"Mama! Wala na po ako lagnat!" Malakas na sabi ni Kristofer. Napahinga naman ako ng malalim at sinalubong ang yakap niya. Kagigising lang nilang dalawa ni Kristian, "Buti naman at galing na si Baby ko," Sabi ko. "Opo! Ayoko na kasi uminom nung panget na lasa na gamot! Ano ba tawag 'don, Mama?" "Paracetamol?" "Ayun!" Sabi niya at binalingan ng tingin si Kristian na ngayon ay nanunuod na ng t.v "Ayoko 'non! Panget lasa at saka sabi ni Kris, Matulog lang daw ako para gumaling na ako." "Talaga?" Tanong ko sabay kalong sa kanya. Tumango naman siya, "Di 'ba, kapag nagkakasakit si Kris natutulog siya? Kaya dapat ganun din ako!" Napatawa naman ako at ginulo ng kaunti ang buhok niya. "Basta ayoko na magkakasakit kayo ni Kris ah?" "Sige, Mama!" Naghanda na ako para sa pananghalian. Mayamaya