Hindi mawala ang labis na pag-aalala sa mukha ko habang habol-habol ko ng tingin si Kristian na patakbo-takbo pa kasama ng iba pang mga kaklase niya. Kakatapos ko lang maka-usapa ang Principal ng school dahil nakipag-away na naman si Kristian sa isa niyang kaklase. Papalapit na ako sa kinaroroonan ng anak ko at agad niya naman akong namataan, kaya agad niya akong nilapitan at mabilis na niyakap. "Mama! Naglalaro na ako kasi tapos na kami sa test namin ni Teacher!" Masiglang sabi sa akin ng anak ko. Maluwag naman akong napangiti habang pinupunasan ang pawis ng anak ko, "Eh di mabuti.." Sabi ko, kinuha naman ni Kristian ang towel na hawak ko at ipinunas sa may bandang tiyan niya. "Baby, sabi ko sa 'yo, 'di ba huwag ka na makikipag-away?" Kusang nawala ang ngiti ni Kristian at unti-unti na