Chapter 2

2943 Words
Grace POV  Haggang ngayon badtrip pa din ako sa taong muntik na kaming bungguin kanina malaman ko lang talaga kung sino yon malalagot yon sakin at hindi lang ako ang bad trip ngayon dahil si Belle din nung nag kita kami sa cafeteria sobrang sama ng muka ung tipong akala mo makakapatay na sya sa sobrang inis nya. minsan lang naman mainis si Belle eh at madaling magpatawad ung babae na yon saka sobrang mabait non. Samin tatlo si Belle ung mahaba ang pasensya at sya ung tao na handang isakripisyo lahat para lang sa mga taong mahal nya ganun ung babae na yon kulang na lang maging banal na sa kabaitan nya at sobrang maintindihin wag mo nga lang iinisin ko may kahit na anong gagawin ka sa gamit nya dahil talagang mag aaway kayong dalawa. I'm on my way to my next class at ang dami kong mga estudyanteng nakasalubong going somewhere pero hindi ko na lang pinansin I just want to end this day para mawala na ung pagabadtrip ko na mula pa kanina. When I found my classroom, I went inside and to my surprise there are a lot of students who are staring at me including my professor, I guess. Pag nga naman sinuswerte ka first day of school late plus transferee pa! "I guess you are Ms. Grace Tuazon" he said, and I smile an awkward one. "Yes, and I'm sorry late. I’m just new student here” paliwanag ko at bahagyang ngumiti. "It's fine you may take your seat beside Mr. Tolentino" She said at tinuro ung vacant seat na malapit sa may bintana at agad naman akong umupo don at ayoko naman na gumawa pa ng eksena. Buong oras ng klase wala naman naging problema hanggang sa matapos yon kaya nag papasalamat ako na makakauwi ako ng matiwasay at hindi na masyadong badtrip. Akamang aalis na ko ng may kamay na pumigil sakin "Miss I think you drop this" he said and handed me my wallet. "Thank you" sabi ko sa kanya, sya ung katabi ko "Your Welcome sa susunod ingatan mo ung gamit mo" sabi nya sakin kaya ngumiti ako sa kanya. "Thank you again Mr. Tolentino" sabi ko sa kanya "Masyado naman pormal ung Mr. Tolentino just call me by my name" he said but I don't know his name. "I only know your surname" sabi ko sa kanya at bahagyang ngumiti "Oo nga pala hindi pa pala ko nag papakilala" sabi nya saka tumawa "I'm Max Tolentino and you are Grace Tuazon" sabi nya kaya tumango ako sa kanya, He know my name because our Prof mention it earlier "Nice too met you Max and Thank you" I said and we walk towards the door together. "Hmm mauna ka na" sabi ko. "No Ladies first" he said kaya nauna na kong lumabas at naglakad na palayo sa kanya. He is nice guy and he give a nice impression as well kaya napangiti na lang ako at napailing at the same time "Grace wait" tawag nya sakin kaya napahinto ako at nilingon ko sya "Why?" tanong ko sa kanya at lumapit sya sakin "Can I get your number?" tanong nya kaya medyo nagulat ako. We just met and suddenly his asking for my number. "I don't give my number to strangers" sabi ko sa kanya, technically stranger pa din sya kahit na ba alam namin ang pangalan ng isa’t isa. "We're not strangers. After all we know each other's name and we have the same class" sabi nya sakin "I can't give you my number" I said at lumungkot ung muka n'ya. "But you can add me on my social media account pwede mo kong macontact gamit yon for the meantime of getting to know you" I said and he nod “I will! Wait for my friend request” sabi nya at umalis na ko, that guy is something. But before I forgot I need to find Trixie first dahil nag papasama nga pala yon sakin sa library dahil may kailangan daw syang libro at kesa pumunta pa kami sa bookstore mamaya eh dun na lang nya sa library hiramin. While searching for Trixie biglang nag vibrate ung phone ko, a friend notification. Ang bilis naman nya I click the accept button at ang loko may message agad sakin. But instead of reading his message mas uunahin ko munang hanapin si Trixie o kaya sa library na lang ako pupuntaa baka kasi andon na ung babae na yon. On my way to the library nakasalubong ko si Belle kaya sabay na kaming pumunta don."Ano ba gagawin ni Trixie sa library? hindi pa sapat ung library nya sa bahay nila?” tanong nya sakin kaya bahagya akong natawa. Trixie have a small library at their house dahil na din sa hilig nya sa libro. "Para naman hindi mo kilala ung babae na yon. Adik na sa libro yon eh parang ikaw" sabi ko sa kanya. Kung makapagreklamo kay Trixie eh sya din naman ganun. "Well Grace ako mahilig akong magbasa ng online books at sa application ako nag babasa hindi naman ako katulad ni Trixie na nagpagawa ng library sa bahay nila” sabi nya at nagkibit balikat. "Naku malapit ka na din naman maging ganon" sabi ko pero hindi naman na nag react ang bruha at agad nag change topic "Si Kate asaan?" tanong nya bigla "Baka sa parking lot na o may klase pa hindi naman kasi nag rereply sa text eh" sabi ko at nang asa tapat na kami ng library agad kaming pumasok na dalawa at nag log in. "Grace si Trixie yon" turo ni Belle kaya nilapitan namin "Trix" tawag ko sa kanya "Tapos ka na?" Belle asked "Yes pero wala dito ung hinahanap ko kaya pupunta tayo ng bookstore bago umuwi." sabi nya "Sakto pala kailangan kong palitan ung earphone ko ng bago" sabi naman ni Belle kaya kumunot ang noo ko sa kanya "Anyare?" tanong ko habang palabas kami ng library "Long story nga wag nyo ng itanong" sabi nya at ayaw talagang mag kwento. "bruha ka bakit ba ayaw mong ikwento?" tanong ni Trixie sa kanya. "H'wag nyo ng alamin Trixie hindi naman worth pag usapan saka tara na! nakikita ko na si Kate ayon oh ang sama ng itsura" sabi nya saka tumakbo kay Kate, parang bata kaya napailing na lang ako "Kate bakit ganyan itsura mo?" tanong ko sa kanya "May nakilala lang ako ng sobrang yabang at kung maka-asta akala mo kung sino para buhusan ako ng tubig sa ulo at ang malala pa non kapartner ko pa sa project" inis na inis na sabi nya. Ung kinaganda ng mood ko sya naman kinasama ng mood ni Kate. Eh etong babae na to mabilis lang mainis kaya lagi yan napapaaway well ako din naman pero mas malala si Kate sakin. "Guys tara na pwede baka mawalan ako ng copy nung librong kailangan ko kaya sa loob na lang tayo ng sasakyan mag usap pwede?" tanong ni Trixie kaya wala kaming nagawa kung hindi ang pumasok sa sasakyan. "Grace ung phone mo kanina pa vibrate ng vibrate sino ba yan?" Kate ask sya kasi ung asa passenger seat. "Classmate ko lang" sabi ko sa kanya. "Uy may ka-chatmate ka na agad ah! First day of school pa lang natin ngayon bilang transfer student" singit naman ni Belle "Pwede ba wag ako gawin nyong topic ngayon. Kate tuloy mo na kwento mo" sabi ko saka inistart ung sasakyan at nag drive na papunta sa mall. "Ganito kasi yan diba nag papaalam ako kanina na wala pa kong klase so I decided na pumunta sa garden at magpahinga well kilala nyo ko na minsan kumakanta ko" sabi nya but Trixie interrupt her "Correction Kate hindi minsan kung hindi madalas kang kumakanta kapag naiisipan mo" sabi nya kay Kate kaya inirapan lang sya ni Kate "Okay fine! balik na ko sa kwento ko. So ayun nga habang nag papahinga ko, kumanta ko dahil I know naman na wala akong maiistorbo dahil wala naman tayo sa garden but suddenly akala ko umuulan yon pala binuhusan ako ng tubig nung bwist na lalaki na yon and we argue. Well hindi ko naman kasi alam na andon sya at natutulog saka he can say to me nicely na wag akong maingay diba at ang masaklap pa classmate at partner ko sya sa project namin at ang loko ayaw yatang gumawa kaya no choice ako kung hindi ako ang tumapos non" inis na inis na sabi nya "Kumalma ka nga" sabi ko sa kanya. "Grace hindi lang don natatapos ang kwento ko alam mo ba na ung kotse na muntik na tayong suruin ay isa sya sa sakay non" I look at her "So you saw who is the driver of that car?" I ask tapos binalik ko na ung atensyon ko sa daan dahil malapit na kami sa mall "Yes Grace nakita ko kanina habang inintay kayo" sabi nya "Wag lang syang magkamaling magkita kami malalagot talaga sya sakin. pag katapos ng ginawa nya na yon" inis na sabi ko. Okay na ko kanina eh bumalik lang sa isip ko ung bwisit na pangyayari na yon kanina dahil sa sinabi ni Kate "First day of school bad trip lang ang inabot nyong tatlo" natatawang sabi ni Trixie "Wow ah palibhasa good mood na good mood ka dyan" sabi ni Kate sa kanya. Nang makapag park ako agad na bumaba si Trixie at pumasok sa mall hindi man lang kami inintay. "Susundan ko si Trixie" sabi ni Kate saka tumakbo palapit kay Trixie kaya kami ngayon ni Belle ang magkasama. "Tara na para makabili na ko ng bago" She said and walk towards the apple store to check some air pods. While busy si Belle ako naman nag ikot ikot para humanap ng phone case. I just feel to buy a new one. "Grace" someone called me kaya nilingon ko kung sino yon "Max what a coincidence" sabi ko sa kanya "I think it’s a destiny not a coincidence” sabi nya kaya napailing na lang ako at tumawa sya “What are you doing here?" he ask "Well I'm with my friend she's buying an air pod because someone cut her precious earphone. How about you?" I ask "I'm with my friend also checking some air pods for the reason I don't know" sabi nya kaya napatango na lang ako "Ah sige" sabi ko saka bumalik na ulit sa pag hahanap ng case at ng makita ko ung gusto ko hindi ko naman maabot pero I still try to get it "Let me help you" he said at sya ang umabot no'n. "Thank you" sabi ko sa kanya. "By the way did you receive my message?" tanong nya kaya tumango ako "Yes, I did pero hindi ko pa nababasa I was driving that time" sabi ko saka pinuntahan na si Belle at nakasunod pa din sya. "Are you following me?" tanong ko sa kanya "No. I told you that I'm with my friend who happened to be also buying some air pods" sabi nya saka ngumiti. San ko naman kasi nakuha ung idea na sinusundan nya ko diba. "Sabi ko nga eh" sabi ko sa kanya at nagkibit balikat. I was about to call Belle when I saw her with a guy at alam mo ung ang sama ng tingin nila sa isa't isa kaya bago pa magkaroon ng gera dito lumapit na agad ako sa kanya "Belle!" tawag ko sa kanya. "Jd" tawag naman ni Max sa lalaking kasama ni Belle "She/He is your friend?" sabay na sabi namin ni Max "Magkakilala kayo" sabay na sabi naman ni Belle at nung Jd na tinawag ni Max. "She is the one that I've been talking about earlier Jd" sabi ni Max. So, topic nila ko ganun. "So kilala mo nga sya Grace" sabi ni Belle na natingin sakin saka tumingin kay Max at JD pero ang sama ng tingin nga don sa friend ni Max. "Yes, classmate ko sya sa isang subject" sagot ko kay Belle "Pagkakataon nga naman" sabi ni Belle saka umiling at hinila ako palayo kila Max. "Belle kilala mo ba ung kaibigan ni Max at kung makatingin ka ang sama parang sya ung nang badtrip sayo ah" sabi ko "Well Grace your right sya nga ung taong isinusumpa ko hanggang ngayon dahil ang yabang at sama ng ugali nya" inis na sabi nya saka binayaran ung binili nya at ganun na din ako saka umalis na para puntahan sila Kate. "So sya ung lalaking sumira ng earphone mo?" tanong ko sa kanya "Hindi pa ba obvious Grace" iritableng sabi nya. Better yet not talk about it anymore dahil baka may bulkang sumabog. Trixie POV Nang makapasok na ko sa bookstore para akong nasa heaven, I really love books. "Nabaliw ka na naman" sabi ni Kate na asa tabi ko. "Kilala mo ko Kate mahilig talaga ko sa libro at eto ang kaligayahan ko" sabi ko sa kanya "Hala naman Trixie eh sa itsura mo pa lang ngayon at nag niningning na yang mga mata mo naka kita ka lang ng libro. Nag pagawa ka pa nga ng Library sa bahay nyo tapos eto ka ngayon sa bookstore. Tsk" sabi nya sakin kaya inirapan ko s'ya. "Just shut up Kate" sabi ko saka pumasok na at ganun din sya "Trixie may titingnan lang ako saglit don" sabi ni Kate saka umalis. Tiningnan ko lang sya hanggang sa makaalis sya at pinuntahan ko na ung pakay ko na libro dahil mahirap hanapin ung libro na yon at limited lang copy na inilalabas, ewan ko ba kung bakit ganon. Habang nag hahanap ako madami din naman akong nakikitang magagandang libro na pwede kong basahin sa susunod pero sa ngayon I need to find that book. Malapit ko ng malibot ung buong bookshelves pero hindi ko pa din nakikita ung libro na hinahanap ko at kailangan kong makita yon no matter what sobrang tagal kong inintay yon tapos ang ending hindi ko lang din makukuha. Kung sana pwede kong orderin online yon pero hindi eh. Mas prepare ko ung makikita ko agad at mababasa kaya ngayon nag titiis ako. At bago ko pa pala makalimutan may isang libro pa pala ko na dapat hanapin para sa subject ko. I already check the library at our school pero wala akong na pala dahil wala don ung kailangan ko. I was so hopeless dahil hindi ko talaga makita when I remember na mostly of the books na ganun sa tagong lugar nila nilalagay saka may mga students na tinatago talaga yon kaya naman pumunta ako sa may sulok kung saan wala masyadong pumapansin sa mga libro don. And Thank God nakita ko and two copies na lang sya kaya agad kong kinuha nang may isang kamay din na kumuha nung isa. Tiningnan ko kung sino ung may ari ng kamay na yon. "Hey!" bati nya isa sya sa classmate ko sa last subject ko "Hi!" sabi ko saka kinuha ung libro at ganun din sya "I'm surprise" sabi nya kaya kumunot ang noo ko. "Why?" I asked him "Ngayon lang ako nakakilala ng tao na mahilig sa ganyang libro" sabi n'ya. "Ako man hindi kasi halata sayo na nagbabasa ka ng libro. No offense ah" sabi ko sa kanya "Well yon nga ang sabi ng iba and I think we're lucky to find this book" he said and smile na kita ung dimples nya. He's cute "Yes kanina pa nga ako nag hahanap ng libro na yan buti na lang madalas ako dito at alam ko kung saan makikita ung mga ganitong libro" sabi nya sakin "Same here" sabi ko. Hindi muna kami umalis at nag-usap muna kami tungkol sa mga bagay na pinagkakasunduan namin. "I'm so glad that I met you" I said kasi ngayon lang ako nakita ng makakasundo ko tungkol sa mga libro na binabasa ko "Me too pero ang tagal na nating nag uusap hindi ko pa din alam ang first name mo" sabi nya sakin "Oo nga. kahit mag kaklase tayo hindi din kita kilala" sabi ko saka tumawa at ganun din sya. Ang sarap nyang kasama. "I'm Nathan Rivera and you are" sabi nya saka inabot ung kamay n'ya. "Trixie Young" I said at tinanggap ung kamay nya. We just look at each other at hindi inaalis ung pagkakahawak ng kamay namin dalawa. I was about to say something when someone call our name kaya napalingon kami don at nakita ko si Kate kaya tinawag ko sya "Kate" sabi ko. "Thunder" sabi naman ni Nathan at nagbitaw ng kamay para lapitan ung mga tumawag samin. "Kanina pa kita hinahanap Trixie andito ka lang pala at mukang nakita ka ata ng kasundo mo" sabi n'ya. "Nate ang tagal mo----" the guy said but didn't finish what he was saying nang makita kami ni Kate "Ikaw?" gulat na sabi ni Kate saka lumapit kila Nathan at ganun na din ako "Sinusundan mo ba ko" the guy asked at nilapitan si Kate "You knew each other?" I asked. "Well Trixie sya lang naman ung sinasabi ko sa inyo kanina na nagbuhos ng tubig sakin" "Woah Brad ginawa mo yon? Tsk" gulat na sabi ni Nathan. "Baka nakakalimutan mo binato mo ko ng bato sa ulo" Inis na sabi nung lalaki. Well si Kate pa ba eh pag naiinis yan minsan nakakasakit sya. "Matagal pa ba kayo?" someone said at nilingon namin ung nagsalita sila Grace at Belle pero may tao din kasi sa likod nila and Nathan notice them "Jd! Max" sabi nya "Magkakakilala kayo?" we all said and look at each other. Coincidence ba to o Tadhana?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD