"Kara.."
Kasalukuyan kami ngayong nasa Max's sa may Bonifacio Global City. Dito kasi ako dinala ni Sir Travis. Nahihiya pa nga ako dahil naka-uniform pa ako, nanliliit rin ako sa sarili ko dahil sa itsura ko, samantalang itong si Senyor Travis na nasa tabi ko ay gwapong gwapo sa suot niyang button down shirt na tinernuhan ng pants na babagay sa suot niyang damit.
Tumingin ako sa kanya. "PoA?"
Ngumiti naman siya at saka niya ipinagpatuloy ang pagkain niya. "Ano gusto mong panuorin? The conjuring 2 or finding dory?" Tanong niya habang may laman pa nga ang bibig.
Pigil akong napatawa. Napaka-cute naman kasi.
Ang totoo niyan, hindi ko talaga alam ang The Conjuring 2 at Finding Dory na iyan. Narinig ko lang 'yan kanina lang sa may entrada ng eskwelahan na pinag-uusapan ng mga schoolmates ko. Sabi ng iba ay maganda naman daw ang dalawang palabas na 'yon.
Umiling naman ako. "Wala po akong pambili ng ticket."
Tumango-tango siya at tinignan ang wrist watch niya.
"Sige, ako namang bahala, eh." Ngiting sabi niya.
Napatungo ako at napakagat pa sa ibabang labi ko.
"N-Nakakahiya na po talaga."
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa harap ko kaya itinaas ko na ang paningin ko sa kanya.
"H'wag ka na mahiya, ako lang ito oh." Sabi noya sabay turo sa sarili niya habang natatawa.
Napangiti ako.
"Basta, manunuod tayo ah? Kumain ka muna. Pagkatapos, manunuod na tayo." Sabi niya.
Pagkatapos naming kumain ay dinala na niya ako sa Cinema. Bumili siya ng ticket naming dalawa at pumasok na rin sa loob ng sinehan.
"Ang dilim po pala rito." Wala sa sariling sabi ko, first time ko lang naman kasing nakapasok sa ganitong lugar.
Madilim na malamig.
Naramdaman ko ang pagkaka-akbay sa akin ni Sir.
"Natatakot ka ba? Gusto mo, finding dory na lang muna panuorin natin?" Aniya.
Mabilis na umiling ako. Baka kasi kapag lumabas kami rito ay bumili na naman ng panibagong ticket si Sir, ayoko namang mangyari pa 'yon dahil sobra na ang gastos niya sa akin. Nahihiya na nga ako, at ewan ko ba sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon kasama ko pa siya.
Sa kalagitnaang ng movie, bigla akong nagulat nang lumabas ang multong may belo sa ulo. Muntik pa nga akong mapasigaw kung hindi lang ako niyakap ni Sir.
"s**t! K-Kara, finding dory na lang kaya?" Sabi niya habang nakayakap na sa akin.
Napalunok ako.
Napakunot ang noo ko at bahagya nang natawa. "Sir, natatakot ka ano?" Tanong ko.
Hindi na ako nakatingin ngayon sa big screen na nasa harapan. Sa halip ay nakatingin na ako kay Sir, na ang mukha ay halos nasa leeg ko na.
Natawa na ako ng tuluyan at hinawakan ang malamig na kamay niya.
"Hindi ako natatakot." Sabi niya sabay nguso.
Mas lalo akong natawa. Lalo na nang lumabas ulit yung babaeng naka-black, nandito na kasi yung scene na sa may picture frame? Yung biglang lumabas yung nakakatakot na babae.
"f**k! Ayoko na, Kara, Tara na!" Sabi niya at tumayo na sabay hila sa akin palabas.
Wala naman akong magawa kung hindi ang sumunod sa kanya, sayang ang ganda pala ng The Conjuring, 'yun nga lang, duwag pala itong kasama ko sa mga horror movies kaya ang ending. Finding dory ang pinanuod namin.
----------
"Just keep swimming, just keep swimming, just keep swimming, swimming, swimming~~~" Si Sir Travis, 'yan habang nagmamaneho.
Kanina pa siya kanta ng kanta ng "just keep swimming" na iyon, paano'y gandang-ganda siya sa finding dory.
Kasalukuyan siyang nagmamaneho, pauwi.
"Awuuuu... Turn left... Wuuuuuuuu turn right! Awuuuuuuu Wuuuuuu Wuuuuuuuuuuu.." Si Sir Travis na naman.
Mas lalo akong napatawa. Hindi ko na mapigilan, "Sir, dahan dahan po kayo sa pagmamaneho," Pagpapaalala ko.
Tumango naman siya at nagulat ako nang hawakan niya ang kaliwa kong kamay habang ang isa niyang kamay ay nagmamaneho.
"Thank you." Sabi niya,
Napakunot ang noo ko, hindi ba dapat ako ang nagte-thank you dahil nilibre niya ako?
"You're welcome?" Tila ba nagtatanong na sagot ko.
Natawa naman siya, pero bigla rin 'yon nawala dahil sumeryoso na rin ang mykha niya,
Napahinga siyang malalim bago magsalita.
"Thank you sa araw na ito. Pinasaya mo ako." Sabi niya habang ang mga mata ay diretso pa ring nakatingin sa gitna ng kalsada.
"Wala po iyon, ako dapat ang mag-thank you dahil marami na po kayong naitulong sa akin at pinapasaya mo rin po ako."
"Talaga?" Tanong niya at saglit na lumingon rin sa akin.
Tumango ako.
"Opo, napaka-bait n'yo po."
Tumango siya.
"So friends?" Tanong niya.
Bahagya akong napatigil.
Friends?
"Oo naman po, friends na tayo." Sabi ko.
Nang tignan ko siya ay nakangiti siya habang nagmamaneho, para ngang may iniisip na kung ano.
"Kara, you can call me Travis," sabi niya. "Travis na lang ang itawag mo sa akin." Sabi pa niya,
"Wala po bang problema sa iyo 'yon?"
"Nope, so started today you will call me Travis na ah?" Sabi pa niya.
Wala kong magawa kung hindi ang sumang-ayon na lamang, Dapat naman talagang Sir Travis ang itawag ko sa kanya. Ang kaso, ayaw naman pala niyang magpatawag na Sir.
"Okay, Travis." Ngiti ko.
"Kara..."
Tinitigan ko siya, kahit na hindi naman siya nakatingin sa akin. Seryoso siyang mag-drive.
"Kara, may boyfriend ka na?" Tanong niya.
"Naku, wala ah!"
"Wala?" Napapatango-tango pa siya. "Ano ba ang nagugustuhan mo sa lalaki?" Tanong pa niya,
Nagugustuhan ko sa lalaki?
Simple lang, "Ang nagugutuhan ko po ay 'yung lalaking mabait, masunurin, may takot sa diyos at matulungin."
Hindi siya sumagot pero mayamaya lang ay nagsalita na siya.
"Ay oo nga pala!" Sabi niya, nang mukhang may maalala.
"Ano po 'yun?"
"Lilinisin ko nga pala yung sasakyan ni Daddy mamaya! Inutusan kasi niya ako eh,"
Napakunot ang noo ko.
"Tapos, dadaan pala ako sa simbahan mamaya kasi magdadasal ako,"
Huh?
"Tapos, tutulungan ko pala si Kuya na magawa yung sasakyan niya, nasira kasi eh."
Hindi ko maintindihan kung ano ang mga sinasabi niya.
"Ang bait n'yo po pala." Sabi ko nalang kahit na ang totoo ay medyo naguguluhan ako sa kanya.
"Yup, Simba tayo sa linggo ah?"