"Promise me, you'll be good.." Kasalukuyan kong inaayos ang laman ng backpack ni Travis. Ala-sais pa lamang at ready na agad umalis si Travis para makapaghanap ng trabaho. Tumango ako at saka nilagay ang isang bote ng tubig sa loob ng bag niya. "Ubusin mo ang baon mo ah!" Sabi ko at isiniksik rin sa loob ang ilan pang mga skyflakes at saka ng lunch box niya, "Huwag kang magpapalipas ng gutom, at H'wag mo rin ako kalimutang i-text.." Sabi ko. Tumango naman siya at binigyan pa ako ng panakaw na halik sa pinsgi. "Ikaw naman, mag-iingat ka dito sa bahay natin...." Aniya at saka isinara ang nakabukas na bintana. "H'wag na H'wag kang magpapapasok ng kahit sino dito sa loob..." Muli akong tumango at nang maayos ko na ang bag niya ay iniabot ko na sa kanya, isinukbit rin naman niya agad iyon s