Chapter 12
Her POV
Hindi mawala sa isip ko kung ano na lagay ni Grace ngayon, alam kong kaya naman nya pero iba pa din na nakasuporta kami sa kanya tulad ngayon na alam kong bumabalik na naman ang nakaraan nya na pilit nyang kinakalimutan “You’re spacing out” sabi ni Jd sakin kaya nilingon ko sya “I’m just worried about Grace” sabi ko sa kanya. “Grace and Max are both grown up, kaibigan nga nila tayo pero kung may issue sila sa isa’t isa labas na tayo don. Kaya na nilang gawan ng solusyon ang mga problema nila” sabi nya sakin at tama sya don. “Tama ka naman dyan sa sinabi mo” sabi ko sa kanya dahil may point naman nga sya. Sa totoo lang hindi ko nga lubos na maisip na magiging okay kami ni Jd, akala ko kasi hindi kami magiging magkaibigan na dalawa dahil sa naging pag-aaway namin at inisan na dalawa dahil sa parehas na ego namin pero may pagkakasunduan naman din pala kaming dalawa minsan. “Don’t focus on them Belle, I know that you also have something in your mind that keep bothering you” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Alam mo Jd wag kang mag assume ng ganyan” sabi ko na lang sa kanya “Hindi ako nag aassume Belle, nararamdaman ko kasing may bumabagabag dyan sayo actually sa inyong magkakaibigan” sabi nya sakin “Hindi lang naman ako Jd, kayo din naman nila Thunder ramdam din namin na may mga pinagdadaanan kayo at may hindi pa kami alam sa inyo” sabi ko sa kanya kaya napangiti sya at ibig sabihin non tama ako “Maybe we should keep it like that” sabi nya sakin pero umiling ako “Kung talagang kaibigan ang turing nyo samin edi dapat nagsasabi din kayo samin para naman hindi kami clueless minsan at baka makatulong pa kami” sabi ko sa kanya “I’m not the type of person who can easily share my information to others” sabi nya sakin kaya napairap ako “Maybe we should bond sometimes to get to know each other and to lessen some conflicts, sa totoo kasi ayokong magkaroon ng kaaway ngayon dahil last year na namin sa college at after graduation magkakaroon na kami ng kanya kanyang buhay na mas komplikado” sabi ko sa kanya at saglit na lumingon naman sya sakin saka ulit ngumiti, napapansin kong ang dalas na nyang ngumiti ngayon hindi katulad dati na laging nakasimangot at sobrang seryoso ng muka. “I will talk to them and I guess they will agree with that knowing Max and Nathan, they want to be with Grace and Trixie all the time” sabi nya kaya tumango ako. Ilang linggo pa lang kaming magkakakilala pero pansin ko ng ang lapit na talaga nila samin ngayon siguro dahil na din sa mga ugali namin na magkakaparehas or maybe destiny is the one who’s behind all of these! Lagi kasi kaming pinagtatagpo kahit na iwasan namin ang isa’t isa nagkikita pa din kami kahit na ayaw namin. Kung coincidence naman ang lahat ay ang dalas naman atang pagkakataon yon. “Do you believe in Destiny?” tanong ko kay Jd ng ihinto nya ang sasakyan asa parking lot ng restaurant namin “Why are you asking me that?” tanong nya sakin “Just answer my question” sabi ko na lang sa kanya “I don’t believe in destiny because we humans are the one who are doing everything” sabi nya sakin “Mukang nasobrahan ka ata sa ampalaya” sabi ko sa kanya kaya napailing sya at bumaba na lang ng sasakyan kaya sumunod ako sa kanya “I’m just answering your question” sabi nya sakin “Oo nga pero ni minsan ba hindi ka naniwala sa tadhana?” tanong ko sa kanya at nanlaki ang mata ko ng bigla nyang ilapit ang muka nya sa muka ko “Pag ba sinabi kong oo may posibilidad na magiging tayo?” tanong nya sakin na mas ikinalaki ng mata ko kaya itinulak ko sya palayo at sakto din na dumating na sila Kate “Wag kang magbiro Jd di ka nakakatuwa” sabi ko na lang sa kanya at dumistansya sa kanya, nagtatanong lang naman ako kung ano ano sinasabi. “Hindi naman ako nagbibiro at hindi ako marunong magbiro pag ganyang bagay ang pinag-uusapan” sabi nya sakin “Alam mo Jd gutom lang yan kaya tara na sa loob” sabi ko sa kanya at nilingon na sila Kate at Trixie na kakadating lang “Tara sa loob” sabi ko sa kanila at pumasok na kami sa loob. “Good day Miss Belle” bati nila sakin “Ung itinawag ko kanina please” sabi ko sa kanila “Okay po, just follow me po” sabi nya sakin kaya sumunod kami sa kanya at dinala nya kami sa may rooftop ng restaurant kung saan nakaayos na lahat ng pinahanda ko. “Thank you” sabi ko sa kanya at ngumiti sya sakin “Iba talaga pag si Belle” sabi ni Trixie at inilibot ang paningin sa buong paligid “I just got lucky na walang reservation dito ngayon” sabi ko sa kanila “Kahit naman meron Tito and Tita will cancel it for you” sabi ni Kate sakin “I won’t let them, saka ayokong maging bias sila dahil don kahit na nga anak nila ko hindi pa din tama na gawin yon” sabi ko sa kanila kaya natawa silang dalawa “Kaya sobrang proud sayo sila tita kasi sobrang down to earth mo” sabi ni Trixie sakin at nagkibit balikat lang ako “Let’s eat guys” sabi ko sa kanila at naupo na kami sa mga pwesto namin at nagsimula ng kumain, wala naman kaming mga napag-usapan habang kumakain kaming lahat at nitong nakatapos na kami hindi na napigilan ni Trixie ang magsalita “Sana andito si Grace ngayon” sabi nya samin “I send her a message pero hindi naman sya nag reply sakin” sabi ko sa kanya “Maybe she really need some time alone” sabi ni Kate samin kaya napabuntong hininga kami parehas ni Trixie “Wag nyo na masyadong intindihin si Grace dahil alam na nya ang ginagawa nya” sabi ni Nathan samin “May naisip ako kanina at nasabi ko na yon kay Jd kung gusto nyo gawin natin after all wala naman pasok bukas at naka long weekend tayo” sabi ko sa kanila para mai-divert na sa iba ang usapan kasi kung puro si Grace at Max ang pag-uusapan namin baka magkaroon lang ng sagutan dahil sa iba’t ibang mga opinyon namin tungkol sa dalawa. Iba ung point of view nila Jd at iba din ang samin, hindi pa nga nagiging si Max at Grace ang komplikado na ng sitwasyon nila “Anong naisip mo Belle?” tanong sakin ni Kate “Bakit hindi tayo lumabas na walo, I mean we should hang out to get to know each other, alam kong kaibigan na ang turingan natin pero iba pa din ung mas kilala natin ang isa’t isa” sabi ko sa kanila at sandali silang nag-isip na lahat “Saan mo naman balak pumunta?” tanong ni Trixie sakin “Depende sa inyo” sagot ko sa kanila “Let’s go near first” sabi ni Jd samin “Saan?” tanong ni Nathan “Amusement park” biglang sabi ni Thunder kaya napalingon kami sa kanya “Seryoso ka dyan?” tanong ni Kate sa kanya kaya tumango sya “Oo, kung gusto nyong magkaroon ng bonding tara sa amusement park” sabi nya sakin at kahit medyo strange ung idea nya nag agree kaming lahat don. “Fine, sa amusement park tayo pero paano ung dalawa?” tanong ni Kate “I have an idea” sabi ni Nathan samin “It should be good Nathan” sabi ni Jd sa kanya “of course this is a good one” sabi nya samin at sinabi ang idea na naisip nya. Habang pinapakinggan ko ang sinasabi ni Nathan tiningnan ko ung phone ko kung may reply na si Grace pero wala pa din kaya itinago ko na sana yon ng makatanggap ako ng tawag galing kay ate kaya napatayo ako “Excuse lang” sabi ko sa kanila at lumayo ako sa kanila saka ko sinagot ang tawag “Hello ate” sabi ko kay Ate ng masagit ko ang tawag. “Asan ka?” tanong nya sakin “Asa restaurant ate, kasama ko mga kaibigan ko at nag didinner kami dito ngayon” sabi ko sa kanya “Okay, I’m just checking on you” sabi nya sakin kaya natawa ako “Daig mo pa sila Mommy ah” sabi ko sa kanya “I just want to know if your safe masama ba yon?” tanong nya sakin at kahit hindi nya ko nakikita umiling ako “Hindi po” sagot ko sa kanya “I will end this call na at baka nakaka-istorbo ako sa inyo” sabi nya sakin at ibinaba na ang tawag kaya bahagya akong natawa at babalik na sana ko sa pwesto ko ng may mahagip ang mata ko sa baba na ikinalaki nito kaya naman muli akong tumingin don pero wala na ung taong nakita ko kanina lang. Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ko o talagang nakita ko sya pero napaka-imposible non kasi alam kong wala sya dito, umalis sya ng hindi nagpapaalam at ano pang dahilan para bumalik pa sya? “Belle okay ka lang?” tanong sakin ni Kate kaya napalingon ako sa kanila “Ha?” tanong ko sa kanya “May problema ba?” tanong nya sakin kaya umiling ako “Wala” sagot ko sa kanya at naglakad na pabalik sa pwesto ko. “So ano na mangyayari para bukas?” tanong ko sa kanila “Tulad ng sinabi ni Nathan kanina kayo na bahala kay Grace at kami na kay Max” sabi ni Thunder samin “Sigurado ba kayo sa plano na yan?” tanong ko sa kanila “If you have other idea share it with us” sabi ni Jd sakin kaya napabuntong hininga ako, actually matagal ko na tong alam pero ayoko lang sabihin dahil hindi naman na maalala ni Grace yon at isang aksidente lang naman yon kaya ko nalaman. “May picture ba kayo ni Max?” tanong ko sa kanila “Why are you asking for his picture?” tanong ni Jd sakin “Basta kung meron kayo” sabi ko sa kanila kaya naman ibinigay sakin ni Jd ang cellphone nya “Here” sabi nya at tiningnan ko ang picture sa phone nya pero hindi eto yon “Maybe around first year college” sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya at naghanap sa cellphone nya pero naunahan sya ni Nathan “Eto ba?” tanong nya sakin kaya tiningnan ko yon at nanlaki ang mata “Shocks” sabi ko kaya nalingon sila sakin “Bakit? Pangit ba si Max dito? Laki ng pinagbago diba?” tanong ni Nathan sakin saka tumawa “Wala bang naikukwento si Max sa inyo maybe around that time?” tanong ko sa kanila at umiling si Nathan sakin pati na din si Thunder pero si Jd seryoso pa din nag muka na para bang may malilim na iniisip “Jd” tawag ko sa kanya “Magaling magtago ang loko” sabi na lang nya and my guess it right. Si Max nga ung lalaking nakita kong kasama ni Grace non “Hindi kami makarelate sa inyo” sabi ni Kate samin ni Jd “Ako ng bahalang kumausap kay Max at si Belle na kay Grace, for now let just enjoy the night. Wag nyo ng isipin ung dalawa” sabi nya samin “Bahala kayo” sabi ni Thunder samin at tumango na lang sila Trixie. “I need to talk to you” bulong na sabi sakin ni Jd kaya nilingon ko sya “Why?” tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot subalit hinila nya lang ako patayo at bumaba kaming dalawa hanggang sa nakarating kami sa may parking lot “Ano ba pag-uusapan natin?” tanong ko sa kanya kasi naman ang layo pa ng narating naming dalawa, pwede naman kasing doon na lang nya sabihin sakin. “How did you know Max?” tanong nya sakin na ikinakunot ng noo ko “Bakit mo tinatanong sakin yan?” tanong ko sa kanya “Just answer my question” sabi nya sakin kaya napabuntong hining ako “I accidentally saw Grace at somewhere, hindi ko na tanda ung place. She was with someone and I don’t know who is the guy and back then Grace is having a problem with her boyfriend kasi nga ipinagpalit sya sa iba and the rest is the history” sabi ko sa kanya “Lagi silang magkasama non, akala ni Max wala akong alam pero ang totoo ung dalawa lang ang walang idea sa ginagawa nya. Kilala ko si Max at hindi porket ipinapakita nyang kaya nya totoo yon kaya sinundan ko sya pero nakita kong may kasama nya syang babae non pero hindi ko nakitang si Grace yon dahil umalis din agada ko, they know each other for a long time pero mukang si Max lang ang nakakaalala maybe because Max have a feeling for Grace back then, bigla na lang kasing nakamove-on ang gago pagkatapos masaktan at mukang si Grace ang dahilan” kwento nya sakin “Hindi ka pa din ba naniniwala sa tadhana?” tanong ko sa kanya at sumandal sa hood ng kotse nya “Bakit ba tinatanong mo sakin yan?” tanong nya sakin “Kasi tingnan mo si Grace at si Max noon pinagtagpo na sila tapos nagkalayo at ngayon ayan na naman pinagtagpo na namin ulit silang dalawa” sabi ko sa kanya kaya bahagya syang natawa “Belle hindi porket nakita sila noon at nagkita ulit ngayon tadhana na yon” sabi nya sakin kaya inirapan ko sya “Ano bang ginawa sayo ng tadhana at hindi ka naniniwala sa kanya?” tanong ko sa kanya “Wala” sagot nya sakin pero alam kong hindi totoo yon “Bahala ka nga, basta ako naniniwala ako sa tadhana at pag ang dalawang tao pinagtagpo nito alam kong magkakaroon ng magandang resulta yon” sabi ko sa kanya “Belle sometimes we need to face the really that fairytales and destiny doesn’t exist in our world” sabi nya sakin kaya inirapan ko ulit sya “Maybe Jd in your world, kasi sa mundo ko alam kong totoo ang mga pinaniniwalaan ko” sabi ko sa kanya at ngumiti kaya umiling sya pero nakangiti na sya ngayon hindi katulad kanina na, na sobrang seryoso nya “Bakit ngumingiti ka dyan?” tanong ko sa kanya “Bawal na ba kong ngumiti?” tanong nya sakin kaya umuling ako sa kanya “Kuya! Kuya bili na po kayong bulaklak para po kay ate ganda!” sabi ng isang bata na bigla na lang sumulpot sa harap namin ni Jd. Tumingin ako kay Jd ng bigla syang tumalungko para magkasing taas sila nung bata “Magkano ba yan?” tanong ni Jd dun sa bata at pinagmamasdan ko lang silang dalawa “twenty five pesos po isang tangkay kuya” sabi ng bata kay Jd “Sige bibilin ko na lahat yan” sabi ni Jd dun sa bata “Talaga po?” tanong ng bata sa kanya at sobrang laki ng ngiti nung bata “Oo” sabi ni Jd at kumuha ng pera sa wallet nya at inabutan ng one thousand pesos ung bata “Kuya wala po akong barya, fifteen pieces lang po ito asa three hundred seventy five lang po lahat, wala po akong panukli sa inyo” sabi nung bata kay Jd “Sayo na lang ung sobra” sabi ni Jd sa kanya at mas lalong lumawak ang ngiti nung bata “Thank you po kuya” sabi sa kanya nung bata “Ate ang swerte nyo po sa kay kuya ang bait nya po, bagay po talaga kayong dalawa.” Sabi nung bata at ngumiti samin ni Jd saka tumakbong umalis kaya napailing na lang ako ang bata pa nya kung ano-ano na ang nalalaman “Take this” sabi ni Jd sakin at inabot sakin ang bulaklak na binili nya “Bakit binibigay mo sakin to?” tanong ko sa kanya “Sabi nung bata bilin ko daw para sayo kaya binili ko and also to congratulate you” sabi nya sakin “Hindi naman na kailangan” sabi ko sa kanya at ngumiti “I insist” sabi nya sakin kaya kinuha ko na ang mga bulaklak sa kanya “Thank you” sabi ko sa kanya at inamoy ang mga bulaklak, hindi pa din ako nagsasawa sa amoy ng mga bulaklak “Do you know what red rose symbolize?” tanong ko sa kanya “Yes” sabi nya sakin kaya tumango ako “Red rose symbolize romantic love and beauty” sabi nya pa habang nakatingin sakin kaya nag iwas ako ng tingin. “Alam ko” sabi ko sa kanya “Wala naman akong sinabing hindi moa lam” sabi nya sakin kaya inirapan ko sya. “You should give some of the flowers to your mom or sister” sabi ko sa kanya pero nawala ung ngiti sa labi nya, may nasabi ba kong mali? “I don’t have a sister; I only have one older brother and as for my mother we don’t see each other frequently” sabi nya sakin “Bakit naman?” tanong ko sa kanya “It’s a long story and if I tell you mabobored ka lang” sabi nya sakin pero umiling ako “I won’t” sabi ko sa kanya pero umiling sya “Maybe next time when I’m ready” sabi nya sakin “Kelan kaya yon?” natatawang tanong ko sa kanya “Soon Belle, I can open up anything to you but for now let’s just stay like this” sabi nya sakin kaya tumango ako.
Behind the aura of Jd today meron syang malalim na tinatago at pinagdadaanan, nararamdaman ko yon at naiintindihan ko din sya kung bakit ayaw nyang sabihin kasi kahit ako din naman hindi pa din naman ako handang pag-usapan ang pinagdaanan ko noon at hindi pa ata ako handang alalahanin lahat ng sakit at basta na lang ikwento sa taong hindi ko naman ganon kakilala, siguro dapat kilalanin muna namin ang isa’t isa bago namin i-open up ang nakaraan namin sa bawat isa. May kanya kanya kaming nakaraan na pilit naming kinakalimutan at hindi ko alam kung bakit kami pinagtagpo ng tadhanang dalawa sa ganitong sitwasyon.