Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil aasikasuhin ko pa ang dalawang bata. Tinignan ko sila Kristofer at Kristian na tulog pa rin sa tabi ko. Napakibit-balikat na lang ako nang hindi ko na nakita si Travis sa tabi namin. Katabi rin kasi ng dalawa ang Papa nila. Tumayo ako at nagtungo sa banyo para maghilamos, pagkatapos ay saka ako bumaba patungo sa kusina. Napalunok ako nang makita ko si Travis na nagluluto. Hindi ko makita ang rekasyon ng kanyang mukha dahil nakatalikod siya sa pwesto ko. "Sana magustuhan nila 'to." Sandali akong napangiti, Kinakabahan ba siya? Na baka hindi namin magustuhan ang niluluto niya? Tumikhim ako at mas lumapit pa sa ginagawa niya. Nang mapansin niya ako sa likuran niya ay parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa sobrang gulat. "Ahm. Pinagluto ko