doon ay sobra-sobra na ang pagkamangha ko. Ang ganda pala kapag nasa loob ng sasakyan talaga, ngayon lang kasi ako nakasakay sa ganito. "Kara." Napatigil ako sa pag-iisip nang tawagin niya ako, tumingin ako sa kanya, hindi pa rin naman niya pinapa-andar ang kotse niya at ngayon ay seryoso pa rin siyang nakatingin sa akin. Sa akin ba o sa dibdib ko? "Sa susunod, 'wag ka na magsusuot ng ganyang damit," sabi lamang niya at saka na siya nagmaneho. Tumango ako at saka pinasadahan ng tingin ang sarili ko, okay naman ang suot ko. Mabilis kaming nakarating sa school, wala naman kasing traffic dahil maaga-aga pa. Bumaba kami ng sasakyan at saka kami pumasok sa loob ng isang magandang eskwelahan, dito na siguro ako mag-aaral. Inabot ng lagpas isang oras ang pagpapa-enrol sa akin ni Sir pero hindi ko naman nakikitang parang nag-iinit na siya ng ulo, sobra ang hiya ko dahil siya lahat ang nag-asikaso sa akin para lang mapa-enrol ako. "Are you alright?" Biglang tanong niya at saka niya ako nilingon. Muli akong napatingin sa mga kababaihan na kanina pa pasulyap-sulyap sa pwedto namin, kanina pa kasi pinagtitinginan si Sir dito, lahat na nga lang yata ay napapatingin sa kasama ko. Tumango ako at tinignan ang counter, susunod na kasi ang number namin para mabayaran na ang tuition ko ngayong taon. Mahigit 40,000 php ang tuition na fee na babayaran ni Sor para da akin kaya talagang nahihiya ako. Pagkatapos niyang magbayad ng tuition ko ay saka niya hinawakan ang kamay ko palabas pero may grupo ng babaeng humarang sa daraanan namin, napayuko ako. "Hi po." Bati nila sa lalaking kasama ko. Napalunok ako at saka ibinitiw ang may niyang nakahawak sa kamay ko, napatingin si Sir sa akin. "Pwedeng pa-picture?" Masayang sabi ng isang babae kay Sir Travis. "Sure." Ngiting sambit naman ni Sir. Doon ako napa-iwas, pumwesto na kasi sa tabi ni Sir ang grupo bg mga kababaihan para makapagpapicture. Medyo lumayo pa nga ako ng kaunti sa kanila para hindi takaga ako maka-abala sa ginagawa nila. "Kara!" Tawag sa akin ni Sir matapos ang mahaba-habang picturan, mukha kasi hindi ako nakikita ni Sir dito sa pwesto ko kaya lumapit na ako. "Sir, nandito lang po ako." Kumunot ang noo niya pero agad rin iyong napawi at saka niya hinawakan ang kamay ko paalis sa lugar na iyon, sumakay kami sa sasakyan niya. "Pupunta tayong SM Manila. Ipapamili na rin kita ng mga gamit mo." Saad niya, Kahit nahihiya ay tumango na lamang ako, sobra-sobra na ang utang na loob ko sa kanya, dahil naman kasi talaga sa kanya ay maipagpapatuloy ko na ang pag-aaral ko. Pagkarating namin sa SM ay dumiretso muna kami sa National book store. Marami talaga ang tumitingin sa lalaking kasama ko at hindi ko talaga alam ang dahilan. Gwapo naman siya pero hindi naman siya artista Bago pa kami kasi makapasok sa National Book store ay may nagpa-picture na naman sa kanya, "Tara na?" Sabi niya nang matapos ang nagpapa-picture sa kanya. Medyo malayo-layo ang distansya ko sa kanya, nakakahiya kasi ang masyado kaming malapit sa isa't-isa. Baka may makapansin at iba pa ang isipin ng iba sa aming dalawa. Bago kami makarating sa mga school supplies ay madaraanan muna namin ang magazine stands. Maraming magazines sito pero may nakapukaw kaagad ng pansin ko. Tumigil ako sandali gayundin si Sir, kinuha ko ang isang magazine at saka tinitigan ito. "Wow!" Namamanghang sabi ko at saka siya binalingan ng tingin. "Grabe po Sir, nasa magazine ka po pala." Tumawa siya sa tabi ko at saka niya ako hinila palapit sa kanya. "Ngayon pala ipapalabas ang issue niyan, akala ko next month pa." Natutuwang sabi niya at saka niya hinawakan nito. Napangiti ako at muling binaling ang tingin ko sa magazine na ngayon ay hawak na niya. Kaya pala maraming nagpapapicture sa kanya, iba talaga ang kasama ko ngayon, sikat na parang artista na, "Ang gwapo niyo po talaga, Ser." Sabi ko. Muntik ko nang masampal ang sarili ko sa kagagahang nasabi ko, walanghiya, nadulas pa ako sa sinabi ko. Nakakahiya! Ewan ko pero bigla na yatang binalot ng pesteng kalandian ang sistema ko. Ngumiti siya at saka niya ako inakbayan. "Talaga?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD