CHOICE

1290 Words
            "Oh, Pepper? Hindi ka pa ba uuwi? Alas nueve na," bati ni Mam Fely sa akin.              "Patapos na din po ito mam," sagot ko sa supervisor ko.              "Magpahinga ka naman. Araw-araw ka na lang nago-OT," sagot nito.              "Kailangan po mam eh. Malaki pa po ang kulang sa perang pampa-Angiogram ni Nanay," sagot ko.              "Wala ka bang malalapitang kamag-anak nio? Aba eh kadalaga mong tao pero daig mo pa ang may asawa at anak na sa bigat ng responsibilidad mo."              Napangiti lang ako.              "O sige. Mauna na ko. Magligpit ka na din at umuwi ka na. Bukas na lang yan uli," paalam nito.              Tumango lang ako dito at saka nag-umpisa na ding magligpit para umuwi.              Aaminin kong gusto ko na ding magpahinga. Hinahanap na ng katawan ko yung kama ko sa bahay. Pero kahit papaano ay nakatulong ang pagsubsob ko sa trabaho. Pagdating ko sa bahay ay sobrang pagod at antok na ako para isipin pa ang sitwasyon namin ngayon ni Lyndon. Halos hindi ko na din ito naiisip dahil kulang na ang oras ko sa trabaho.              Ilang buwan n nga ba kaming walang komunikasyon ni Lyndon? Anim na buwan?              Palabas na ako ng building nang biglang magring ang phone ko.    Chris calling....    "Pauwi na ko, Chris," sabi ko antimano.                Hinahanap na siguro ako ni Nanay.    ["Ate, dito ka na dumerecho sa Sto. Rosario. Dinala ko si Nanay. Inatake na naman."]  "Diyos ko!"               Lakad takbo ang ginawa ko para makalabas na ng building. Kung bakit saka naman walang dumadaang taxi.              Hindi ko na malaman ang gagawin ko. May sampung minuto na akong nakatayo doon  at puro may sakay ang mga taksing dumadaan.              Diyos ko, kailangan po ako ng Nanay ko ngayon....              "Pepper!"              Nagulat pa ako nang may humintong taksi sa tapat ko. Dumungaw sa bintana ang sakay nito.              "Candy?"              "Pauwi ka na ba?" tanong nito.              "Hindi. Papunta ako sa Sto. Rosario. Inatake na naman daw si Nanay," sabi ko dito.              "Ganun ba? Tara na. Sakay ka na. Ihahatid na kita dun," sagot nito.              Hindi na ko nagdalawang-isip sa alok ni Candy. Kailangan ko talagang makarating na sa hospital.              "Magiging okay din ang lahat, Pepper," sabi sa akin ni Candy nang nasa biyahe na kami na tinanguan ko lang.                  LAKAD-TAKBO na ang ginawa ko papunta sa kuwarto ni Nanay. Gusto pa sana akong samahan ni Candy pero tinanggihan ko na.    "Masyado na akong nakakaabala sa yo. Okay na ko dito. Andiyan naman si Chris sa loob," sabi ko dito.  "Sige," sagot nito.  Bumaba na ako ng taxi at saka ako nag-umpisa nang humakbang.  "Pepper!" habol nito.  Nilingon ko ito.  "Kapag kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang ako ha..."  Ngumiti ako at saka tumango.                "Chris? Anong nangyari?" tanong ko sa kapatid ko nang makapasok na ako sa cubicle ni Nanay sa ICU.              Wala itong malay. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kama nito. Naawa ako dito. Ang daming nakakabit na aparato sa katawan. Hindi ko tuloy napigilang mapaiyak.              "Ang sabi niya lang masakit yung kaliwang balikat niya. Pinapamasahe niya sa akin. Pero isang pisil ko pa lang sumigaw na siya ng malakas sabay hawak sa dibdib niya. Sabi ng doktor atake na daw yun," pagkukuwento ni Chris na nasa tabi ko na.              "Sige. Ako nang bahala dito. Umuwi ka na. May pasok ka pa bukas," utos ko dito.  "Sigurado ka, ate? Pwede naman akong umabsent muna," sagot nito.              Nilingon ko ito.              "Chris, graduating ka na. Hindi ka dapat nagpapabaya," sabi ko.              "Ate, pagka-graduate ko ng Senior High magtatrabaho na muna ako para makatulong sa yo," sabi nito.              "Chris. Magka-College ka. Kaya ko pa naman. Pag nakatapos ka na ng College saka mo ako tulungan," sabi ko dito.              "Pero, Ate--"              "Wag ka nang magreklamo. Basta ipangako mo sa aking magtatapos ka. Yun lang ang hinihingi ko sa yo."              "Oo, Ate," sabi nito sabay tango.              "Sige na. Umuwi ka na. Dalhan mo na lang ako dito ng damit pamalit bukas bago ka pumasok."                            KANINA pa nakaalis si Chris pero hindi ako maka-idlip kahit konti. Kulang na lang ay hindi ako kumurap para lang mabantayan ang kalagayan ni Nanay.              Ngayon ko lang uli ito napagmasdan. Kahit may edad na ay makikita pa din sa itsura nito ang angkin nitong ganda. Mestisa si Nanay. Ayon sa kanya ay sundalong Amerikano ang kanyang Tatay na nakilala ni Lola noon sa Subic.              Ang balak ni Lolo ay dalhin si Lola sa Amerika kasama si Nanay na isang taon na noon. Pero nung i-pull out ng US Government ang tropa nila sa Subic ay hindi na nakabalik pa si Lolo at wala na silang naging balita dito mula noon.              Dahil sa may itsura nga si Nanay ay naging madali dito na mag-artista. Pero nag-uumpisa pa lang makilala ang pangalan nito ay nakilala naman niya ang Tatay ko na isa ding sundalong Amerikano.              Bukod sa guwapo si Tatay ay Nakita din itong daan ni Nanay para makapunta siya ng Amerika at hanapin ang Tatay niya doon kaya sinagot niya agad si Tatay. Ipinagpalit niya ang kasikatan niya noon at nakipag-live in na kay Tatay. Inaayos na ni Tatay noon ang mga papeles ni Nanay nang malaman nilang buntis si Nanay sa akin kaya naipagpaliban nila ang pag-alis.              Haggang sa maisilang na nga ako. Na-extend ang pamamalagi ng batallion ni Tatay dito sa Pilipinas ng isa pang taon. Muli, ay nagbalak na sila ni Nanay ng pagpunta na sa Amerika. Kasabay nito, nalaman nilang buntis pala uli si Nanay. Maselan ag nagiing pagbubuntis ni Nanay at kailangan ng total bed rest.              Pero kinailangan ni Tatay na mag-report sa headquarters nila sa Amerika kaya napilitan itong umalis mag-isa, kasabay ng pangakong babalikan kami at sabay-sabay kaming babalik ng Amerika.              Iyon na anng huling pagkakataon na nakita namin si Tatay. Hindi na ito nagpakita sa amin at mag-isa na lang kaming itinaguyod ni Nanay. Ilang beses din kaming nagpalipat-lipat ng tirahan dahil madalas kaming mapaalis sa aming tinutuluyan hanggang sa magtagal kami sa masikip na lugar sa Pasay.                "Miss?"              Napadilat ako nang may naramdaman akong tumatapik sa balikat ko. Nakatulog pala ako. Bumungad sa paningin ko ang isang lalaking nurse.              "Miss?" nag-aalangang tawag pa rin nito sa akin.              Paano ay napatulala ako dito. Medyo cute kasi ito. Akala siguro niya ay hindi pa ako nahihimasmasan sa pagkagising ko. Tiningnan ko ang relo sa braso ko. Alas siyete na pala ng umaga.              "Yes?"              "May pwede bang pumalit sa yo mamaya para magbantay sa pasyente? Kausapin ka daw ni doktora mamaya sa clinic pagkadating niya."              Bigla akong sinagihan ng kaba. Napatango ako.              "A-anong oras ba? Hindi kasi pwedeng magtagal ang kapatid ko. May pasok kasi siya sa eskwelahan," sagot ko dito.              "Eight pa kasi ang dating ni Doktora. Pwede naman sigurong ako na lang muna ang magbantay mamaya kung kailangan nang umalis ng kapatid mo." nakangiting sabi nito.              "S-Salamat."                            "TATAPATIN kita iha. Mahina ang katawan ng Nanay mo ngayon. Mas matindi yung atake niya ngayon kaysa nung una. Plus, nagkaroon din ng tubig ang baga niya. Kailangan nating maalis yun agad. At gusto kong sabihin sa Iyo na kailangan mo nang ihanda ang pera para sa Angioram ng Nanay mo. Wala na tayong masyadong oras. Once na nagising na siya, palalakasin lang natin siya and then we need to proceed. Or else...."              Tumango-tango lang ako.              Nakatulala akong lumabas ng kuwarto ng doktor ni Nanay. Baka nga yung ipon ko ay dito lang mapunta sa bill ng hospital. O pag minalas-malas ay kulangin pa.              Pambayad pa sa tuition ni Chris...              Hindi din ako pwedeng magtagal na hindi makapasok. Kapag naubos na yung leave credits ko ay hindi na ako babayaran ng kumpanya. Wala na akong susuwelduhin.              Saan na naman ako kukuha ng panggastos namin?              Huminga ako ng malalim.              Wala na akong choice...              Dinukot ko ang cellphone ko sa sling bag ko at saka nag-dial.              "Hello, Candy?"    ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD