Chapter 11
Grace POV
I was busy with my laptop here at the library dahil may tinatapos akong deadline ng may biglang umupo sa harap ko kaya napatingin ako don at nakita ko si Max na nakatingin sakin kaya ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa laptop ko “Hindi mo ba ko papansinin?” tanong nya sakin pero hindi ko pa din talaga sya pinansin “Grace” tawag nya sakin pero sa pangalawang pagkakataon hindi ko sya pinansin at nag focus lang ako sa ginagawa ko “Grace talk to me” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako at sinara ang laptop ko saka sya tiningnan “Ano bang problema mo Max?” tanong ko sa kanya kasi sa totoo lang ayoko syang kausapin. Okay na sakin ung topic na nangyari noon about sa ginawa nya noong unang araw namin dito sa university pero ayoko ung nangungulit sya sakin ng ganito “I just want to talk to you” sabi nya sakin “I clear everything yesterday, hindi mo ba naintindihan yon?” tanong ko sa kanya “Grace I just want to know you more” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Max kung gusto mo kong makilala okay lang sakin yon pero kung lalagpas pa don ang gusto mo wag na lang Max” sabi ko sa kanya at inayos ang gamit ko saka umalis na “Grace wait” tawag nya sakin pero hindi ko sya pinansin at patuloy akong naglakad palayo sa kanya pero naabutan pa din nya ko “Grace” tawag nya sakin at hinawakan ako sa braso ko kaya napatigil ako sa paglalakad at nilingon sya “Max okay na ko sa magkaibigan lang tayo” sabi ko sa kanya “I know you have a reason for saying that but please give me a chance to prove that I deserve everything I said to you” sabi nya sakin at inalis nya ang pagkakahawak sa braso ko. Hindi ako nagsalita at tinalikuran na lang sya saka umalis dahil wala naman na kong sasabihin sa kanya. Kahapon hindi sya tumigil para kausapin ako at sabihin na totoo lahat ng sinabi nya noong club day pero ayokong sumugal sa isang bagay na alam kong wala naman kapupuntahan tulad ng gustong mangyari ni Max. Wala naman akong problema sa kanya dahil nakikita ko naman hindi sya katulad ng ibang lalaki na hindi seryoso pero hindi lang talaga ko handa para sa gusto nyang mangyari kasi hindi eto ung panahon para mahulog ako at magpakatanga ulit tulad ng ginawa ko noon. Alam kong hindi dapat ako mabaon sa nangyari sakin sa nakaraan pero hindi naman siguro masamang ingatan ko ang puso ko kasi noon alam ko din na hindi sya katulad ng ibang lalaki na sasaktan at at hindi ako iiwanan pero ang ending ganun pa din ang nangyari, nasaktan pa din ako kasi iniwan nya ko ng walang dahilan. Mahirap magmukang tanga at umasa na babalik sya pero ang totoo ipinagpalit nya lang pala ko sa iba. Napabuntong hininga ako at napaupo na lang sa bakanteng upuan dito sa may hallway, pinunasan ko na din ang luhang tumulo mula sa mga mata ko dahil sa mga naalala ko sa nangyari sa nakaraan “Grace what happened?” nag-aalalang tanong sakin ni Kate ng makita nya ko kaya agad kong inayos ang sarili ko “Okay lang ako Kate” sabi ko sa kanya pero umiling sya “Hindi ka okay” sabi nya sakin at pilit akong pinaharap sa kanya “Okay nga lang ako Kate!” sabi ko sa kanya at medyo nag taas na ng boses kaya nagulat sya “Grace I know you’re not kaya sabihin mo sakin kung bakit ka umiiyak dyan” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga na lang ako “Kate please don’t ask any question because I won’t answer it and also please leave me alone for now” sabi ko sa kanya at binitbit ang gamit ko saka umalis don at iniwan sya. Ayoko man maging ganon ang pakikitungo sa kanya ngayon, hindi ko lang gustong mag open up sa kanila ng nararamdaman ko dahil alam kong may kanya kanya din kaming iniisip kaya iiwas muna ko sa kanila hanggang sa maging maayos ako. Naglakad ako papunta sa parking lot ng university at pinuntahan ang kotse ko, inilagay ko ang mga gamit ko sa loob non at sumakay sa loob para umalis. Gusto ko munang mag isip dahil paniguradong masama ang loob sakin ni Kate ngayon, sya pa naman sa aming apat ang pinakamatampuhin at basta masagot lang ng ganon sasama na ang loob nya kaya minsan madalas din kaming mag-away na dalawa. Umalis ako ng university at nag drvie sa isang lugar na bibihira kong puntahan kasi hindi ko kayang makita ang lugar na yon pero eto ako ngayon doon papunta. Nang makarating ako sa lugar na sinasabi ko agad kong inihinto ang sasakyan ko at kumunot ang noo ko ng may makita akong tao na nakatayo don kaya naman mabilis akong lumabas ng kotse ko kahit na kinakabahan ako lumapit ako sa kanya “Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya kaya lumingon sya sakin at nanlaki ang mata nya ng makita ako. Hindi ko inakala na andito sya ngayon sa harap ko “Grace” tawag nya sakin at akmang lalapitan ako “Dyan ka lang” sabi ko sa kanya kaya tumigil sya. Hindi ko alam kung anong dahilan nya para bumalik sya at pumunta dito pero isa lang ang asa isip ko ngayon, etong pagbalik nya ay isang gulo.
Kate POV
I was stunned by what Grace just said and do to me a while ago, hindi ko ineexpect na gagawin nya sakin yon. Nag-aalala lang naman ako sa kanya pero bigla nya kong sinagot ng ganon. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at susundan ko na sana sya para kausapin ulit pero may humarang sakin kaya napatingin ako sa kanya “Anong kailangan mo?” tanong ko sa kanya “I saw what happened, let Grace have her time” sabi nya sakin “Ano bang pake mo dito?” tanong ko sa kanya at tinabig ang kamay nyang nakaharang sa daan ko “If you’re her friend you will let her do what she want for now! I can see that she needs some time for herself and you should give it to her because that’s what she needs” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako kasi sa totoo lang tama sya. Ilang araw na din kasing wala sa sarili si Grace nitong nakaraan ang tanging alam ko lang ay kinukulit sya ni Max pero alam ko naman na hindi lang yon ang dahilan, meron syang tinatago saming lahat at kung ano yon sana sabihin nya samin para matulungan namin sya kasi ang huling beses na naging ganyan si Grace ay ung iniwan at ipinagpalit sya ng taong mahal nya “Are you still going to follow her?” tanong sakin ni Thunder kaya napabuntong hininga ako “Tama ka sa sinabi mon a kailangan nya ng oras” sabi ko sa kanya at bumalik na lang sa pwesto ko kanina kung saan naka upo ako, tumabi sakin si Thunder kaya tiningnan ko sya “Ano pang ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya “Masama bang umupo dito?” tanong nya sakin kaya umiling ako at nag-iwas na lang ng tingin sa kanya. Wala akong klase ngayon at sa palagay ko ganon din sya, tanging si Trixie lang ata ang may klase samin ngayon at mamaya pa naman magsisimula ang oathtaking ni Belle “Why are you so mad at me?” bigla nyang tanong kaya tuminingin ako sa kanya “What are talking about?” tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo “I’m asking you, why are you so mad at me?” tanong nya ulit sakin “Hindi ako galit sayo Thunder, sadyang hindi lang maiwasan na magkasagutan tayo” sabi ko sa kanya “Hindi ba natin pwedeng iwasan na magkasagutan tayo?” tanong nya sakin “Pwede naman mangyari yon Thunder dahil asa atin na lang dalawa yon kung paano gagawin” sabi ko sa kanya “So can be have a ceasefire for now” sabi nya sakin kaya tumango ako “We can be friends Thunder kasi nakakasawang makipagsagutan sayo sa totoo lang napapagod din ako kasi paulit ulit na lang naman na tayo ng pinagtatalunan na dalawa at nauuwi tungkol sa dating nangyari” sabi ko sa kanya kaya tumango sya at bahagyang ngumiti sakin. “Mas bagay sayo ng nakangiti ka at hindi seryoso tulad ni Jd” sabi ko sa kanya at ngumiti sa kanya “Same as you, mas maganda ka kung nakangiti ka lagi kesa lagi kang seryoso” sabi nya sakin kaya parehas kaming napangiting dalawa at umiling. “Tara na nga lang kila Belle” sabi ko sa kanya dahil malapit na din naman magsimula. Sabay kaming nagpunta sa function hall kung saan meron na din mga estudyanteng andon at nang makita namin sila Belle lumapit kami agad sa kanila “May himala ba?” tanong ni Nathan samin “Bakit?” tanong ko sa kanya “Magkasama kasi kayo ni Thunder at himalang walang ayaw na naganap sa inyo” sabi nya samin kaya inirapan ko sya “Hindi ba pwedeng magkaayos kaming dalawa?” tanong ni Thunder sa kanya “Nakakapagtaka lang kasi” sabi nya at tumawa kaya napailing ako at tumabi na lang kay Belle “Asan si Grace?” tanong nya sakin kaya tumingin ako kay Thunder at napabuntong hininga “Umalis si Grace, kailangan daw nyang mapag-isa” sabi ko sa kanya kaya sya naman ang napabuntong hininga “Nagpaparamdam ba sa kanya si----” tanong sana nya sakin pero hindi nya natapos kasi tinawag na sya ni Dean “Miss Co you need to be on stage by now” sabi nya kay Belle “Okay po dean” sagot ni Belle kay dean “Akyat na kami ni Jd” sabi ni Belle samin kaya tumango kami sa kanya at hinayaan na namin sila ni Jd na umakyat sa stage. Umupo na lang kami sa bakanteng pwesto dito sa may harap habang iniintay na magsimula. “Nathan asan nga pala si Trixie?” tanong ko kay Nathan “Sabi nya kanina sakin wag ko na daw syang sunduin at pupunta na lang sya dito” sagot ni Nathan sakin kaya kinuha ko ang phone ko at nagsimulang itext si Trixie para malaman kung asaan sya pero bago ko pa man magawa yon bigla na syang dumating “Sorry na late ako” sabi nya samin “Okay lang buti nga di pa nagsisimula” sabi ko sa kanya at pinaupo sya sa bakanteng upuan sa tabi ko “Bakit ba kasi ngayon ka lang?” tanong ko sa kanya “May inayos pa kasi ako” sagot nya sakin kaya tumango ako sa kanya at itinuon na lang ang atensyon sa stage kung saan nagsisimula na sila. “Let us welcome the new Student Council President” sabi ni Dean at tumayo naman si Belle sa tabi nya at nagsimula ng manumpa “I Belle Yuri Co, duty elected as Student Council President for this school year, do hereby solemnly swear that I shall uphold, abide and defend the constitution, law, rules superior officers, I hereby commit myself to faithful discharge the duties, responsibilities and functions of my office to the best of my abilities. I shall conduct myself in a dignified manner to maintain and uphold the prestige of my office. I do hereby voluntarily accept this obligation without reservation whatsoever in my honor as a student.” panunumpa ni Belle sa harap ng lahat at inabot na din sa kanya ni dean ang isang plaque saka kami nagpalakpakang lahat. Hindi naman na nagtagal ang ceremony pagkatapos non kaya eto kaming lahat ngayon sa labas ng function hall “So anong plano?” tanong ni Nathan samin “I will treat you for Dinner kung libre kayo ngayon” sabi ni Belle saming lahat “Game ako dyan” sabi ni Nathan at tumango lang si Trixie kaya tumingin sila samin ni Thunder “Game ako” sabi ko at ganun din si Thunder “Jd ikaw?” tanong ni Belle kay Jd “I will join” sagot ni Jd sa kanya “So tara na” sabi ni Nathan pero pinigilan sya ni Jd “Hindi tayo kumpleto” sabi nya kaya napabuntong hininga ako “Wala si Grace saka si Max” sabi ni Trixie samin “Baka naman magkasama ung dalawa” sabi ni Nathan pero biglang dumating si Max na parang wala sa sarili “Uy anyare sayo?” tanong ni Nathan sa kanya at nilapitan namin sya “Wala, aalis ba kayo?” tanong nya samin “I will treat you guys for dinner today” sabi ni Belle sa kanya “Pass muna ko, kailangan kong umuwi” sabi nya kay Belle kaya napabuntong hininga si Thunder na katabi ko “Sigurado kang okay ka lang?” tanong ni Trixie sa kanya “Okay lang ako enjoy guys and congrats Belle” sabi nya samin at tuluyan ng umalis. Susundan sana sya ni Nathan pero pinigilan sya ni Jd at Thunder “Let him rest, he need time” sabi ni Jd kay Nathan “I never seen Max being like that” sabi ni Nathan samin “Masyado yata syang apektado sa pagtanggi sa kanya ni Grace” sabi ni Belle “Wala din si Grace ngayon” sabi ni Trixie “Hindi ba sila pwedeng maging magkaibigan na lang?” tanong ni Nathan “Hindi namin kayang sagutin yan kasi si Grace lang ang makakasagot, masyadong tinamaan si Max sa kaibigan namin. Si Grace ung babaeng pagnasaktan na nagiging bato ang puso nyan kaya kung ipagpipilitan talaga ni Max na i-pursue si Grace magtitiis sya” sabi ko sa kanila “Ang dami nyo naman issue sa past nyo” sabi ni Nathan at tiningnan kaming lahat “Pasalamat ka wala kang problema palibhasa babaero ka” sabi ni Thunder sa kanya at napailing na lang kaya napatingin ako kay Trixie na nawala sa mood “Wag kang magsabi ng ganyan Thunder dahil hindi totoo yan” sabi ni Nathan kaya napailing si Jd “Sa ating apat Nathan ikaw ang walang sineryoso” sabi ni Jd sa kanya “Mag uusap na lang ba tayo dito o kakain tayo?” tanong ni Trixie samin “Let’s go” sabi ko na lang sa kanila at nagsipaglakad na kami papunta sa parking lot. “Belle di mo ba dala kotse mo?” tanong ko sa kanya ng mapansin na wala ang kotse nya dito “Nagpahatid lang ako kasi hiniram ni ate ung koste ko, kay Grace sana ko sasabay” sabi nya kaya napabuntong hininga ko “You can ride with me” sabi ni Jd kay Belle “Sakin ka na sumabay Kate” sabi ni Thunder sakin kaya tiningnan ko si Trixie “Ako na ang bahala kay Trixie” sabi ni Nathan kaya napatango kami ni Belle at sumakay na ko sa kotse ni Thunder at si Belle naman sa kotse ni Jd. Naaunang umalis sila Jd at sumunod kami sa kanila ni Thunder “Sigurado ba kayong okay lang si Max?” tanong ko kay Thunder habang nagda-drive sya “He can manage that, madali lang naman maka-move on si Max” sagot ni Thunder sakin. “Paano naman kayo nakakasigurado don?” tanong ko sa kanya “That’s his personality, Max is like Nathan” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Malay nyo tinatago lang nya sa inyo na nasasaktan sya parang si Grace” sabi ko sa kanya kaya sya naman ang napabuntong hininga “Kate kilala namin si Max at sa tagal na namin na magkakasamang apat alam na namin ang nararamdaman ng bawat isa, kilala namin ang isa’t isa kaya alam namin na kaya nya yon” sagot nya sakin kaya napailing na lang ako sa kanya “Sinasabi ko lang sayo Thunder na baka kailangan nyo din kausapin si Max kasi hindi porket kilala nyo na sya dapat nagpapakampante kayo na okay sya ngayon tulad na lang ni Grace, kilala din naman namin si Grace at matagal na kaming makakaibigan pero alam naming tatlo nila Belle na kailangan namin kausapin si Grace tungkol sa nararamdaman nya” sabi ko sa kanya “Kakausapin din naman namin si Max pero hindi muna ngayon, tulad nga ng sabi ko sayo kanina kay Grace kailangan din ng oras ni Max ngayon para mapag-isa” sabi nya sakin kaya tumango ako bilang pagsangayon sa kanya “Ang bilis naman kasing mahulog ni Max kay Grace, ngayon pa lang sila nagkakilala nahulog na sya agad pero wala naman akong magagawa dahil paniguradong may nakita si Max kay Grace kaya sya nahulog dito” sabi ko kay Thunder “When you fall in love time doesn’t matter sometimes, hindi na susukat sa kung gaano katagal kayong magkakilala pag nagmahal ka o nahulog ka sa isang tao” sabi ni Thunder sakin at saglit na tumingin sakin “Ikaw na ang may point lagi” sabi ko sa kanya at ngumiti “Parehas lang tayong may point Kate, nagkakaiba lang kasi may kanya kanya tayong paniniwala pero parehas lang tayong may punto” sabi nya sakin kaya tumango ako. Masarap din palang kausap tong si Thunder pag hindi kami nag aaway na dalawa.
Max POV
Wala sa loob kong sinundan si Grace noong umalis sya hanggang sa makausap nya si Kate sa hallway, hindi ko alam na masyado ko pa lang ipinagsisiksikan kay Grace ang sarili ko. Sa totoo lang hindi lang naman kasi eto ang unang beses na nakita ko sya. Matagal ko ng kilala si Grace at wala lang akong lakas ng loob para lapitan sya, matagal ko na syang nakikita asa first year college pa lang kami non at walang idea sila Jd tungkol don dahil hindi ko naman sinasabi sa kanila at noong mga panahon na yon may kanya kanya silang problema, may problema din naman ako pero alam nilang kaya ko yon pero ang totoo isang tao ang nagbigay sakin ng lakas non, yon ay si Grace. Hindi man siguro nya natatandaan pero sya ung taong nakausap ko dati noong mga panahon na nasasaktan ako. Sabagay sino ba naman ang makakatanda sakin noon eh ang laki ng pinagbago ko noon sa ngayon, sobra kong nawasak non at hindi ko nagawang alagaan ang sarili ko kaya paniguradong hindi ako natatandaan ni Grace pero ako tandang tanda ko sya at nagpapasalamat ako sa tadhana dahil pinagtagpo kaming ulit dalawa ni Grace. Hindi man nya ko kilala o natatandaan basta ako hindi sya nawala sa isip ko at gagawin ko ang makakaya ko para maiparamdam sa kanya ang kung ano man ang ipinaramdam nya sakin noon.
Nakatayo lang ako sa malayo habang pinagmamasdan si Grace na pasakay ng kotse nya at ng makasakay na sya pasimple akong sumakay sa kotse ko at sinundan sya kung saan man sya pupunta at kumunot ang noo ko ng makita kung saang lugar sya pumunta at mas lalo akong nagtaka ng may makita akong tao na nilapitan at kinausap nya. Hindi ko kilala kung sino yon pero sigurado akong naging parte yon ng nakaraan ni Grace kaya ganito na lang ang pakikitungo nya sakin. Hindi na ko bumaba pa ng kotse ko at nag drive na lang ako pabalik sa university dahil wala na kong mapapala kung lalapitan ko ngayon si Grace, may iba syang kausap ngayon at kung bigla ko na lang syang hihilahin palayo sa kausap nya lalo lang syang magagalit sakin pero hindi ibig sabihin nito na umalis na lang ako susuko na ko sa kanya.