Prelude 2

2007 Words
ETHEL Hindi ko masabi kay Elias ang tungkol sa nalaman ko kanina. Hindi ko siya makompronta dahil kilala ko siya. Ipagpipilit niyang pag-aralin ako kahit na nahihirapan na siya. Kaya pala kanda kayod siya araw-araw kahit na nag-aaral rin siya, at kaya pala wala siyang palaging pera at wala siyang pagkain dahil napupunta lahat saakin. "Umuwi ka na, mag-iingat ka." Paalam ni Elias saakin nang makarating kami sa sakayan. Inihatid niya lang ako pero may klase siya ng alas-tres. Kita ko pa rin ang galit sa mukha niya pero alam kong hindi niya iyon ibubunton saakin. Naluluha ako kada tumitingin ako sa mukha niya. Sobrang dami na ng naitulong ni Elias saakin at imbes na sarili lang niya ang iniisip niya ay dumagdag pa ako. Hindi ko kaya ang tuition fee kaya't malamang ay titigil nalamang ako sa pag-aaral para makabawas sa alalahanin ni Elias. "Mag-iingat ka rin, ikaw na ang gumamit sa payong na 'to. Magkita nalang tayo mamaya sa bahay mo." Paalala ko sakaniya at nginitian siya. Tumitig siya sa mukha ko at lumambot ang ekspresyon niya. Umitim si Elias pero mukha pa rin siyang mestizo. Mukhang may lahi siya dahil sa tangos ng ilong pero nakadagdag lang sa karisma niya ang pag-itim ng balat niya. "May plates ka bang gagawin? Tulungan kita mamaya." Sabi niya pagkaabot ng payong. Umiling ako dahil kakapasa ko lang kahapon. Ang kailangan kong gawin ay mag-review para sa darating na finals. "Wala, maglalaba ako sa bahay mo, doon nalang kita hintayin, ikaw alam kong may tinatapos kang plates o presentation, tulungan na kita." Sabi ko. Ngumiti siya, ang ngiti na siyang hindi ko ipagpapalit sa kahit na ano. "Sige. Mag-iingat ka. Huwag mo nang kausapin si Jules." Alam kong hindi mawawala sa isipan niya si Jules kahit na hindi niya ako kakausapin tungkol doon. "Huwag mo nang alalahanin si Jules alam mo namang gano'n talaga 'yon dati pa. Ikaw lang ang gusto ko, okay?" Sabi ko at hinaplos ang mukha niya. Lumapad ang ngiti niya at tumango, pagkatapos no'n ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Pag-uwi ko sa bahay ay wala si Tatay at alam kong ilang araw nanaman siyang hindi uuwi. Hindi ko alam ang ginagawa niya at hindi ko na rin inaalam, Dumiretso na ako sa bahay ni Elias para ipaglaba siya kahit na maggagabi na. Wala siyang ibang oras para maglinis at wala rin akong ibang oras para ipaglaba siya sa umaga. Ang bahay ni Elias ay maliit lang, parang dalawang kwarto lang ang laki ng bahay na kagaya ang istilo saamin. Ang mga bahay rito ay mga spanish style dati at tanging bahay namin at bahay ni Elias ang hindi gumanda. sa harapan ng bahay malapit ang gripo kung saan ako palaging naglalaba. Unti-unti ko nang kinukusot ang mga damit ni Elias nang mapatigil ako at tumitig sa mantsa ng damit na ginagamit niya pang construction helper. Long-sleeve ito na kulay puti at walang kwelyo na manipis ang tela para presko. ang dami ng mantsa... mantsa ng dugo. Bumuga ako ng hangin at nabitawan ang damit niya. Dugo? Saan galing iyon? Mukhang ayos lang naman siya. Wala naman akong nakitang sugat niya. Para akong kinakabahan na nag-aalala habang nakatitig sa damit pero muli ko iyong dinampot at nakita sa likod na parte ang dugo. Buong likod ng damit ay puno ng dugo. Hindi ko ito maalis-alis dahil natuyo na sa tela. Sana ay hindi iyon kay Elias. Gayunpaman ay pinagpatuloy ko ang paglalaba at paglilinis. Nagluto na rin ako ng kanin dahil bigas nalang ang meron siya at isang mangkok nalang. Gabi na nang marinig ko ang gate hudyat na dumating na si Elias. Sinalubong ko siya sa may pintuan at ayaw ko na sanang magpaligoy-ligoy pa para tanungin 'yong damit niyang may mantsa ng dugo pero tumambad saakin ang nakangit niyang mukha habang may hawak itong bulaklak na gawa sa papel? "Happy 4th Aniversary." sabi nito at hindi ko nagawang makapagsalita. Ni hindi sumagi sa isipan ko ang araw ngayon. Anniversary namin? Kumpol ito ng bulaklak na ginawa sa mga lumang test paper. Dahan-dahan akong napangiti at inabot ang regalo niya saakin. "Sorry, nakalimutan ko." Pag-amin ko. "Alam ko at naintinidhan ko. May dala akong pritong manok, pasensiya na ito lang nakayanan ko." Kinalkal niya sa bag niya ang dala niyang pritong manok na tig dose ang presyo sa may kanto. Malapad akong ngumiti. "Sapat na saakin 'yan. Tara na, kumain na tayo." Sabi ko at inakay siya sa loob. Nagbihis siya pagkatapos ay sinaluhan na namin ang dala niyang pagkain. Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga kami sa may mahabang kahoy na upuan bago umpisahan ang proyekto niya. Kinakalkal ko na ang gamit niya para matulungan siyang magdrawing ng plates nang hawakan niya ang dalawa kong kamay. Magkatabi kami at napatigil ako nang makita ko ang titig niya saakin. "Thel, pasensya na kung ganito lang ang naibibigay ko sa'yo. Hindi ako katulad ni Jules na marami ang pera pero mgsusumikap ako para mabigyan ka ng magandanng buhay." Maamong sabi niya at nangungusap ang mga mata niya. Mukhang hindi nawala sa isipan niya si Jules. Tumitig ako sa malasingkit niyang mga mata at ngumiti, hinaplos ko ang mga kamay niya para iparamdam sakaniya na wala siyang dapat na ipag-alala. "Mahal na mahal kita Elias. Hindi matutumbasan ng pera ang pagmamahalan natin kaya wala kang dapat na ipag-alala. Magsisikap rin ako, magtutulungan tayo." Sabi ko at marahan siyang hinagkan. Mahigpit niya rin akong niyakap. Wala akong ibang hiling kung hindi ang maging magaan ang buhay para kay Elias, kahit simple lang at hindi marangya ay hindi ko siya iiwan. Gusto ko lang maranasan niya ang makakain ng maayos at makapagpahinga ng maayos. "Salamat Thel. Gagawin ko ang lahat para sa'yo, para sa'tin. Ikaw lang ang meron ako, magtiwala ka sa'kin." Bulong niya habang lalong humihigpit ang yakap niya. Magkasama kami buong magdamag habang ginagawa ang plates niya at ibang topic sa presentasyon niya. Ako naman ay minsan nagrereview. Mag-uumaga na kami na natapos at natulog ng magkatabi. Alam kong hindi umuwi si Tatay dahil halos isang beses sa isang linggo lang siya umuuwi na hindi ko alam kung saan siya nagpupunta pero mas magaan naman ang araw ko kapag wala siya, nasanay na ako. Naunang nagising si Elias dahil maaga raw uumpisahan ang trabaho sa construction kaya kaagad rin siyang umalis. Ako naman ay umuwi para magbihis at makapasok. Ganito kami palagi, nagtutulungan pero alam kong mas marami ang mga naitulong ni Elias saakin. Pagkatapos ko ng eskwelahan ay diretso akong umuwi at ang makasama si Elias ang pinakahihintay ko pero malayo pa ako sa bahay at natatanaw ko palang ang gate namin ay napabagal ang lakad ko dahil nakita kong tila may mga sasakyan at mga taong nakadungaw sa harapan ng bahay namin. Kumabog ang puso ko at napadali ang lakad ko papalapit sa bahay namin. "Sino po sila?" Tanong ko sa lalaking nakatayo sa tapat ng gate. Marami ang mga sasakyan pero tatlo lang ang nakikita kong lalaki na nakaabang sa harapan ng bahay. Tumingin saakin ang lalaki na nakakunot ang noo. "Ikaw ba ang nakatira sa bahay na 'to?" Tanong niya at nag-aalinlangan akong tumango. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos ay tiningnan ang kasama niya at tila parang sinenyasan ito. "Ano pong kailangan nila?" Matapang na tanong ko. "Pinapalayas na kaya rito. Tapos na ang palugit sa ibinigay sainyo ng boss ko. Umalis na kayo ngayon din. Tutulungan ka ng mga kasama kong maglabas ng mga gamit." Nanlaki ang mga mata ko. "T-Teka lang po, baka puwede pang pag-usapan? Puwede po bang humingi ng palugit at magbabayad rin kami?" Pakiusap ko at pinigilan ang kasama ng lalaki na pumasok sa gate. "Hindi, sobra-sobra na ang binigay na palugit sainyo ng boss ko. Kuhanin mo na ang mga gamit niyo o pwersahan naming ilalabas ang mga gamit niyo?" May tono na ito ng pagbabanta. Umiling-iling ako at hinarang ang sarili ko sa gate namin. "Parang awa niyo na po, promise po magbabayad kami, bigyan niyo pa kami ng pagkaktaon." Pagmamakaawa ko. Muling sumenyas ang lalaki sa kasama nitong lalaki at bigla akong hinawi ng marahas ng lalaki at marahas na binubuksan ang gate. Muntik na akong madapa kung hindi ko nabalanse ang katawan ko. Pinilit kong pigilan ang lalaki. "Huwag kayong papasok sa bahay namin!" Galit na sigaw ko. Alam kong wala akong karapatan dahil utang namin iyon at patakran lamang ang sinusunod nila, sadyang hindi ko lang mapakawalan ang bahay na ito. Nasasaktan ako sa isiping mawawala na saamin ang bahay na ito. "Tumigil ka nga!" Sigaw ng lalaki at tinulak ako na siyang ikinatilapon ko sa daan. Ramdam ko ang mga gasgas sa balat braso ko at pagtama ng likod ko dahil sa lakas nito. "P'tngna! Hoy!" Kasabay naman ay ang rinig kong malutong na mura ni Elias at sa isang iglap ay nasuntok nito ang lalaking tumulak saakin. Saan siya nanggaling? Bigla lang siyang sumusulpot. Kita kong nakasuot pa ito ng damit niyang gusot at mzdumi galing sa pagcoconstruction worker. "Elias!" sigaw ko at mabilis na tumayo para pigilan siya dahil hindi ko kayang makita siyang masaktan ng mga lalaking ito kung pagtutulungan siya pero nagulat ako nang makita kong kinaya niya itong malaking lalaki na ngayon ay nakadapa na sa daan at si Elias ay nakapatong rito at pinagsusuntok ito sa mukha. Nangilid ang luha ko sa tindi ng pangyayari. "Elias!" sigaw ko para tumigil na ito pero kita ko ang galit at gigil niya habang sinusuntok ang lalaki na halos pumutok ang ugat niya sa leeg at kamay dahil sa panggigigil. Napuruhan na niya ito nang magsilapitan ang mga kasama ng lalaki. Mabilis kong nilapitan si Elias at niyakap sa bewang nang makita kong mang-aamok pa siya sa mga lalaki. "Ano?! Matapang kayo?! Dadaan muna kayo saakin bago kayo makatapak sa bahay na'to!" sigaw ni Elias. "Aba matapang ka!" sigaw ng isang lalaki pero iyong lalaking nakausap ko kanina na mukhang siyang pinaka-lider nila ay nakatayo lang malapit sa kotse nito at nanonood sa nangyayari. Malalim ang titig nito saamin ni Elias. Tinulungan ng dalawang lalaki ang lalaki na binugbog ni Elias na makatayo. Halatang galit na ang mga ito pero si Elias ay mukhang walang pakialam. Sobrang higpit ng yakap ko sa baywang niya para hindi na siya pumalag pa sa mga lalaki. "Ayaw niyong umalis sa bahay na 'yan ah?! Sige, tingnan natin ang tapang niyo!" Sigaw ng lalaking nasa harapan na namin at halos manlambot ang tuhod ko nang biglang bumunot ito ng baril mula sa likod ng baywang nito. Napatulala ako at kaagad na nanginig ang buong katawan ko. Hindi ako makagalaw habang nakatitig sa baril, parang hindi ako makahinga at bumabalik sa isipan ko ang mga nakaraan na muntik na akong nabaril ni Tatay sa tuwing lasing siya at pinangtatakot niya ang baril niya saakin at pinuputok niya sa kisame. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Nakatulala lang ako habang nanginginig nang maramdaman ko ang yakap ni Elias saakin at sinubsob niya ang ulo ko sa dibdib niy at ipinihit ang pwesto namin. "Sige iputok mo!" Rinig ko pang sigaw ni Elias pero wala akong makita dahil nakatago ang mukha ko sa dibdib niya. Ang hipit ng hawak ko saknaiya at gano'n din siya saakin. "At talagang matapang ka ah?!" Sigaw pa ng lalaki at mas lalo akong napaiyak dahil sa takot para kay Elias. "Roel! Tama na! Umalis na tayo!" Napahinga ako ng malalim nang marinig ko iyon sa boses ng lalaki. "Bakit?! Utos ni Boss saatin na paalisin natin ang nakatira rito! At isa pa, tingnan mo si Jaime! Napuruhan siya ng lalaking ito! Lintik lang ang walang ganti!" Gigil na sigaw ng lalaki. "Hindi mo siya pwedeng saktan kaya umalis na tayo, bumalik nalang tayo sa ibang araw." Pinal ang boses ng lalaki. "Anong hindi? Sino ba siya?!" sigaw pa ng lalaki. "Umalis na tayo at saka ka nalang magpalamig ng ulo." sabi pa ng lalaki. Nanatili ang yakap saakin ni Elias at maging ako. hindi ko alam kung bakit umatras iyong mga lalaki pero pinagpasalamat ko nalang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD