Prelude 1
ETHEL
Sobrang lakas ng ulan at gabi na, nakauwi na kaya si Elias? Sabi niya ay gagawa lang sila ng thesis sa bahay ng kaniyang kagrupo, wala pa naman siyang pera. Hindi rin siya sumasagot sa mga tawag ko. Nag-aalala na ako sakaniya.
Biglang nag-ingay ang alaga naming aso. Nakakulong ito sa labas ng bahay gawa sa tagpi-tagping yero. Ang bahay namin ay minana pa ng Tatay ko sa kaniyang mga ninuno. Spanish-style pa ito na gawa sa bato, kahoy, at capiz pero maayos tingnan at hindi barong-barong. Retirong pulis si Tatay at siya nalang ang kasama ko sa buhay. Ngayong gabi ay lasing nanaman siyang nakahiga sa cleopatra na nasa sala. Walang ilaw at tanging flashlight lamang ng cellphone ko ang gamit kong ilaw. Sa may ikalawang palapag ang kwarto ko kaya bumaba ako para tingnan si Snow, 'yun ang pangalan ng aso namin.
Patuloy ang pagkahol nito.
"Ano ba 'yan! Babarilin ko ang aso na 'yan!" Nagulantang ako nang biglang sumigaw si Tatay sa lasing na boses pero alam kong tulog ito. Naiirita siguro kay Snow. Nagmadali akong lumabas.
"Grrr..." Rinig kong amba ni Snow sa pagkahol. May gate kami na kinakalawang na at bago makarating sa gate kung saan malapit si Snow ay may teresa muna. Ang teresa namin ay puno na ng tubig dahil sa malakas na ulan.
"Shhh! Snow!" Sita ko sa aso st tinitingnan kung may kakaibang tinataholan ito. Tinutok ko sakaniya ang flashlight at nakatingin ito sa mismong gate.
"Pst! Thel!"
Nangunot ang noo ko at kahit na naaambonan ako ng ulan sa may teresa ay sinubukan ko aninagan kung may tao sa harapan ng bahay. Hindi naman mataas ang gate, iyong tipong hanggang leeg lang ito, mga old-style na gate.
Nanlaki ang mata ko.
"Elias!" Sambit ko sa pangalan niya. Kita kong basang-basa ito pero nakangiti siya sa nakikita ko. Kumaway siya, at akalain mo nga naman, hindi ito nakapayong pero tila may hawak itong foldable na payong sa kamay. Wala akong payong, nasira nga kanina dahil sa lakas ng hangin at wala akong pambili, kung ipambibili ko pa ay wala na akong babaunin. Kahit na malakas ang ulan ay sinuong ko ito para lapitan sa gate si Elias.
"Mababasa ka!" sigaw niya pero wala akong pakialam dahil mas lalo akong nag-aalala sakaniya. Binuksan ko ang gate at napakadilim pero alam kong nasa harapan ko na siya dahil matangkad siya at matipuno ang katawan.
"Bakit ka nagbasa? Ihahatid ko lang itong payong para bukas may gagamitin ka."
Napatigil ako at napatitig sa payong na inaabot ni Elias kahit na napakadilim. Pareho kaming nababasa sa ulan pero hindi ko ito alintana.
Nagawa pa niyang ipanghatid ako ng payong kahit na siya itong basang-basa ngayon. Marahan kong inabot ang payong.
"Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko? Anong oras na, ang lakas ng ulan. Kumain ka na ba? Nasaan ang mga gamit mo? Ang basa mo, bakit hindi mo ginamit ang payong?" Tuloy-tuloy kong sabi.
"Baka kasi humangin ng malakas at masira rin haha. Iniwan ko kina Charlie mga gamit ko. Na-lowbat ako at wala ring kuryente sakanila. Mabuti nalang natapos kami agad. Mas maaga pasok mo sakin bukas kaya sayo nalang 'yung payong ko, at oo kumain na ako. Pumasok ka na, ayaw kong magkasakit ka, agad kang magpalit ng damit ah. Patuyuin mo muna buhok mo bago ka matulog." Tuloy-tuloy naman niyang sagot.
Napahigpit ang hawak ko sa payong dahil naninikip ang dibdib ko dahil sa sobrang maalalahanin niya kahit na hindi rin madali ang sitwasyon sakaniya ay inaalala niya pa rin ako, gayunpaman din ay mas lalo ko siyang minamahal dahil sa ugali niyang ito.
"Sige na. Umuwi ka na, matulog ka agad at magpalit ng damit. Salamat rito sa payong, ibabalik ko sa eskwelahan bukas." Minabuti kong bilisan nalang para agad na rin siyang makapagpahinga at makasilong sa bahay niya.
Naaninagan ko siyang tumango. Mabilis ko siyang niyakap kahit na basa kaming pareho at pagkatapos ay umalis na rin siya.
Kinaumagahan ay maaga ako nagising dahil sa kalampag ng mga pinggan. Mabilis akong tumayo at lumabas ng kwarto para pumunta ng kusina.
"Wala man lang pagkain!" Inatsa ni Tatay ang mangkok na walang laman habang nakaupo sa isang upuan at nakadantay ang siko niya sa mesa at ang palad niya ay sapo ang noo niya, malamang masakit ang ulo nito.
"Wala na tayong bigas at delata, Tay." Sabi ko at pinulot ang inatsa nitong mangkok. Wala pa akong sahod kahit na pumapasok ako sa isang fast food chain ay sakto lang ang kinikita ko o kulang pa para saaming dalawa ni Tatay lalo pa at sinisikap kong makatapos ng pag-aaral.
3rd year college na rin naman ako sa kursong Civil Engineering sa isang pribadong paaralan, mahal ang tuition pero sa kabutihang palad ay nakuha ko ang full-scholarship.
"Kung ano-ano ba 'yang ginagastos mo at palagi kang walang pera?! Hindi ba't nagtatrabaho ka? Inuuna mo pa kasi 'yang kalandian mo kay Elias."
Tila punyal na tumarak sa aking dibdib ang mga salita ni Tatay. Kumuyom ang kamao ko at pinigilang magsalita. Ang pensyon niya ay wala na, lubong din kami sa utang dahil sa kakasugal niya dati sa casino, pati itong bahay ay nakasangla na rin. Malapit na kaming paalisin rito dahil hindi kami nakakapagbayad ng interest.
"Wala na po akong pera. Huling limang daan ko nalang 'yon Tay, ipagkakasya ko sa dalawang linggo bago ako magsahod ulit."
Pula pa ang kaniyang mata na halatang kakagising lang at tila nanlilinsik itong tumingin saakin.
"Ang sabihin mo inuuna mo pa 'yang si Elias! Bakit hindi ka nalang magtrabaho?! Nag-aaral ka? Pumapasok ka lang para sa lalaking 'yon! Para magkita kayo! Makaalis na nga rito, walang kwentang anak!" Padabog itong tumayo at umalis ng bahay.
Napaluha ako pero agad kong pinunasan para makaligo na at makapasok ng eskwelahan. Kung magpapaapekto ako sa mga sinasabi ni Tatay ay mas walang mangyayari sa buhay namin.
Malapit lang ang bahay namin kina Elias kaya dumaan muna ako sa bahay niya para tingnan kung marami na siyang labahin. Siya lang mag-isa sa buhay at namatay ang Nanay niya limang taon na ang nakararaan. Close kami ng Nanay niya dahil ito ang tumutulong saakin noon sa awa niya dahil minamaltrato ako ni Tatay.
Noong nawala siya, ako ang nagkusang tumulong kay Elias at doon nagkalapit ang loob namin.
Kita kong tulog pa si Elias kaya hindi na ako nag-ingay. Naglinis nalang ako saglit at inipon ang mga labahin niya para malabhan ko mamayang pag-uwi.
Sobrang sipag ni Elias at matalino rin siya. Arkitekto ang kurso niya at sobrang galing at talino niya. Kung ako ay nanghihimasok sa mga fastfood chain, siya naman ay bilang construction worker.
Pagkatapos kong naglinis ay umalis na ako. Kailangan niyang bawiin ang tulog niya dahil ilang araw na siyang puyat at pagod.
Pagdating ko sa eskwelahan ay siyang pagbuhos ng malakas na ulan. Hindi ko maiwasang mag-alala kay Elias habang nagdidiscuss ang Instructor namin. Wala siyang payong paano siya makakapasok? Alas tres palang ang pasok niya at isang subject lang ngayong araw, pero alam kong magtatrabaho iyon sa construction bago pumasok.
"Finals will conclude next month. Settle your bills to avoid grades settlement issues." Paalala ng instructor bago umalis ng classroom.
Tumayo na ako para magtungo sa library namg biglang may dumungaw sa pintuan ng classroom na mukhang ibang department.
"Sino si Ethel Galvez?" Tanong ng lalaki.
Itinaas ko ng kaunti ang kamay ko.
"Pinapatawag ka sa Accounting. Proceed ka nalang sa Window 6." Sabi nito at nang tumango ako ay umalis na. Puno ako ng pagtatakha, diretso pa naman na malinis ang grades ko, wala naman sigurong komplikasyon sa scholarship ko. Gayunpaman ay nagtungo ako sa accounting.
"Malapit na ang finals, palagi kang late nagbabayad Ms. Galvez, you should be settling your accounts now para makapag-exam ka. Tell us you're gonna pay on time, and we'll let you write a promissory note."
Halos mapanganga ako sa sinabi ng accountant.
"P-Pero Ma'am, scholar po ako." Sabi ko at baka nagkaroon lang ng aberya sa sistema nila.
Umilimg ito. Ang bilis ng t***k ng puso ko, tila naghalo-halo ang nararamdaman ko.
"Last semester pa nawala ang scholarship mo. Hindi mo ba tiningnan ang portal mo para sa mga grades? Your grade for one unit has dropped due to tardiness, late ka pumapasok."
Napakagat ako ng labi, nanginginig ang kamay ko na gustong maluha pero pinipigilan ko. Paano ako nakapag enroll? Pero account paid ako noong enrollment kaya nag-assume ako na sa scholar 'yon. Napaka-ignorante ko, late ako palagi pumapasok dahil sa duty ko sa fastfood, hindi imposibleng bumaba ang grado ko.
"May nagbabayad po ba every exam sa account ko?" Mabilis na tanong ko at may hula na ako kung sino iyon.
Nang tumango ang accountant ay hindi ko mapigilang maluha.
Hindi nila maipakita kung sino ang nagbabayad pero may isa silang resibo na may pirma na ipinakita saakin. Si Elias.
Naglalakad ako ngayon sa exit ng school pero tulala ako. Naglalayag ang isipan ko. Si Elias ang nagbabayad sa tuition ko kaya palagi siyang walang pera. Pero bakit, bakit niya nagawa iyon para saakin, bakit niya itinago? Bakit hindi ko nalaman?
"Ethel!"
Hindi ako lumingon. Okupado ang isipan ko kaya wala akong lakas makiusap kahit na kanino. Bumungad sa harapan ko si Jules, malapad at presko ang ngiti pero nawala ito nang makita ang mata kong medyo maluha luha. Hindi ko siya pinakitaan ng kahit na anong ekspresyon.
"Umiyak ka?" Sabi nito at umiwas ako ng tingin pero bigla akong hinawakan sa pisngi para punasan ito. Iniharap nito ang mukha ko sakaniya. Nangungusap ang mga mata niya.
"Is this Helio's doing?" Tanong niya. Pinawi ko ang palad niyang nakalapat sa pisngi ko.
Helio Navarro ang totoong pangalan ni Elias. Si Jules ay kaklase ko dati pero nalipat siya sa ibang units dahil sa pagmomodelo niya pero hindi niya ako tinitigilan kahit na alam niyang nobyo ko na si Elias.
"Hindi. Saka wala ka na doon. Mauuna na ako Jules." Mahinahon kong sabi at lalampasan na sana siya nang hawakan niya ang kamay ko.
"Ethel, alam mong seryoso ako sa'yo. Walang ibang babaeng nakakuka ng atensyon ko. Hindi ako babaero. Handa akong gawin lahat para sa'yo, kung pipiliin mo ako, tutulungan kita sa kahit na ano. Just give me a chance, I will not make you cry. Hindi naman kita kinulit hindi ba? I gave you space to think. I know you are struggling financially, and I will help! I can give you all of my savings, just give me a chance." Tila nagususmamo siya. Napatiitg akong muli sa mukha niya.
Gwapo si Jules kaya nagmomodelo siya. Mayaman din ang pamilya niya at maraming may gusto sakaniya, hindi ko lang alam kung bakit ako ang gusto niya, at totoong mabait siya at kailanman ay hindi niya ako binastos. Hindi ko lang alam pero, walang makakapantay kay Elias para saakin.
Aalisin ko na sana ang kamay niya na nakawak sa braso ko nang biglang may marahas na kamay ang nagpahiwalay sa hawak ni Jules sa braso ko at hinilu ang kamay ko.
Si Elias. Lumambot ang ekspresyon ko nang tumayo ito sa harapan ko at ni Jules na tila tinatago ako sa likod niya at hinaharap si Jules. Tumitig ako sa katangkaran niya. Naalala ko ang nalaman ko kanina lang tungkol sa scholarships ko. Elias...
"May gusto ka bang sabihin saakin pre?" Matigas na sabi ni Elias.
Huminga ako ng malalim at hinawakan ng marahan ang braso ni Elias at tumabi sakaniya para harapan si Jules. Kita ko sng sama ng tingin ni Elias na tila nag-aamok.
"Elias, kumalma ka. Jules, aalis na kami." Mahinahon kong sabi at hinila na si Elias.
"Pero hinawakan ka niya!"
Sinamaan ko ng tingin si Elias nang tumaas ang boses niya saakin, nang makita niya ang tingin ko ay kumalma ang mukha niya pero umungos kay Jules. Pagkatapos no'n ay umalis na kami.
Seloso si Elias at protective, ayaw niyang may nakakuhang iba sa atensyon ko at sa tuwing nakikita ko ang kunot niyang noo at matalim na tingin ay hindi ko ikakailang nakikiliti ang puso ko. Nakikita kong gustong niyang sakaniya lang ako.