"Mama! Ano pala ibig sabihin ng kilig?" Tanong sa akin ni Kristian. Halos mapanganga naman ako sa tanong ni Kristian, kasalukuyan kaming nakaupo sa pahabang sofa at nanunuod ng palabas sa telebisyon. Nakatulog naman sa tabi ko si Kristofer kaya si Kristian na lang ang kausap ko ngayon. "Bakit mo naman naitanong 'yan?" Tanong ko pa, Bahagyang pinahaba naman ni Kristian ang nguso niya kaya piningot ko naman 'yon. "Mama! Masakit eh!" Aniya Napatawa naman ako at saka nagsalita, "Ano? Bakit mo pala naitanong kung ano 'yung kilig?" "Mama! Sabi kasi ni Kuya! Kinikilig daw ako kay Selena! Totoo po ba 'yon, Mama?" Tanong pa niya, "Ikaw talaga!" Natawa naman ako ng kamutin ni Kristian ang ulo niya, "Bata-bata mo pa! Hindi ka pa pwede diyan!" Hindi na naman sumagot si Kristian, Sa halip ay ipi