ETHEL
"Tay, may mga taong nanggaling kanina rito at kinukuha na ang bahay. Kung hindi lang dumating si Elias ay napalayas na tayo rito." Kausap ko kay Tatay nang bigla siyang makauwi kinagabihan. Hindi niya ako pinapansin at tila nag-eempake siya ng gamit. Wala siyang pakialam sa mga sinabi ko.
"Tay? Saan ka pupunta?" Tanong ko at sinubukan siyang harangan nang lalagpasan niya ako mula sa pintuan ng kwarto niya. Napatigil siya at tumingin sa mukha ko. Ilang segundo kaming magkatinginan at kita ko ang kakaibang emosyon sakaniyang mata, may kasamang takot sa mga ito nang bigla akong itulak para hawiin sa daanan.
Kumabog ang puso ko at mabilis siyang sinundan sa likod.
"Tay?! Saan kayo pupunta?" Tanong ko dahil pakiramdam ko ay hindi ko na siya makikita ulit.
Lumingon siya saakin at nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang magkabila kong balikat ng mahigpit.
"Anak..."
Iyon ang unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon simula noong namatay si Nanay na tinawag niya akong 'anak' sa hindi galit na boses. Biglang bumalik iyong mga masayang ala-ala namin bilang pamilya.
"T-Tay?" Mahinang sambit ko pero may halong kaba.
"Anak, patawarin mo ako sa lahat-lahat."
Nagtaka ako. Anong nangyayari? Bakit parang nagpapaalam siya?
"B-Bakit Tay, anong-"
"Anak, wala na akong nagawa, wala akong choice. Kung gusto mo ay tumakbo ka na rin, magtago ka, pero alam kong mahahanap ka pa rin nila. Anak patawarin mo ako, hindi ko ginusto ito."
Naguluhan ako. "Anong tumakbo Tay? Anong magtago? Kanino? Saan? Bakit-"
"Anak, lubog na ako sa utang, pero ngayon hindi ko sinasadyang malalaking tao ang nakabanggaan ko sa sugal sa casino. Mga sindikato sila. Anak... kukunin ka nila. Wala akong pambayad na pera, ang sabi nila ay kukunin ka nila bilang kabayaran sa mga utang ko sakanila. Pinangako naman nilang hindi ka nila sasaktan."
Para akong nabingi sa nairnig. Natulala nalang ako sa mukha ni Tatay. Binenta ako ni Tatay sa mga sindikato?
Tila natakasan ako ng kaluluwa at nanlambot ang tuhod ko. Hindi ako nakapagsalita.
"Anak, aalis na ako. Ayaw ko nang madamay pa sakanila."
Nangilid ang luha ko. Ang pag-asang kanina lamang ay nabuhay muli na magpapakatatay na siya ulit ay tuluyan nang naglaho. Kaagad itong napalitan ng galit at pagkamuhi, nawala na nang tuluyan ang natitirang masayang ala-ala na kinakapitan ko para mapagtiisan ang Tatay ko pero hindi ko lubos maisip na magagawa niya ito saakin.
Iiwan niya ako, para sa sarili niyang kaligtasan habang alam niyang may mga mapanganib na taong kukuha saakin.
Kusa nalang tumulo ang luha ko pero walang salita ang lumabas sa bibig ko.
Bakit, bakit ganito ang buhay ko? Bakit ganito ang Tatay ko? Bakit ang agang nawala ni Nanay?
Tanging si Elias lang ang magandang nangyari sa buhay ko pero maging siya ay nahahawa sa kamalasan ko.
"A-aalis na ako Anak-"
Aalis na sana siya nang mahigpit kong hinawakan ang kamay niya at galit ko siyang tiningnan. Sobra na, tama na.
"Hindi! Hindi ka pwedeng umalis! Kailangan mo silang harapin! Ako lang? Ako lang mag-isa? Bakit kailangan kong saluhin ang mga masasamang gawain mo? Hindi ka pwedeng umalis!" Galit na sigaw ko habang umiiyak.
Nagsalubong ang kilay niya at ano bang magagawa ng isang payat na tulad ko sa malaking katawan niya.
Marahas niyang pinabitawan ang braso niya saakin at kasunod ay sinampal ako na siyang ikinabagsak ko sa sahig.
Wala itong sinabi at tuluyan na siyang kumaripas paalis. Galit, pagkamuhi, lungkot, at pighati nalamang ang natira sa puso ko habang nakatitig sa sahig sa umiiyak. Dumaloy ang dugo sa gilid ng labi ko sa lakas ng sampal niya saakin.
Ilang oras akong umiiyak sa sahig at tuluyan na akong nawalan ng pag-asang mabuhay.
Kung totoong may kukuha saakin na mga sindikato ay wala na akong aasahang maganda. Ito na ang katapusan ng buhay ko at ang tanging iniisip ko lang ngayon ay si Elias.
Hindi siya pwuedeng madamay rito.
Hindi ako pwedeng tumakbo o magtago, at hindi rin ito pwedeng malaman ni Elias. Baka si Elias ang puntiryahin nila kung magtatago ako.
Kailangan kitang protektahan Elias, kahit ito lang ay magawa ko para saiyo sa huling sandali.
Nang matanggap ko ang mensahe ni Elias na pupuntahan niya ako ng gabi pagkatapos ng klase niya ay hinanda ko na ang sarili ko.
Tinawagan ko si Jules at pinapunta sa bahay.
"Gulat ka ba?" Mapait akong natawa nang makita ko ang rekasyon ni. Jules pagpasok sa bahay namin at nakita ako.
May dala siyang first-aid kit dahil iyon ang ni request ko.
"God Ethel! What happened to you?!" Hindi makapaniwala ang mukha nito nang malapitan ako. Nakatingin siya sa nagdugo kong labi.
"Kagagawan ng Tatay ko."
Wala na akong rason para itago ito kay Jules. Magmukha man na ginagamit ko si Jules ay isa ito sa pinakamabilis na paraan para mawala ako sa buhay nila. Sigurado ay mawawala na ang nararamdaman o paghanga para saakin ni Jules pagkatapos nito at kapag natagpuan kami ni Elias rito na kasama ko si Jules ay siguradong magagalit siya at gagamitin ko iyon upang kamuhian ako.
Hindi ko inasahan na marahan akong hinawakan ni Jules at pinaupo sa Cleopatra. Inumpisahan niya akong gamutin.
"Nagulat ako nang tumawag ka. Mas nagulat ako nang pinapunta mo ako sa bahay mo, sobrang nagulat naman ako na makita kitang ganito." Sabi ni Jules habang ginagamot ang sugat ko.
Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero hindi ko magawa.
"Pasensya na sa abala." Hingi ko ng paumanhin.
"No. It's okay. Hindi ko alam pero masaya ako dahil ako ang tinawagan mo sa ganitong sitwasyon, feeling ko ang importante ko."
Tumitig ako sa mukha ni Jules. Gwapo siya na maputi na matangkad na mapungay ang mata. Tipikal na crush ng lahat sa edad namin at hindi ko alam bakit ako ang gusto niya.
"Maraming salamat Jules, sa lahat-lahat."
Pinagpatuloy ni Jules ang panggagamot sa labi ko.
"You know how you amazed me with your knowledge. Your pretty smile, and that filipina beauty. Talented-- just perfect. I still remember how you saved me from that Quiz Bee, you were so cool."
Parang pinapagaan ni Jules ang loob ko. Hindi ba siya natakot sa kalagayang nakita niya? Hindi niya ba ako huhusgahan?
"Alam mong hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo saakin Jules." Diretso kong sabi.
"I don't mind. Not until there's a shining ring in your finger. I really don't mind." Tumitig si Jules sa mga mata ko at dahil malapit ang mukha namin sa isa't isa at ay nakita ko ang emosyon na gumuhit doon.
Pero kahit gan'on ay pares pa rin ng mga mata ni Elias ang naalala ko. Wala pa ring makakahigit sa mga mata ng lalaking pinakamamahal ko.
Magsasalita palang sana ako nang bigla akong makarinig ng kalampag na tila may mga gamit na nahulog.
Kumabog ng malakas ang puso ko pero alam kong si Elias iyon. Lilingon sana si Jules pero mabilis kong hinuli ang ulo niya at hinalikan siya.
Patawarin mo ako Elias.
"Tngn@!"
Narinig ko ang malutong na mura ni Elias at sa isang iglap ay nahigit niya si Jules at susuntukin sana ito nang mabilis akong humarang. Kaunti nalang ay ako ang masusuntok niya pero kita ko ang pagpigil niya sa sarili habang mahigpit ang kwelyo niya kay Jules at umiigting ang panga niya.
Kita ko ang sakit at galit na bumalatay sa mga mata niya habang nakatingin saakin na puno ng pagtatanong at pagkalito nang biglang dumako ang tingin niya sa sugat ko ay tila nanlambot ang ekspresyon sa mukha niya.
Binitawan niya si Jules kaya itinago ko si Jules sa likod ko.
"Ano ang ibig sabihin nito Ethel?!" Sigaw niya.
Patawad, Elias.
"Look man, her father hit her-
"Hindi ikaw ang kausap ko gago!" Sigaw ni Elias kay Jules at muli sana itong susuntikin pero nakapagitna ako sakanilang dalawa.
"Elias! Tama na! Nakita mo naman hindi ba? Hindi ko na kailangan magpaliwanag sa'yo! Ang nakita mo iyon ang totoo!"
Kita ko ang pagkalito sa mukha ni Elias habang nakatingin sa mukha ko.
"May namamagitan sainyo ni Jules?" May panghihina sa boses niya.
"Oo!" Matapang na sagot ko.
Napaatras si Elias at napahinga ng malalim ng ilang beses na tila hindi makapaniwalang nagpapalipat-lipat ng tingin saamin ni Jules. Kitang-kita ko ang sakit sa kaniyang mga mata.
"Hindi totoo 'yan. Sabihin mo saakin Ethel, anong mali? Hindi, hindi ako maniniwala. Ang ayos-ayos lang natin kanina! Dinalhan pa kita ng medisina kasi alam kong nagasgasan ka kanina sa mga lalaking nagtangka sa bahay niyo, tapos ano ito? Isa itong kalokohan! Hindi mo ako mapaniniwala rito Ethel!"
Kilalang-kilala ako ni Elias... ang sakit, napakasakit.
Umiling ako.
"Hindi ko masabi sa'yo pero ayaw ko na Elias. Pagod na ako! Pagod na akong maghirap! Hindi ko na kaya! Papel na bulaklak? Manok sa anniversary? Ayaw ko na ng ganon! Gusto ko na ng marangyang buhay!" Sigaw ko at umiyak.
Hindi ko kailangan ng marangyang buhay basta ikaw ang kasama ko pero kailangan kitang protektahan.
Hindi nakapagsalita si Elias, kita ko ang pagbuga niya ng hangin na may panghihina. Nangilid din ang luha niya at napaangat ng tingin para mapigilan iyon.
Mapait siyang tumawa at umiling.
"Hindi-
"Ayoko na sa'yo Elias. Ayaw ko na, matagal na kaming may relasyon ni Jules, hindi ko lang masabi sa'yo kasi naaawa ako sa'yo. Wala ka nang pamilya hindi ba? Kaya hindi kita maiwan."
Tuluyan nang tumulo ang luha ni Elias pero umiling ito.
"Wala akong pakialam sa p"tng"nang awa na 'yan. Sige niloko mo ako? Okay! Pero mahal kita! Handa kong gawin lahat para sa'yo! Kaya kong bigyan ka ng pera kung iyan ang gusto mo! Ngayon mamili ka, si Jules o ako?!" Galit na sigaw niya.
Napailing-iling ako. Ikaw lang Elias, ikaw lang hanggang sa huling hininga ko.
"Si Jules. Alam kong wala kang pera, hello? Hindi na ako maniniwala sa'yo. Tama na Elias, huwag mo nang pahirapan ang sarili mo. Hindi na kita gusto."
Kumibot ang noo niya na tila napalitan ng pagkauyam ang mukha niya sa tono ng pananalita ko.
"Pagsisisihan mo ito Ethel." Mahinang sabi niya. Galit na pinulot niya ang bag at gamit sa sahig bago ako matalim na tiningnan maging si Jules at tumalikod na ito paalis.
Napatitig ako sa supot ng isang pharmacy na naiwan sa sahig. May betadine, bulak, band-aid, at benda.
Napaluhod ako sa sahig at napahagulgol ng iyak.
Elias... mahal na mahal kita.
"Ethel..."
Napasapo ako ng mukha sa paghagulgol ko nang maramdaman ko ang haplos ni Jules.
"Why did you do that? I kinda felt used but everything you said to Helio was just... harsh." Sabi ni Jules. Alam ko, alam ko. Pero kailangan niya ako kamuhian para kalimutan.
"P-pasensiya na Jules." Paghingi ko ng paumanhin.
"P-Pwede ka nang umalis." Mahinang sabi ko.
Tinitigan niya ang luhaan kong mukha.
"Hindi ko alam ang nangyayari. Hindi ko alam kung bakit mo ginawa iyon, pero alam kong hindi totoo ang lahat ng iyon. I presume, it was all for him, right? You're so brave."
Napaling-iling ako.
"Kailangan mo nang umalis Jules. Kung magkaroon man ng pagkakataon, pangako ay babawi ako sa'yo at tatanawin ko itong utang na loob." Pagpapaalis ko sakaniya at pinilit na tumayo. Baka maabutan pa siya ng mga taong kukuha saakin pero bigla siyang umiling.
"You're leaving?"
Paano niya nalaman? O' masyado lang halata?
"Masyado kang matalino para gamitin ako para makipaghiwalay kay Elias at saktan siya, sulitin mo na. Let me help you."
Masyadong desidido si Jules na tulungan ako kaya nagpamggap nalang ako na magpapakalayo. Kinagabihan ay nag-iwan ako ng sulat sa mesa kung sakali man na bumalik si Elias sa bahay. Sulat paalam.
Inihatid ako ni Jules sa sakayan ng bus.
"Maraming salamat Jules." Sinserong sabi ko.
Ngumiti si Jules at tumango.
"I hope you live well."
Ngimiti ako sakaniya at tumango pagkatapos ay laking pasalamat ko nang magpaalam na siya.
Paalam.
Paalam Elias.
Paalam Ethel..