Chapter 1

2527 Words
Chapter 1 Belle POV Every person has, their own destiny asa atin na lang kung susundin ba natin yon o hindi. Love and Destiny is full of twist and heartache. Tulad na lang ng istorya kakatapos ko lang basahin, destiny played with them pero pinatunayan nila na kahit paghiwalayin silang ng tadhana sila pa din ang nakatadhana para sa isa’t isa. Pero magkaiba naman kasi ang imagination sa realidad, sobrang magkaiba! "Belle ready ka ba ba?" sabi ng mga kaibigan ko kaya nabitawan ko ang hawak kong libro at nilingon sila. "Aalis na ba tayo?" tanong ko sa kanila. "Oo para maaga tayo ngayon mahirap ng maligaw sa university at mag kakaiba pa naman tayo ng course” sabi ni Grace isa sa mga kaibigan ko, we are a transferee student at last year na namin ngayon sa college pero nagdesisyon pa din kaming mag transfer. "Wait lang tatapusin ko lang to" sabi ko sa kanila at hinarap ang laptop ko, kanina kasi habang inintay ko sila nagbasa muna ko bago ko tapusin ang ginagawa ko sa laptop ko “Tuwing dinadaan ka namin lagi ka na lang hindi tapos sa ginagawa mo sa laptop mo! ano ba yan?" tanong sakin ni Kate na isa din sa kaibigan ko. "Wala" sabi ko at pinatay na ang laptop ko saka inayos yon saka nag paalam na ko kila manang na aalis na ko. “Manang aalis na po ako!” sabi ko sa kanya “Mag iingat kayo!” bilin na sabi nya samin kaya ngumiti ako sa kanya at sumakay na kami sa kotse ni Grace. "Si Trixie asan?" tanong ko pag kapasok sa loob. Apat kaming magkakaibigan at simula pa lang mga bata kami magkakaibigan na kami dahil asa iisang village lang naman kami nakatira at magkakaibigan ang mga magulang namin. "Present Belle" sabi nya habang busy sa pagbabasa ng libro. "Ano nanaman ba yang binabasa mo?" tanong ko sa kanya. "Bagong libro lang na gusto ko at matatapos na nga eh kaya bibili na ako mamaya ng bagong babasahin" sagot nya sakin kaya napatango na lang ako, well wala ng bago dahil sa sobrang tagal naming mag kakasama kilala na namin ang isa't isa at si para kay Trixie mahilig syang magbasa tulad ko pero mas mahilig sya sakin at pag interesado talaga sya sa binabasa nya natatapos nya agad yon. "Belle ikaw na naman pala ang naiwan sa inyo ngayon!” sabi ni Kate sakin kaya napatango ako at napabuntong hininga na lang "wala naman ng bago don parang hindi pa kayo nasanay kila mommy lagi naman silang umaalis ni daddy para sa business nila at parang hindi kasama ang mga magulang nyo ah!" sabi ko sa kanya kaya napabuntong hininga silang tatlo. Hindi nag tagal dumating na din kami sa university at madami na ding mga estudyante ang andito dahil first day of school nga. "Grace ayon may available na parking" sabi ko sa kanya dahil hindi lang madaming estudyante madami ding mga sasakyan kaya ng makakita ako ng bakanteng parking space itinuro ko agad kay Grace yon. "Oh shit" biglang sigaw ni Grace "Bakit?" takang tanong ni Trixie. Wala kasi syang kaalam alam dahil busy nga sa pagbabasa ng libro. "Muntik lang naman tayong mabungo dahil sa driver ng kotse na yon" sabi nya na akmang baba ng sasakyan ng pigilan namin dahil susugurin nya ung driver nung kotse. "Grace wag na maghanap na lang tayo ng ibang parking saka unang araw pa lang mapapaaway agad tayo” sabi ni Kate kaya nga ganun ang ginawa ni Grace at buti na lang nakakita kami ng parking medyo malayo nga lang pero okay lang kesa naman diba wala. "Pano yan kita kita na lang tayo mamayang break time sa cafeteria" sabi ko sa umalis na dahil hindi naman kami pareparehas ng klase. Hinanap ko na lang ung room ko at nang mahanap ko yon agad akong pumasok pero wala pa naman tao isa pa lang. Umupo ako di kalayuan sa tao na yon. "Miss wag kang maupo dyan may nakaupo na dyan" sabi nya sakin kaya lumingon ako sa kanya. "Excuse me? wala naman tao dito nung umupo ako" sabi ko sa kanya. May pangalan na ba lahat ng upuan dito at bawal upuan ang hindi sayo? "Just do what I say Miss may nakaupo na talaga dyan at hindi mo magugustuhan kung hindi ka pa aalis dyan" sabi nya pero hindi ko sya pinansin kaya umiling lang sya. Sino ba sya para paalisin ako dito? Saka ang dami pa naman na bakanteng upuan. Hindi nag tagal may mga dumating ng mga estudyante at medyo umingay na din ng loob ng room hindi katulad kanina na tahimik lang at kesa makihalubilo ako sa kanila kinuha ko na lang ang phone ko at nagsimulang mag update sa list ko. "Tayo!" sabi nya kaya nag angat ako ng tingin sa nagsalita at nakakunot ang noong tiningnan s'ya "Sino ka para patayuin ako" sabi ko sa kanya at tiningnan lang s'ya. "Pwesto ko 'yan" sabi n'ya sakin kaya tinaasan ko lang sya ng kilay at hindi umalis sa kinauupuan ko. "Paano mo naman nasabi wala naman pangalan mo para maging sayo" matapang na sabi ko sa kanya. "Hanggang mabait pa ko umalis ka na lang dyan" sabi nya pero kesa makinig ako sa kanya nag earphone ako at hindi sya pinansin. Sino ba sya para umasta ng ganon ang daming vacant seat bakit hindi sya don umupo kita nyang may nakaupo na eh. "Don’t regret this" inis na sabi nya at nagulat na lang ako nung biglang naputol ung wire ng earphone ko kaya masama ko syang nilingon. "Bakit mo yon ginawa" inis na sabi ko saka tumayo at hinarap s'ya. "Sa susunod matutuo kang kumilala ng kinakalaban mo" sabi nya at ako naman inis na inis sa ginawa n'ya! "Sino ka ba para sa inaakala mo para gawin yon! Alam mo bang pwede kitang isumbong sa ginawa mo” sabi ko sa kanya pero hindi nya pinansin ang huli kong sinabi "Ako lang naman ung taong hindi mo dapat kinakalaban" sabi nya kaya nag yukom ako ng kamao "Para lang sa upuan ganyan na ung gagawin mo? are you nuts?" Inis na tanong ko sa kanya at sasagot na sana sya ng dumating lang ung Prof namin. "Sit down everyone" sabi nya kaya naupo na kami. "Kindly introduce yourself first before we start the lesson." he added and some of my block mates did what he said at nang turn ko na tumayo ako para mag pakilala. "My Name is Belle Yuri Co at ayoko sa tao ung mayabang pero wala naman ibubuga" simpleng sabi ko at tiningnan ang kinaiinisan ko saka umupo na sumunod naman sakin ung bwisit na lalaki na naka away ko. "My name is Josh Dale Dela Cruz and don't try to mess up with me" he said and look at me pero inirapan ko lang sya. “Okay let’s start our discussion” sabi nya samin at nagsimula na syang magturo at ako nakinig lang at sinulat lahat ng importanteng detalya ng mga sinasabi nya at ganon lang ang nangyari sa buong duration ng klase namin sa kanya “See you tomorrow class” sabi nya at umalis na kaya naman inayos ko muna ung mga gamit ko bago ko lumabas at hinayaan makalabas lahat ng blockmates ko bago ko lumabas ng may magsalita sa likod ko. "Sa susunod kilalanin mo muna ko para hindi ka inis na inis dyan” sabi nya sakin kaya nilingon ko sya saka ako ngumiti "Sino ka ba para kilalanin ko at eto oh" sabi ko sabay balibag sa muka nya nung earphone ko na sinira nya. "A person like you doesn't deserve my time kaya pwede ba don’t talk to me at wala na kong atraso sayo kung yon ang tumatakbo sa makitid mong isip! Dahil lang sa upuan naninira ka ng gamit na hindi sayo." Inis na sabi ko saka lumabas ng Room at hinanap sila Grace sa Cafeteria at buti na lang agad ko silang nakita kaya lumapit agad ako sa kanila "Oh, bakit nakabusangot ka? Napa-away ka ba?" tanong nila. "Wala" sagot ko sa kanila! "Kamusta unang klase nyo?" tanong samin ni Kate na kakadating lang. "Okay lang medyo boring pa dahil wala naman pinagawa samin pero ewan ko na lang mamaya" sagot ni Grace sa kanta "Same! Wala pa din pinagawa ung prof namin kaya medyo boring” sabi naman ni Trixie at tumingin sila sakin "Nag discuss lang ung prof namin” sabi ko sa kanila pero tinaasan nila ko ng kilay. "Eh bakit badtrip ka dyan" tanong ni Kate "Long story pero ayoko ng pag usapan naiinis lang ako lalo" sabi ko at iniba ung topic "Hindi pa ba tayo kakain?" tanong ko sa kanila para maiba ung topic dahil one hour lang ang lunch break namin. "Tara na nga at bumili na tayo ng pagkain natin” sabi ni Grade at tumayo na kaya sumunod kamo sa kanya at pumila katulad ng ibang estudyante. Habang pumipili kami ng pagkain hindi ko pa din maalis sa isip ko ung bwisit na lalaki na yon. Sino ba kasi sya para gawin yon at ngayon lang ako nakakilala ng taong ganon! We are studying in a prestigious university at napakawala nyang manners. Kung alam na may ganong klaseng estudyante pala dito edi sana hindi na lang kami dito nag transfer. Hanggang sa makabalik kami sa pwesto namin inis na inis ako sa tao na yon at sya ang laman ng isip ko. "Belle wag mong pagdiskitahan yang pagkain mo" sabi sakin ni Grace dahil sa pagkain ko naibuhos ang inis ko sa lalaki na yon. Kate POV Tiningnan ko si Belle na badtrip na bad trip habang kumakain. Ano na naman kaya ang problema nitong babae na to at inis na inis. Knowing Belle for a long time hindi yan agad agad maiinis ng ganyan kung hindi nasira ang gamit yan o may sadyang nanginis sa kanya na hindi humingi mg sorry. Ganyan yang babae na yan eh. "May klase pa ba kayo?" tanong ni Trixie "Ako meron pero mamaya pa kaya free time ko pa pag katapos neto." sagot ko sa tanong ung dalawa naman tumango lang ung dalawa ibig sabihin may klase na sila kaya naman nag paalam na kami sa isa't isa at mamaya na lang mag kikita pag uwian sa parking. Ako na man pumunta na lang muna sa garden na nadaanan ko kanina at doon na lang ako tatambay hanggang sa magkaroon ako ng klase. May nakita ako puno don kaya doon ako naupo at pumikit para magpahinga wala naman kasing estudyanteng pumupunta dito pansin ko at habang nakapikit ako hindi ko mapigilan na kumanta. Well hobby ko naman kasi ang pagkanta at wala naman akong naiistorbo kahit pa lakasan ko ang kanta ko. Patuloy lang ako sa pag kanta ng may maramdaman akong basa sa may ulo ko kaya napadilat ako baka kasi umuulan. But to my surprise someone is standing in front of me holding a bottled of water. "Buti naman tumigil ka na sa pagkanta mo nakakaistorbo ka alam ko yon" sabi nya saka akmang aalis pero binato ko sya ng bato na hawak ko kaya natigil s'ya. "Aray" sabi nya saka lumapit sakin at hinawakan ako sa braso ko at tiningnan ako sa mata at alam kong galit sya kaya sapilitan kong inalis ung kamay nya sa braso ko. "Wala kang karapatan na batuhin ako" galit na sabi nya sakin at dinuro ako kaya tinabig ko ung kamay nya. How dare him. Sya itong nauna kaya deserve nya lang yon. "Wala ka ding karapatan na buhusan ako ng tubig" sabi ko sa kanya. "Ikaw ang maingay dyan natutulog ung tao" sabi nya "Walang tao dito nung nagpunta ko" inis na sabi ko sa kanya. "Bulag ka ata eh asa likod lang ako ng puno at saka sa susunod wag kang kanta ng kanta akala mo naman maganda boses mo hindi naman" sabi nya sakin kaya napayukom ako ng kamao ko sa inis, napakayabang nya! "Hindi ako bulag saka pwede mo naman sabihin ng maayos sakin pero ung buhusan ako ng tubig ibang usapan na yon saka hindi ka man lang nag sorry" galit na sabi ko sa kanya "Bakit ako mag sosorry sayo eh ikaw nga itong binato ako ng bato. Saka ano ba kinakagalit mo eh hindi ka naman nabasa konti lang" Inis na sabi n'ya. "At proud ka ba don sa ginawa mo na yon" sabi ko sa kanya at tinaasan s'ya ng kilay. "Wala kang kwentang kausap" sabi nya saka umalis at iniwan akong inis na inis. Pag nakita ko ung lalaki ko na yon tatamaan talaga sakin yon. Nag desisyon na lang akong pumasok na sa susunod kong klase kahit medyo maaga pa para mawala lang ung bad trip ko. At ung akala kong badtrip ko na mawawala hindi pala dahil classmate ko pala sya sa subject ko na to! "Look who's here!" sabi nya saka tumawa, hindi ko sya pinansin at umupo malayo sa kanya baka kasi hindi ako makatiis at masaktan ko sya kahit na may tao dito. Hindi nag tagal dumating ung prof namin at nagkaroon ng seating arrangement at ang masaklap pa don katabi ko sya. "Pag nga naman sinuswerte ka" inis na sabi ko saka tumingin at tumabi sa kanya "Para naman gusto kong katabi ka" sabi nya kaya inirapan ko sya. Sino bang may gustong makatabi sya? Wala naman! Nag simula na ung prof namin na mag discuss at first day of school may ipinapagawa samin at ang malala pa non kung sino ang katabi ko sya ung kapartener ko. "Miss Kate Adams and Mr. Thunder Alvarez kayo ung magkapartner." sabi ng Prof namin saka umalis pero hinabol ko sya. "Sir can I have a different partner please" request ko "No miss Adams final na yon" sabi nya at tuluyan ng umalis "You have no choice kung hindi ako ang kapartner mo" sabi nya "parang may choice pa ko diba" sabi ko naman "Kaya nga! so magtiis ka" sabi nya sabay labas ng room sinundan ko naman sya kasi syempre I need to get his number para matapos agad namin tong project na to at tumahimik ang buhay ko at kahit mamayang gabi tatapusin ko agad to. "Thunder" sigaw ko kaya lumingon s'ya "First name basis?" tanong nya saka huminto kaya inirapan ko s'ya. "Mr. Alvarez can I have your number para ma contact kita ABOUT SA PROJECT" sabi ko at diniinan ko talaga ang pag kakasabi ng about sa project. "You just want to get my number pero hindi ko basta basta binibigay ung number ko sa kakikilala ko pa lang unless magiging kami" malokong sabi nya saka ngumiti. "Never mind” I said saka sya tinalikuran at umalis. Ako na lang ang gagawang mag isa nung project namin kesa naman makasama ko ung lalaki na yon at mainis lang ako ng mainis debale na lang kaya ko na to. Para san pa at naging si Kate Adams ako diba kung hindi ko to kakayanin natapos ko nga ung isang research project ko ng overnight lang ito pa kaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD