22 "Saan tayo pupunta? Hindi naman ito ang daan pauwi sa apartment,” palinga-linga si Brittany sa paligid habang papasok sila sa isang Subdivision, sakay ng sasakyan ni Nate. Parang nakahinga na ito nang maluwag dahil malayo na sila sa Papa niyang ubod ng sungit. Nagpaalam naman ito kanina kahit na parang utangan ang mukha ng ama niya. Sa huli ay nakita niyang nagkamay ang dalawa at nagpapasalamat na rin siya dahil mukhang may pinagkasunduan ang mga ito. Malamang ay si Hayden iyon. Napilitan syang lingunin si Nate na nakangiti lang sa kanya sa rearview mirror. "Daddy, are we going to meet your Dad and Mom?" "Yes buddy." sagot nito sa bata at sumulyap ulit sa rear view mirror. Bigla syang nataranta. Nasipat niya ang sarili. Kagagaling lang nila sa Quezon, bakit naman idederetso