HELIO
Sumimsim ako sa baso ng alak na hawak ko. Nakapikit at hindi mawala sa isipan ko ang Isla Verona na iyon. She has everything Ethel would be if she was her. O sadyang pinipilit ko lang ang sarili kong paniwalaan na hindi siya iyon?
Humamplos ang palad ko sa dibdib at ramdam ko ang mabilis na sikdo nito. Kumuyom ang kamao ko sa puting damit na suot ko at pabagsak na naisandal ang likod ng ulo ko sa gilid ng kama na sinasandalan ko dahil nakaupo ako sa sahig at ang kama ang nagsisilbing sandalan ko.
Damn, she's Ethel. I know she is. But how the fck is that possible? Isla Verona? Asawa ng Mafia Boss na si Pietro?
Hindi ko mawari at mapagtanto ang dapat na maramdaman dahil halo-halo ito.
Dumiin ang pagkakatikom ng bibig ko dahil sa galit na nararamdaman ko. Inisang lagok ko ang alak na natitira saaking baso at nang magmulat ako ay malakas kong hinagis ang baso sa pader na malayo sa harapan ko at nagpiraso-piraso iyon.
"Fck you! Fck it!"
Umiikot na ang paningin ko dahil sa kalasingan pero hindi mawala sa isipan ko ang mukha ng babaeng iyon. Pero nangunguna ang galit at pagkamuhi.
Kung totoong siya nga si Ethel, ibig sabihin ay nahanap ko na siya, magagawa ko nang maghiganti sakaniya.
Napangisi ako at lalong kumuyom ang kamao. Matalim ang tingin ko sa mga nagpira-pirasong kumikintab na bubog sa sahig. Walang ilaw at tanging lampshade lang ang nagsisilbing ilaw rito sa kwarto ko.
Malakas ang kutob ko na ikaw si Ethel kaya't aalamin ko ang totoong pagkatao mo Isla Verona. Kung akala mo ay pakakawalan lang kita ng gano'n-ganon lang, nagkakamali ka.
Magsimula ka nang magdasal na sana ay hindi ikaw si Ethel dahil mas dodoble ang delubyong naghihintay sa'yo kung ikaw nga siya.
"Boss? Boss?" Katok at boses ni Port ang narinig ko, maaaring naalarma sa pagbasag ng basong hinagis ko.
Hindi ako sumagot. Pumikit lamang ako habang nakatingala at nakasandal ang ulo ko sa gilid ng kama. Napadami ako ng inom ng alak dahil ramdam na ramdam ko ang kalaisangan ko.
Bumukas ang pintuan pagkatapos ng ilang minuto, "Boss?!"
Tumingin ako kay Port na binuksan ang ilaw at may hawak itong baril. Namumungay ang mata kong sinalubong ang tingin niyang mukhang nagulat sa nadatnan.
"Boss! Ano ka ba? Bakit hindi ka man lang nasagot! Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo rito o baka ay may nakapasok na kung sino!" Palahaw nito at sinuksok ang baril sa likod ng baywang.
Dumako ang tingin nito sa mga bote ng alak na nakakalat sa sahig at ang bubog ng baso na nagkalat.
"Grabe boss! Anong nangyayari sa'yo? Ilang araw ka nang ganyan." Kamot-ulong turan nito pero napapapikit lang ako.
Dinuro ko siya kahit na hindi ko siya makita ng maayos.
"Nakita mo ba si Isla Verona?" Tanong ko sa lasing na boses.
Natigil naman si Port na nag-umpisang pulutin ang mga bote at tumingin saakin.
"Oo boss, anong nangyari? Bakit ka nagkakaganyan? Wala na siya rito, bumalik na siya teritoryo nila, nilisan na rin niya ang port ng Villafuerte. You made her back away, bakit parang ikaw ang talunan?" Nagtatakhang tanong nito.
Napatango ako, "Can't you tell? She resembles Ethel so much."
Napanganga si Port at napatayo.
"Ethel Galvez? Iyong ex-girlfriend mong niloko ka dati na matagal mo nang hinahanap? Parang hindi naman boss, mukhang patpatin na nene iyong si Ethel tapos si Isla Verona mukha siyang italyana na may porselanang kutis na kulay puti. Sobrang layo."
Pumikit ako at mukha lang ni Isla Verona ang nakita ko. Umiling-iling ako.
"Only I could tell, I see." Bulong ko at bumuntong-hininga.
"Pero boss, kung siya nga si Ethel Galvez, hindi mo siya pwedeng galawin. Asawa siya ni Pietro Hughs."
Ngumisi ako.
"That's why she better pray that she's not Ethel, I could go into all out war with the Hughs just to make a mess out of her life." I said and chuckled.
"Lasing ka nga boss. Mas dadasalin ko 'yon kaysa sakaniya." Ani Port nang maramdaman ko na ang antok.
"Palinis nga ng kwarto ni Boss. Padala ka ng dalawang kasambahay rito."
Boses lang ni Port na may kausap sa kabilang linya ang huli kong narinig bago ako nahila ng antok.
The next day, I woke up with hangover but that didn't stop me from running the day.
"Boss may sulat galing sa Hughs."
Inabot ko ang inalapag ni Port na envelope sa mesa ko.
Nanatili siyang nakatayo sa harapan ko na pawang hinihintay ang nilalaman ng sulat. Habang ako ay binuksan ito katapos kong sumandal sa swivel chair.
Thanks for sending my wife alive. We never meant to make fun of you, it was all beacause of her recklessness. We sincerely hope you don't take it to heart. I made my men leave your business as it is. They were deployed by my wife, and it was a mistake of me.
Pietro Hughs.
Nalukot ko ang kapiraso ng papel sa palad ko. Hindi ko alam kung ano ang nakakainis sa sulat. But it seriously got into my nervae. Nag-iinit ang ulo ko sa binasa ko kahit wala naman nakkaainis dito.
"Boss? Anong sabi?"
Sinamaan ko ng tingin si Port na nagtanong.
They want me to forget all about it? That they didn't mean to mess with me? That it's just because of the reckless of his wife? HIS WIFE?!
Tinapon ko ang kapiraso ng papel sa kung saan. Nakita kong pinulot ito ni Port habang ako ay sinusubukang ikalma ang sarili ko at napahilot sa sentido saka ipinikit ang mata.
Why am I riled up so much?
"They want peace! Mabuti naman! Sabi rin ni Lincoln na nawala na iyong mga tao ng Hughs at Verona sa Isla Prinsesa! Wala na rin sila sa port ng Villafuerte! Pwede na natin kalimutan ito at naghingi na rin ng paumanhin ang Pinuno ng Hughs. Isla Verona didn't make any much damage to you anyway, we could forget about it-
"Manahimik ka muna Port." May gigil na bulong ko habang nakapikit.
"Boss, sorry but you're not seriously thinking that Isla Verona is Ethel Galvez, right?"
Napamulat ako sa sinabi ni Port. Nagtama ang tingin namin. Napabuga ako ng marahas na hangin at napatayo.
"I'm not." Sabi ko at inabot ang coat sa coat hanger.
"Hay mabuti naman! Mukhang hindi na rin nila guguhin ang business natin. Hindi na muling magpapakita si Isla Verona. Akala ko pa naman matinding tinik siya sa lalamunan, but she's now gone. Let's forget about her-
"Bakit ba ang daldal mo?" Naiiritang putol ko sa pagsasalita ni Port.
Ngumisi lang ang loko.
"'E 'di na bored ka kung tahimik ako?"
Inatsa ko sakaniya ang susi ng kotse.
"Manahimik ka muna dahil baka hindi ka matantya ng p*******t ng ulo ko." Sabi ko at nilagpasan siya.
"Saan tayo pupunta boss?" Sunod niya saakin.
"Sa Port ng Villafuerte. Baka akala nila ay palalagpasin ko ang pagtatraydor nila saakin." Matalim kong sabi.
I heard Port chuckle, "Yes! Back to business! I was worried for nothing!"
Hindi na ako nagsalita habang lulan ng elevator malalim ang isip ko at pinipilit kong alisin ang mukha at pigura ni Isla Verona.
I better not think about her. I better forget about her. She's not Ethel. It's impossible that she's Ethel.
Ethel fears gun. May trauma siya sa mga baril. Malayong siya si Ethel.
And God knows how I'm praying so hard that she's not Ethel!
Sana ay hindi nalang magtagpo muli ang landas namin. I should not compromise anything just because of her and a simple hunch.
She is not Ethel.