"Matagal na akong nagtatrabaho sa mga Santos, sa tingin ko ay marami na rin talaga akong alam sa kanila lalo na kay Sir Travis nitong mga nagdaang taon.... Ngayon ka lang ba talaga niya nakita?" Tanong niya sa akin. Tumango ako. "Kamakailan lang po kami nagkita," "Ah." Aniya habang ipinagdidikit ang dalawang kamay niya, "Kaya pala hindi na siya ibinalik pa sa Rehabilitation Center sa Bilibid." Agad na namilog ang mata ko sa narinig, "Po? Bilibid?" "Oo, Kara." Sagot niya, "Hindi mo pala talaga alam? Hindi niya sinasabi sa 'yo?" Wala ako sa sariling napatango habang mabilis ang bawat paghinga, "W-Wala po siyang naike-kwento sa akin." "Napansin namin ang pagbabago kay Senyor noong pitong taon na ang nakalilipas. Hindi alam nila Sir Zach at Ma'am Lizette kung saan pumunta si Senyor Travi