CHAPTER 1:FIRST DATE

1459 Words
"Wow! Ang ganda naman ng anak ko."humarap ako kay mommy at ngumiti. Nandito kasi kami ngayon sa kwarto ko habang sinusuri ang sarili sa salamin. Nakasuot ako ng simpleng white dress na hanggang tuhod ang haba at nilugay ko rin ang buhok ko na hanggang bewang ang haba at nagsuot ng heels na flat. "Bakit suot mo pa iyang salamin mo?" napapikit ako ng tanggalin ni Mommy ang salamin ko. Mahilig kasi akong magbasa kaya siguro hindi na masyadong malinaw ang paningin ko dahil palaging nasa libro ang atensyon ko. "Ma, di ako makakita." Narinig ko ang mahina niyang tawa . "E', ano bang silbi nitong binili kong contact lens para sa'yo?" pinaupo niya ako sa kama at naramdaman ko ang kamay nitong hinihimas ang mukha ko. "....subrang ganda mo anak. Mana ka talaga kay mommy."ngumiti ako sakanya. Kahit diko maaninag ang mukha niya alam kong umiiyak siya ngayon kaya itinaas ko ang kamay ko at kinapa ang mukha niya. "Ma, umiiyak na naman kayo. Naalala niyo na naman si Kuya?" narinig ko ang hingos niya kaya mahina akong natawa. "...si mama talaga. Uuwi naman si Kuya sa katapusan na buwan. Ang oa niyo po." Hinampas niya ako ng mahina na ikinatawa ko lalo. "Sira! Namiss ko lang ang kuya mo. Medyo matagal na rin kasi nung huli natin siyang nakasama simula ng kun---"hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng sumabat ako. "Ilagay niyo na po ang contact lens ko, Ma. Baka parating na si Tristan maya-maya." Naramdaman ko ang pagtigil niya na kalaunan ay gumalaw rin. Alam ni mommy na ayaw kong pinaguusapan si Daddy sa harapan ko dahil sa galit ako sakanya. Naramdaman ko ang paghawak niya sa mga talukap ng mata ko at nilagay ang contact lens. Napatulo ang luha ko sa subrang hapdi. "Mahapdi ba anak?"tumango ako. "Mawawala din 'yan mamaya. Ganyan talaga kapag unang gamit." Matapos niyang ilagay ang contact lens ay naaninag ko na ang mukha ni Mommy. Nakangiti ito habang may luha ang mga mata. "Si mommy talaga! Huwag nga kayong umiyak, para naman akong namatay niyan eh." "Sira! Hindi ba pwedeng masaya lang ako dahil magkaka-boyfriend na ang anak ko?" ngumiti ako at tumayo tsaka humarap sa salamin. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Ako ba talaga 'to? "Alam mo bang manang-mana ka sa pa-" "Ma..." Tumango siya at lumapit sa likuran ko. "Hanggang ngayon ba galit ka parin sakanya?" Hindi ako nakapagsalita sa tanong niya.Siguro, dahil matagal na palang nagloko ang daddy samin at matagal niya na ring niloko ang mommy. Hindi na ako nakasagot ng may bumusina sa labas ng bahay kaya humarap ako kay mommy at naglakad palapit sa bintana. Nakita ko ang isang luxury car sa harapan ng bahay at nandoon si Tristan sa loob. Lumabas ito ng kotse at nakasuot siya ng black long sleeve pair with black pants and black shoes. 'May lamay ba sakanila?' "Siya na ba 'yan? Ang gwapo niya naman, anak. Bagay kayo." salita ni mommy mula sa likuran ko. Very supportive talaga. "Talaga, Ma?"tumango ito at ngumiti. "At teka! Lalabas lang muna ako para papasukan iyang bisita mo ah." Hindi na ako nakasagot ng mabilis itong naglakad palabas ng pinto. Bumalik ako sa pagtingin kay Tristan na ngayon ay kausap ng mommy. Yumuko ito at mukhang bumati kay mommy bago ito nag-angat ng tingin. Sinusundan ko lang sila ng tingin ng ginayak siya ni Mommy papasok sa loob ng bahay. Napapa-ngiti akong bumalik sa salamin at hanggang ngayon di parin ako makapaniwala sa nakikita ko. Hindi ko expect na ganito pala ang itshura ko kapag walang salamin. "Anak! Bumaba kana!"rinig kong sigaw ni Mommy sa baba kaya kinuha ko na ang bag ko at naglakad palabas ng pintuan ng kwarto. Habang naglalakad pababa diko mapigilan ang kabahan lalo na't unang beses akong lumabas kasama si Tristan. Hindi ko lubos maisip na yayain niya akong lumabas ngayon. "Ito na pala ang anak ko,Ijo." Napagawi ang tingin sa'kin ni Tristan habang umiinom ng juice. Natigilan ito at napaawang ang labi. Dumaan pa ang ilang minuto ng pagtitig niya sakin at nagsimula na rin akong mailang kaya tumikhim ako. "T-Tristan?" Lumapit ako sakanya. Ipinilig niya ang ulo at parang natauhan na. "H-Ha?" Ngumiti ako. "T-Tara na?" "Ah...."nakatitig parin ito sakin na parang hindi kayang ilayo ang tingin. "Tris?" "O-Oh, yes." tumayo ito at inilagay ang baso ng juice sa mesa." L-Let's go." Ibinaling niya ang tingin kay Mommy na malawak ang ngiti na nakapaskil sa labi habang nakatingin samin ni Tristan. "W-We go ahead, Tita." paalam ni Tristan. "Asus! Huwag na 'yung tita, mommy na--"diko na pinatapos magsalita si mommy at sumabat na ako. "Ma!" Ibinaling niya ang tingin sakin. "Oo na! Ikaw talaga, Zay." Napanguso ako. Kahiya talaga! Pano na lang kapag diko agad naputol ang sasabihin niya. Kahiya! "U-Una na kami, Ma. Ingat ka dito ah?" hinalikan ko siya sa pisnge. "Oo, Anak! Maiingat kayo ah." tumango lang ako bago ginayak si Tristan palabas ng bahay. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse niya ng unahan niya ako. "Let me." Wala na akong nagawa at tumango na lang. Choosy pa ba ako? Pumasok na ako sa loob at ganun din siya. Kinuha ko ang set belt at il-lock na sana ng may kamay na humawak doon at pagbaling ko ng tingin ay muntikan ko ng mahalikan si Tristan dahil sa subrang lapit ng mukha niya sakin. Napalunok ako at pigil ang hininga. Gulat din ang namutawi sa mukha niya pero agad ding nawala at napalitan ng ngisi. "You want?" Napalunok ako." H-Ha?" "My kiss," Agad ko siyang tinulak dahil sa sinabi niya na ikinagulat niya. "P-Pasensya na." Kinagat ko ang pangibabang labi dahil sa kahihiyan. Kahit gusto ko siya pero di ibig sabihin nun ibibigay ko na ang unang halik sa kanya. Gusto ko kasing ibigay to sa lalaking papakasalan ko na. At isa pa, hindi kami para halikan niya ako. "I'm just kidding, Zayle." Tumango at tumingin sakanya. "O-Okay." Ngumisi siya at nagsimulang magmaneho. Hindi ko alam kung anong lugar 'to basta nasa lugar kami kung saan tanaw ang syudad sa baba at subrang ganda ng tanawin. "This is my favorite place to rest." aniya sa likuran ko. Hinarap ko siya at ngumiti. "Pano mo nahanap ang lugar na'to?" Pumantay siya sakin at ngumiti bago ibaling ang tingin sa unahan. "Because of my mom." tila nawala ang ngiti sa labi niya at naging seryuso ito. "Nasan na pala ang mama mo?" iginilid niya ang ulo papunta sakin at nagulat ako ang lungkot na dumaan sa mga mata nito. "....she died when I was a kid." Natigilan ako sa sinabi niya. "S-Sorry." "No. Matagal na rin naman 'yun. Dun tayo umupo." turo niya sa isang upuan. Tumango ako at napapitlag ako ng hawakan niya ang kamay ko na nagparamdaman sakin ng kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan. Parang kinilig ako na iwan. Hinila niya ako palapit dun at pinaupo. Umupo rin siya sa tabi ko at lalo akong nagulat ng hinawakan niya ang ulo ko at pinasandal sa balikat niya. Amoy ko ngayon ang pabango niya na nanunuot sa ilong ko. Parang gusto kong singhutin ang amoy na to araw-araw. Hinawakan niya rin ang kamay ko at pinagdikit ang palad namin na nagpalunok sakin. 'Kalma, Zayle.' Kinagat-kagat ko ang panloob na balat sa labi dahil sa kilig na naramdaman. "You? Where's your dad?" ang kaninang kilig ko napalitan ng galit dahil sa narinig ko ang salitang daddy. "He's gone." Naramdaman ko ang tingin niya sa sakin. Inalis ko ang ulo ko sa balikat niya at tinignan siya. Nakatingin pala ito sa kamay ko kaya sinundan ko ito ng tingin. Nakakuyom pala ito ng diko man lang namalayan. Dahil siguro sa galit ko kay Daddy. Binaling niya ang tingin sakin at nakakunot ang noo nito kaya napaiwas ako. "His dead?" Umiling ako sa kanya. "Hindi pa siya patay pero para sakin ganun na rin." bumuntong hininga ako at ibinaling ang tingin sa unahan. "May galit ka ba sa papa mo?" hindi ako naka sagot sa tanong niya at nanatiling nakataw sa syudad. "Bata pa lang ako namulat na ako sa kamaliam ng daddy ko. He betrayed my mom. May iba na siyang pamilya na matagal niya na palang tinatago samin. Subrang galit ako sakanya. Galit na galit!"naramdaman ko ang isang kamay niya na nakawak sa nakakuyom kong kamao. Hindi ko kailan man makakalimutan ang ginawa niya samin. "Sinabi ko sa sarili ko na.....hindi! Hindi ako magmamahal ng kagaya ng daddy. Pipiliin ko sa lalaki na mamahalin ko ay 'yung hindi manloloko." binaling ko ang tingin sakanya at nakatitig lang pala ito sakin. "Sana hindi ka ganun." mahinang usal ko na tama lang para marinig niya. "I'm not,Zayle." Ngumiti ako sa sagot niya at ibinalik ang ulo sa balikat nito. Sana lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD