CHAPTER 5

1489 Words
"Ano ang tinitignan mo riyan? Wala diyan si Senyor Travis." Sabi sa akin ni Manang Tessa na nasa likuran ko na pala. Nawala ang ngiti sa labi ko at muling isinara ang pintuan ng kwarto ni Sir Travis. Tatlong araw na kasi ang lumipas nang huli ko siyang makita, hanggang ngayon nga ay hindi pa siya umuuwi rito, hindi ko naman alam ang dahilan niya. "Yung baon mo ay pinatago sa akin ni Ser, kukunin mo nalang kapag papasok ka na." Sabi pa ni Manang. Tumango naman ako. Unang araw na nang pasukan ko ngayon at ang inaasahan kong makikita ko ay si Sor Travis pero mukhang mabibigo naman ako. Ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin, wala man lang akong balita sa kanya kung ano na ang nangyayari sa kanya, may parte rin kasi talaga sa puso ko na labis na may pag-aalala sa kanya. "Ay teka, yung baon mo nga pala! Akala ko bukas pa ang pasukan mo, nakalimutan kong araw ng lunes pala ngayon." Napapalakpak pa si Manang kaya bahagyang napatawa naman ako. May inilabas siyang pera mula sa bulsa niya. "Oh, eto. ₱ 150 ang baon mo," sabi niya sabay abot ng perang hawak nya sa akin. "Para ngayong araw lang 'yan ah?" Nanlaki naman ang mata ko. 150 pesos para sa isang araw! Hindi ba't masyadong malaki ito para sa high school student na kagaya ko? Katunayan nga ay first time kong makakahawak nang ganitong kalaking halaga sa tuwing papasok ako ng eskwelahan. "Ang sabi ni Sir, mag-aral ka raw ng mabuti." Sabi pa ni Manang Tessa, Wala naman ako sa sariling napatango sa sinabi niya. Nakapag-ayos na rin ako at mayamaya lang ay papasok na ako sa eskwelahan. Grade 9 nga pala ako ngayon, ang totoo nga niyan ay naeexcite ako na may hinahaluang kaba ang nararamdaman ko, isang taon rin kasi akong tumigil sa pag-aaral. Paglabas ko ng mansyon ay agad rin naman akong nakahanap ng masasakyan 'kong jeep papunta sa San Marcelino, mabilis rin naman akong nakarating sa eskwelahang papasukan ko. Mabilis ko ring nahanap ang room ko at nang makapasok ako ay agad bumungad sa akin ang napakalamig na hangin na nagmumula sa aircon ng classroom na ito. Konti pa ang mga estudyanteng katulad ko sa klase pero, matindi na rin ang kaba ko sa dibdib ko, panay kasi ang tinginan sa akin ng mga kapwa ko estudyante. "Hi," Lumapit ang isang babae sa akin na sa tingin ko ay mukhang mayaman, mukha rin namang mabait, "Hello." Sabi ko, ngumiti rin naman ako. "Transferee ka?" Tanong niya. Umiling naman ako. "Hindi." "Ahh. Okay, ako kasi transferee." Sabi niya. Napataas naman ang paningin ko sa kanya. "Ako nga pala si Angel." Sabi pa niya, "Kara." Mababait rin naman pala ang mga kaklase ko rito, hindi nga tulad ng inaasahan ko na mga mataray na mayayaman. Meron na nga agad akong kaibigan at siya si Angel, mukha nga itong matalino kaya medyo naiilang ako, hindi naman kasi ako ganoong katalino katulad ng iba. Recess time na, ang galing! Mababait talaga ang mga naging kaklase ko, mapababae o mapalalaki, tama nga talaga ako ng lugar na napasukan ko, katunayan nga halos kilala ko na lahat ng kaklase ko pati na rin ako, kilala na rin nila ako. Hindi rin naman pala ganoong kayaman ang iba kong kaklase, kumbaga ang eskwelahan na ito ay hindi lang pala para sa mga mayayaman talaga, may mga nakapapasok na halos katulad lamang ng buhay ko rito, dahil isa silang scholar, bilib nga ako sa kakayahan nila. "Kara, starbucks tayo?" Sabi sa akin ni Angel. Nasa labas kasi kami ng classroom at ngayon ay maghahanap na kami ng makakainan. Recess kasi. Napakunot naman ang noo kong tinignan siya. "Starbucks?" Tanong ko. Tumango naman siya. "Yes, or kung gusto mo, McDo nalang?" Sabi pa niya. Wala sa sariling napatango ako, mayroon pa kasi kaming thirty minutes na break at ang McDonalds at iba pang mga kainan ay halos katani lang ng eskwelahan namin. Pagkarating namin sa McDonalds ay sumalubong sa akin ang napakaraming mga estudyante. "Kara dito tayo!" Malakas na sabi ni Angel na nakahanap na pala ng mape-pwestuhan namin, agad rin naman akong lumapit. "Libre ko na ah?" Sabi niya. Namilog naman ang mata ko. "Hindi na, may pera naman ako." Sabi ko, Umiling naman siya, "Nope. h'wag na, ako na bahala." Sabi niya at umalis na sa tabi ko, para umorder na. Ngayon ay mag-isa na lang ako sa pwesto namin, tinignan ko ang paligid at agad napukaw ng atensyon ko ang lalaking kamukhang-kamukha ni Sir Travis. Sir Troy! May kasama itong babae na hindi ko naman kilala at hindi pamilyar sa paningin ko, napatungo ako na sana h'wag na niya muna ako makita rito. Dito pala siya nag-aaral sa eskwelahan rin na pinapasukan ko, nasa kolehiyo na kasi si Sir Troy. Ang alam ko ay graduating student na si Sir Troy ngayong taon, Architecture kasi ang kinuha niyang kurso kaya mas natagalan siya sa kolehiyo niya. Hindi katulad ni Sir Travis na tungkol sa business yata ang kinuhang kurso. "K-Kara?" Binalot ng kaba ang dibdib ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Sir Troy. "P-Po?" Napakunok ako, hindi ko inaasahang makikilala ako ni Sir. "Si Travis?" Tanong niya. "H-Hindi ko po alam." "Oh? I thought na kasama mo? Sabi niya, isasabay ka niya sa pagpasok." Nakakunot noo na sabi niya. Umiling naman ako. "Hindi pa po siya umuuwi sa bahay." Sabi ko kay Sir Troy, Hindi ko alam kung saan umuuwi si Sir Travis, ang alam ko lang ay marami silang bahay pati na rin ng mga condominium. Pati nga si Sir Troy ay bihira ko lamang na makita sa bahay nila. "Uhhh," napatango-tango na lamang siya at doon na ako napatingin sa babaeng kasama niya na ngayon ay nakasimangot na. "Troy, ano ba, lalandi ka nalang ba? akala ko ililibre mo ako?!" Sabi ng magandang babae kay Sir Troy na sa tingin ko ay nasa kolehiyo na rin. "Ulan, Hindi ako naglalandi noh! Si Kara 'yan, anak ng katulong namin." "Tigilan mo nga ako," Nagpaalam na rin sila Sir Troy, umalis na silang dalawa at doon na nga ako naiwan. "Kara, tara, kain na tayo." Si Angel na kadarating na pala bitbit ang mga inorder niya. Natapos kaming kumain at dumiretso rin naman kami kaagad sa klase naming dalawa, puro pag-iintroduce lang naman ang ginagawa ng mga teacher at pati namin sa klase. Bandang ala-una nang tanghali nang matapos ang klase namin. Nagpaalam na rin ako kay Angel dahil kailangan ko ng umuwi ng maaga, Bago pa ako makalabas sa exit ng school eh, madadaanan ko muna ang car park. Bahagya akong napatigil nang makita ko ang napakapamilyar na sadakyan na nakaparada doon, May bumabang lalaki rito, at pinasingkit ko pa ang mata ko para makita kung sino iyon, Mabilis na nanlaki ang mata ko, Si Sir Travis! Papalapit siya sa akin nang nakangiti, tinignan ko ang suot niyang button down shirt na white, na sinamahan ng ripped jeans niya, nakangiti siya pero mukhang pagod naman ang kayang itsura, bigla-bigla ring bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko ang boquet ng bulaklak na hawak-hawak niya. "Hi Kara." Ngiting sabi niya bago iabot ang bulaklak sa akin, napatigagal ako at halos hindi malaman ang gagawin. "S-Sir." Tatlong araw ko siyang hindi nakita, sa tatlong araw na iyon ay panay ang hanap ko sa kanya, sa katunayan nga talaga ay miss na miss ko na siya. Napasinghap ako nang akbayan niya akong dinala patungo sa sasakyan niya. "Have you already eaten?" Tanong niya. Naaamoy ko rin ang napakabangong pabango niya sa tabi ko. "K-Kumain na po ako." Tumango naman siya at pinagbuksan pa ako ng pintuan ng sasakyan niya, "Kara, you mad?" Tanong niya, habang ikinakabit ang seatbelt sa akin, napakalapit ng mukha niya at kaunting tulak na lang ay pwede nang magdikit ang aming mga mukha. Umiling naman ako po. "H-Hindi po, Sir." Ngumisi naman siya at sumakay na rin ng sasakyan niya, bago niya paandarin ang makina ng kanyang sasakyan ay binalingan pa niya ako ng tingin. "I miss you, Kara." Bigla-bigla ay napakagat ako sa ibabang labi ko, para bang gusto kong hampasin ang sarili ko nang boquet of flowers na hawak ko, bigla-bigla kasi ay parang tinubuan na ako ng kalandian sa isipan ko. Naloka na. Napatigil lamang ako nang marinig kong tumawa siya. "Uyyy, kinikilig siya sa akin.." Natatawang sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko Hala! Ang gwapo ng boses! Ewan ko ba, pero hindi ko na kasi matiis, kilig na kilig na ako!!! "Sher nemen eh, herher keshe nemen.." Charing "Huh?" Napalunok naman ako, hala! "Naku, wala po 'yun!" Sabi ko na lang. Pero deep inside, kilig na kilig na ako. Tumawa naman siya at ipinagpatuloy na ang pagmamani-obra ng sasakyan, nakangiti pa nga ako habang tinititigan ko siya kung paano siya magmaneho. Ang gwapo talaga! Ang bango pa! "Hindi kaya, malusaw na ako niyan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD