"Pepper... andiyan sa ibaba iyung kapatid mo," narinig kong tawag ni Annika sa labas ng pinto. Nagtatakang tumayo ako at saka binuksan ang pintuan. Nakatayo doon si Annika. "Paano? I mean.... hindi naman niya alam ang address dito," sagot ko. "Sinundo ng lover boy mo..." sagot niya, tapos ay humagikhik. Si Chad? Sinundo ni Chad? Impossible! "Bakit ka ba kasi nagkukulong dito sa kuwarto? Ayaw mo ba kaming kausap?" tanong ni Annika. Paano ko ba sasagutin ang tanong niya? Huminga ako ng malalim. "May problema ba? Hinihintay ka ng kapatid mo sa ibaba,"sabi nito. "Annika... kasi ano…." "Ano iyun, Pepper?" "Paano bang gagawin ko dito?" sabay alis ko ng tuwalyang nakapatong sa balikat ko, at saka iti