Maaga akong nagising para maipagluto ng pang-almusal si Travis na ngayon ay nakahilata pa rin sa kama. "Travis, bumangon ka na diyan. Seven ang pasok mo 'di ba?" Sabi ko, sabay tingin sa wall clock. May aala-sais na rin ng umaga. "Five minutes." Tinatamad na sabi niya sabay tihaya ng higa. Kagabi kasi, hindi makatulog si Travis. Pagalaw-galaw kasi siya at paikot-ikot siya sa kama. Ganyan naman siguro siya, hindi lang siya sanay na walang aircon ang tinutulugan niya. Bandang alas-onse nga ng gabi ay naabutan ko pa siyang pinapaypayan ako at pati na rin ang sarili niya kahit na may aircon naman. Init na init talaga siya kagabi. Hindi rin nagtagal ay tunayo na rin si Travis at kumain na ng almusal niya, kasabay ako. "Nainitan ka kagabi, ano?" Hindi naman siya sumagot, sa halip ay sin