21 Napansin ni Brittany na kanina pa palinga-linga si Nate sa paligid ng bakuran ng kabahayan habang palapit sa kanya. Gusto pa niyang pagtawanan ang itsura nito na parang pusang nag-aabang ng kalaban. Hinahanap siguro nito ang ama niya na dinaig pa ang isang katipunero sa paghawak ng itak. Nate’s still so very handsome, kahit sa simpleng suot na pambahay at sipit na tsinelas. Natatawa pa sya nang sabihan ng Mama niya na baka raw kalyuhin ang paa dahil ang singkwenta pesos lang ang tsinelas na nabili sa palengke kahapon. Paano ba naman ay nakalimot na bumitbit ng lalaki ng tsinelas. Alangan naman na magsapatos na lang iyon araw at gabi. Pero mukhang komportable naman sa tsinelas na mumurahin, habang nakasuot pa rin ng medyas. "Uy! Sinong sinisilip mo?" natatawang tanong niya sa b