Chapter 10
His POV
Pinagmasdan naming apat na umalis ang kotse ni Belle kasama ang mga kaibigan nya “Bakit hindi mo sinabi ang totoo kanina?” tanong sakin ni Thunder “Sinabi ko, totoong airlines naman ang Negosyo ng pamilya namin” sabi ko sa kanya “Oo nga pero Jd sa ginagawa mo ibinabaon mo pa din ung sarili mo sa nakaraan at yang galit mo hindi pa din nawawala sa puso mo” sabi nya sakin at tinapik ako sa balikat “Tama si Thunder, Jd” sabi ni Max sakin “Wag mong ibaon ung sarili mo sa nakaraan” sabi naman sakin ni Nathan kaya napailing na lang ako sa kanila “Hindi ko ibinabaon ang sarili ko sa nakaraan, nililimitahan ko lang ang sarili ko” sabi ko sa kanila at sumakay sa kotse ko “Jd wag kang tumakas sa usapan” sabi ni Nathan sakin “Hindi ako tumatakas, ayoko na lang na pahabain pa ang lahat ng to dahil wala naman ng kapupuntahan” sabi ko sa kanila kaya napailing si Thunder sakin “Bahala ka Jd” sabi ni Max sakin at umiling “Wag nyo kong intindihin dahil ang dapat nyong iniisip ay kung paano nyo gagawin ang balak nyo at kung paano nyo yon gagawin ng maganda ang magiging resulta” sabi ko sa kanila at iniwan na sila don. Natuto na ko sa nakaraan at ayoko ng gumawa ng mga bagay na mas ikakasira ko pa, alam ko kung hindi ako mag-iisip sa lahat ng gagawin ko gagawa ng paraan ang lolo ko para sa buhay ko. Nakakulong ako sa isang selda na wala akong magawa dahil kontrolado nya ang lahat, sa ngayon nagagawa ko pa ang gusto ko pero alam kong hinahayaan nya lang ako kasi wala pa kong ginagawa na seryoso tulad dati na hindi nya ikakatuwa. Para kong isang puppet nya at pag gumawa ako ng isang pagkakamali o bagay na hindi nya magustuhan gagawin nyang miserable ang buhay ko, sabagay miserable na pala ang buhay ko simula pa noon dahil sa kagagawan nya. Nang makarating ako sa condo ko mabilis akong pumasok sa loob ng unit ko at isang tao ang sumalubong sakin pag pasok ko “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya “Dinadalaw ka” sabi nya sakin kaya natawa ko at napailing “Kahapon lang andito ka kuya kaya wag mo kong lokohin” sabi ko sa kanya at kumuha ng beer sa ref saka yon binuksan at ininom “Gusto ko lang maka-usap ka ng masinsinan” sabi nya sakin “Para saan?” tanong ko sa kanya “Nakausap ko si Mommy kanina noong ipinakilala ko sa kanila si Dev, ang sabi nya sakin hindi ka daw umuuwi sa bahay” sabi nya sakin “Wala naman na kong rason para umuwi pa don” sabi ko sa kanya “Kay lolo ka galit pero wag mo naman idamay ang magulang natin” sabi nya sakin “Hindi ko sila dinadamay kuya, ayoko lang umuwi sa bahay na yon dahil naalala ko lang lahat ng ginawa nila sakin, palibhasa wala ka dito noong mga panahon na yon” sabi ko sa kanya at inubos ang beer na iniinom ko “Hindi ako ang kaaway mo Jd” sabi nya sakin “Alam ko yon kuya, sinasabi ko lang sayo to kasi ayokong pilitin mo ko sa mga bagay na ayoko” sabi ko sa kanya “Hindi mo ba kayang kalimutan ang nakaraan?” tanong nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Kinalimutan ko na kuya” sagot ko sa tanong nya sakin “Kung ganon bakit ganyan ka pa din umasta na para bang kahapon lang nangyari ang lahat” sabi nya sakin kaya hindi ko na pigilan na sagutin sya “Kung sayo kaya kuya gawin yon anong mararamdaman mo? Kung ung taong pinagkakatiwalaan mo ng husto bigla ka na lang saktan ng ganon hindi ka ba magkakaganito? Kung ung taong mahal mo ipagpalit ka sa taong hindi mo inakalang gagawin yon sayo at ang malala pa sa lahat ung taong inaasan mong sayo kakampi pinaglaruan ka lang pala, ano kuya?” tanong ko sa kanya kaya napabuntong hininga sya “Alam ko Jd lahat ng pinagdaanan mo, sinasabi ko lang sayo na ibaon mo na sa limot ang lahat kasi ang daming bagay na maaring mawala sayo kung nakakulong ka lang sa nakaraan, ilang taon na ang lumipas Jd! Panahon na siguro para hindi mo ikulong ang sarili mo sa nakaraan” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “Alam ko kuya ang ginagawa ko sa sarili ko” sabi ko sa kanya pero umiling sya sakin “Kung ganyan ka Jd baka masaktan mo lang ang ilang taong gustong pumasok sa buhay mo” sabi nya sakin saka ako tinalikuran at tuluyan ng umalis ng condo ko. Lahat sila gustong kalimutan ko na lang ng parang walang nangyari ang lahat pero hindi ganon kadali yon, ang kaya ko lang gawin ngayon tanggapin ang kung anong meron ako at mabuhay ng ganon. Iniligpit ko ang lahat ang kalat ko saka ako pumasok sa kwarto ko at humiga sa kama ko para magpahinga na. Sawang sawa na kong pag-usapan ang nakaraan na wala naman nababago. Ipinikit ko ang mata ko at pilit na inaalis sa isipan ang lahat ng pinag-usapan namin ni Kuya at pati na din ang nakaraan ko na pilit bumabalik sa lahat ng sinasabi nila. Nabuhay na ko ng ganito kaya hahayaan ko na ang lahat, bumalik man sila wala na kong paki-alam sa kanila dahil maayos na ko. Nang maipahinga ko ang utak ko sa lahat ng nangyari kanina dumilat ako at binuksan ang laptop pati na din ang camera ko dahil kailangan kong ayusin ang file para sa photography club, ipinasa ko na sa laptop ang laman ng SD card ko at itinabi ang camera ko sa isang gilid. Tiningnan ko ang laman non at inayos ang mga picture na dapat ilagay sa portfolio, tiningnan ko ang mga picture na kinunan ni Belle at napangiti ako ng makita ang mga kinunan nya at ikinumpara sa ibang litrato. Belle has the talent and she is an interesting woman at sya lang ang nakakasagot sakin ng ganon at nakaka-away sakin kaya mas gusto ko syang makilala. Inilagay ko sa isang folder ang lahat ng kinunan nyang litrato at patuloy ko pa din tiningnan ang ilang litrato na sinalin ko sa laptop ko na ako naman na ang kumuha at ilang litrato ang nakakuha agad ng atenyson ko. Tiningnan ko yon at hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang tinitingnan ang mga litrato nya, she’s cute especially when she is curious. Hindi ako nagsawang tingnan ang litrato nya pero natauhan lang ako ng biglang tumunod ang cellphone ko kaya tiningnan ko yon at sinagot ang tumatawag “Jd” sabi nya sakin “Hi mom” sabi ko sa kanya “Buti naman naisipan mong sagutin ang tawag ko” sabi nya sakin kaya napabuntong hininga ako “What do you need mom?” Tanong ko sa kanya “Kinakamusta lang kita kasi ang tagal na noong huling pagkikita natin” sabi nya sakin “Okay lang ako, wag nyo kong intindihin” sabi ko sa kanya “Can you come home?” tanong nya sakin kaya napabuntong hininga ako “I’m home mom” sabi ko sa kanya “No Jd, gusto kong umuwi ka dito sa bahay” sabi nya sakin “I will try” sabi ko sa kanya “At least you will, okay na ko sa sagot mo ngayon dati kasi bago ko pa sabihin sayo tumatanggi ka na” sabi nya sakin “I just have my reason mom” sabi ko sa kanya “Alam ko pero anak andito ako, kakampi mo ko” sabi nya sakin “I know mom and I need to go” sabi ko sa kanya at ibinaba na ang tawag, itinabi ko na ang cellphone ko sa higaan at ibinalik ang atensyon sa tinitingnan ko kanina. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para kuhanan ng picture si Belle habang busy sya sa ginagawa nyang pagtingin kila Thunder. Aaminin ko noong unang nakita ko sa kanya nagandan na ako sa kanya pero hindi ko alam na sa amo ng muka nya meron syang tinatagong kakaibang personality na lalong kumuha ng atensyon ko kaya nagawa ko sa kanya ang mga nagawa ko pero alam kong mali ako kaya ako na din ang humingi ng tawad sa kanya. I like her and I admit that pero alam kong hanggang don lang dahil masasaktan ko lang sya at hindi ako ang para sa kanya kaya naman sinara ko na ang laptop ko at bumalik sa higaan ko para magpahinga na dahil maaga pa ko para bukas dahil sa election na magaganap. Belle deserve to be the president because I know, and I believe she can do better than what I did.
Her POV
Buo na ang loob ko para kalimutan ang nakaraan ko kaya naman ngayon sisimulan ko dahil panahon na din para buksan ang buhay ko para sa mga taong gustong maging parte nito. “Belle kailangan ka na daw don sa may function hall” sabi sakin ni Nathan kaya tumango ako sa kanya at sinundan sya “Goodluck” sabi sakin ni Trixie kaya ngumiti ako sa kanya at nagpunta na sa function hall kung saan andon sila Jd at lahat ng professor namin pati na din si Dean kaya huminga ako ng malalim at naglakad papalapit sa kanila “Good thing your already here Ms. Co” sabi sakin ni Dean kaya ngumiti ako sa kanya “We will start” sabi naman ni Jd kaya tumabi ako sa kanya at nagsimula na sila hanggang sa ipinaliwanag nila sakin ang dapat kong gawin at ibinigay na din ni Jd sakin ang lahat ng kailangan ko “Congrats” sabi nya sakin “Thank you” sabi ko sa kanya at ngumiti “The oathtaking will be held later but for now I want the both of you to talk about the arrangement regarding the school on going projects” sabi samin ni Dean “Okay po” sagot ko sa kanya at iginaya naman na ko no Jd palabas ng function hall papaunta ng Student council office. Kaya kasama ko pa din si Jd dahil sya ang magiging adviser ko at tutulungan nya ko para ayusin ang dapat kong malaman ngayong ako na ang student council president. Pumasok kaming dalawa sa loob ng office at iginaya nya ko sa kwarto kung saan nya ko ininterview noon. “This will be yours starting today” sabi nya sakin at namangha ako sa naging ayos non at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang pangalan ko sa lamesa “Ikaw ang gumawa nito?” tanong ko sa kanya “Inayos ko lang naman ang dapat ayusin saka inalis ko na din ang gamit ko kasi ikaw na ang gagamit nito” sabi nya sakin “Pero kasama pa naman kita dito diba?” tanong ko sa kanya “Oo kaya nga may desk ako dyan” sabi nya sakin at itinuro ang desk sa tabi ko kaya natawa ko. “Thank you for doing this” sabi ko sa kanya “Wala kang dapat ikapasalamat sakin dahil ginagawa ko lang naman kung ano ang dapat kong gawin” sabi nya sakin kaya tumango ako at naupo sa pwesto ko. “So pag usapan na natin ang dapat kong gawin” sabi ko sa kanya kaya tumango sya sakin at ipinaliwanag isa-isa ang dapat kong gawin. Alam kong sa tinanggap ko na to ang laki ng responsibilidad ko “Are you ready for a big project?” tanong sakin ni Jd “As long as you can help me I can” sabi ko sa kanya “I will help you don’t worry” sabi nya sakin kaya naman nagsimula na kong mag isip na pwedeng gawing project kasi sa totoo lang ang dami ng nagawa ni Jd para dito at bilib ako sa kanya dahil don. Masungit nga sya at alam kong natural na sa kanya, sa unang pagkakakilala ko sa kanya sungit na sungit ako sa kanya at hindi talaga kami magkasundong dalawa dahil sa ginawa nya at ang tingin ko talaga sa kanya ay walang gagawin na maganda dahil sa sama ng ugali nya para sakin kasi sino ba naman ang matinong lalaki ang gagawin yon sa babae kaya naman hindi ako nakatiis para sagutin sya at hanggang nagsagutan kami pero hindi ko din ineexpect na hihingi sya sakin ng sorry at ngayon unti-unting nakikilala ko sya kahit ramdam kong may pader syang ipinapalibot sa buhay nya pero okay na ko na ayos na kaming dalawa kasi ayoko din naman na magkaroon ng kaaway “Belle kanina ka pa nakatitig sakin may problema ba?” tanong sakin ni Jd kaya nanlaki ang mata ko at umiwas ng tingin sa kanya “Hala sorry may iniisip lang kasi ako” sabi ko sa kanya kaya natawa sya at napalingon ako sa kanya kasi sa bihira ko lang syang makitang tumawa “Uy bakit mo ko tinatawanan?” tanong ko sa kanya “Wala, ang cute mo lang” sabi nya sakin kaya nanlaki ang mata ko at lumayo sa kanya “Tumigil ka na nga dyan mas okay pa pag hindi ka tumatawa, mag seryoso ka na lang ulit” sabi ko sa kanya at sinamaan sya ng tingin kaya naman ngumiti na lang sya sakin “Aminin mo na lang kasi na kaya ka nakatingin sakin kasi ako ang iniisip mo” sabi nya sakin kaya agad akong umiling “Pwede ba Jd wag kang assuming, hindi kita iniisip saka bakit naman kita iisipin?” tanong ko sa kanya at hinarap sya pero nanlaki ang muka ko ng makitang ang lapit nya sakin “Anong malay ko sa iniisip mo” sabi nya sakin “Ewan ko sayo Jd” sabi ko na lang sa kanya at tinulak sya. Hindi ako sanay na ganyan sya kasi hindi naman ganyan ang personality nya “I’m just teasing you” sabi nya sakin at nagseryoso na “Alam mo mas gusto ko ung seryoso ka kasi ang weird pag bigla ka na lang nagiging ganon, hindi ako sanay pero okay lang din na nakangiti ka pero di ko lang talaga gusto ung parang nagiging si Nathan ka kasi ang weird non at hindi bagay sayo” sabi ko sa kanya at bigla na lang nya kong tinitigan “Uy anong tingin yan?” tanong ko sa kanya “Ikaw ang weird Belle” sabi nya sakin at ngumiti “Bakit?” tanong ko sa kanya “Ang daldal mo pala” sabi nya sakin kaya napatikom ako ng bibig “But your lovely when you’re showing your true self” sabi nya sakin kaya hindi ko napigilan na ngumiti “Ikaw hindi mo ba ipapakita kung sino nga ba talaga?” tanong ko sa kanya at nawala bigla ang ngiti nya “I bet no” sabi nya sakin kaya na curious ako “Bakit naman? Hindi ko ba pwedeng makilala ang isang Josh Dale Dela Cruz? I bet your personality is so interesting and I want to get to know you more, can you let me?” tanong ko sa kanya at ngumiti sya saka unti-unting nilapit ang muka sakin pero umatras agad ako “Soon but not now” sabi nya sakin at lumayo na “Sabagay hindi pa naman tayo magkaibigan at mukang ang feeling close ko lang, sorry ngayon ko lang na realize yon” sabi ko sa kanya at dumistansya na sa kanya “Wala akong sinabing hindi tayo magkaibigan, I want to be friend with you but I not the type of person to share my life to someone and soon you will know why because I treat you one of the person who is close to me, I wouldn’t say that we’re friends because I think we can be more than that” sabi nya sakin na ikinalaki ng mata ko. I didn’t expect those words coming from Jd.
Trixie POV
Kanina pa namin niintay sila Belle dito sa labas ng student council office dahil may pinag-uusapan pa sila ni Jd sa loob “Ang tagal naman nila” sabi ni Nathan na katabi ko “Hayaan nyo na lang ung dalawa, matagal pa yon dahil sa daming ituturo ni Jd kay Belle” sabi ni Max samin “Kung ganon naman pala pumasok na tayo sa mga klase natin” sabi ni Grace samin kaya napatingin ako sa relo ko at ilang minuto na nga lang magsisimula na ulit ang klase namin “Mauuna na ko sa inyo” sabi ko sa kanila at inayos ang gamit ko “Hatid na kita Trixie” sabi sakin ni Nathan kaya tumango ako sa kanya. Sabay kaming umalis na dalawa para ihatid nya ko sa susunod na klase ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano kami ni Nathan, mabait sya at nagkakasundo kaming dalawa pero hindi ko pa din sya ganon kakilala at tama nga si Kate sa sinabi nya samin kagabi noong kasa kotse kami ni Belle na hindi pa nga namin talaga lubos na kilala ang mga taong nakapalibot samin ngayon. Kate was reminding all of us to be careful because we might end up the way it was years ago pero sa nakikita ko naman ngayon parang hindi naman saka ayokong mag assume ng isang bagay na hindi naman sigurado. Sinasabi nila sakin na baka may something kami ni Nathan dahil naging close kami pero as far as I know magkaibigan lang kami at alam ko naman ang limitasyon ko, hindi ako papasok sa isang bagay na alam kong magiging magulo lang. Nathan is a good person and a charming one pero alam ko din na hindi sya ung lalaking ganun kaseryoso base na din sa mga naririnig ko. “Trixie san ka pupunta?” tanong sakin ni Nathan kaya natigil ako sa paglalakad at nilingon ko sya “Ha?” tanong ko sa kanya “Dito ung klase mo” sabi nya sakin at itinuro ang classroom kung saan nakahinto sya kaya napatingin ako don at tama nga sya. Sumobra ko sa paglalakad dahil sa iniisip ko, napabuntong hininga ako at lumapit sa kanya “May problema ba?” tanong nya sakin kaya umiling ako “Wala” sagot ko sa kanya “Ngayon lang kita nakitang wala sa sarili, mukang may malalim kang iniisip ngayon” sabi nya sakin kaya umiling ako “Wala lang yon, nasobrahan lang ako sa paglalakad” sabi ko sa kanya “Sigurado ka baka may sakit ka?” tanong nya sakin at akmang hahawakan nya ang noo ko pero umatras ako “Okay lang ako” sabi ko sa kanya kaya napatango sya at ibinaba nya ang kamay nya “Sige kung yan ang sabi mo, babalikan kita mamaya para sabay na tayong pumunta sa oathtaking ni Belle” sabi nya sakin “Wag na kaya ko naman mag punta don saka baka kailangan ka agad don, hassle pa kung susunduin mo ko dito. Kaya ko naman ang sarili ko, pasok na ko sa loob” sabi ko sa kanya at hindi ko na inintay ang sagot nya dahil pumasok na agad ako sa loob ng classroom at naupo sa pwesto ko.
I know what I feel, and I don’t want to make it happen, ayokong mahulog sa taong ngayon ko lang nakilala at wala man lang akong idea kung sino ba sya bukod sa pangalan at pamilya nya. Okay akong magkaibigan kami pero kung maglelevel up ang kung ano man ang nararamdman ko hindi ko na magugustuhan yon. May mga ipinapakita si Nathan sakin na hindi lang isang kaibigan ang turing pero iniisip ko lang na malapit lang talaga kami dahil parehas kami ng gusto sa hobby namin at hanggang don lang yon “Uy girls nabalitaan nyo ba?” narinig kong tanong ng isang block mate na kakadating lang sa mga babae sa harap ko “Ano yon?” tanong nila “Nathan Rivera was spotted last night sa bar with a new girl” sabi nya sa kanila “Wala ng bago don pero hindi halata sa kanya na ganun sya kasi kung pagkukuparahin mo silang apat sya ung akala mo mabait pero may ganun palang personality” sabi nila at kesa makinig pa ko kinuha ko na lang ang earphone ko at inilagay yon sa tenga ko saka nakinig ng music habang wala pa ang professor namin. Mahirap kasing magmahal kung pinagtagpo nga kami ng tadhanang dalawa ngayon pero sa huli paghihiwalayin din naman kami, oo nga at makasundo kami at parang meant to be kami para sa isa’t isa pero hindi naman lahat ng meant to be at pinagtatagpo ng tadhana nagkakatuluyan at nagiging masaya.