PROLOGUE

1171 Words
            "I love you, Pepper..."            "I love you too, Lyndon," sagot ko at saka muli nitong sinakop ang mga labi ko.              Tangay na tangay na kami ng aming paghahalikan. Lalo pa akong hinapit nito kaya ganun din naman ang ginawa ko. Lalo kong ikinapit ang mga kamay ko sa batok nito. Tila walang gustong bumitaw sa halikan naming dalawa.              Naramdaman ko na lang ang mabining paghaplos ng kamay nito sa isa kong dibdib. Naalarma ako pero wala naman akong lakas para tumutol. Tila nagugustuhan pa nga ng katawan ko ang ginagawa nito.              Mas lalo pang naging mapusok ang paghalik ni Lyndon sa akin kasabay ng mabining paghaplos at pagpisil nito sa dibdib ko. Maya maya ay naramdaman ko ang palad niya sa hita ko. Napakainit ng palad niya kaya parang bigla akong nakuryente at napahawak ako dito.              Pero biglang nag-ring ang phone ko kaya bigla din kaming natigil. Humihingal na sandaling nagtama ang mga mata namin bago ko sinagot ang tawag.    "H-hello?"  ["Ate, asan ka na? Hinahanap ka na ni Nanay,"] Si Chris, ang kapatid ko.  "Ah. Ano...pauwi na ako," sabi ko sabay tingin kay Lyndon.                Tila naman nalungkot bigla si Lyndon at niyakap ako mula sa likuran.    "Sige na. Bye na. Uuwi na ko."                Pagkapatay ko ng tawag ay nagsalita si Lyndon.              “Sorry."              "Sorry saan?" tanong ko dito, at saka humarap dito para yakapin din ito.              Nasa apartment kami ni Lyndon ngayon. Dito na lang kami nanonood ng mga pelikulang gusto naming panoorin na hindi namin mapanood sa sinehan kasi may kamahalan. Bumili kasi si Lyndon ng TV Plus. Mas tipid.              Pero ngayon ay hindi namin natapos yung pinapanood namin dahil natangay kami sa paghahalikan namin.              "Basta. Sorry. Alam mo na yun. Basta isipin mo Per, mahal na mahal kita," sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko.              "Mahal din naman kita ah!" nakangiting sabi ko.              "Wag kang mag-alala. Magsisikap akong mabuti para maging handa tayo sa future natin."              Napangiti na lang ako dito. Napaka-ideal man talaga nitong boyfriend ko. Ano pa bang hahanapin ko?              "Isang hirit na lang bago kita ihatid pauwi," sabi nito at hindi na ako binigyan ng pagkakataong sumagot dahil sinelyuhan na niya ang labi ko ng labi niya.                  MAY kalahating oras na akong nakatayo dito at naghihintay na  sunduin ni Lyndon nang tumunog ang phone ko.    From: Lyndon Per, sorry. Hindi muna kita masusundo ngayon. Kailangan kong mag-OT. Sayang eh. Dagdag ipon din. Bawi ako next time.                Malungkot kong isinilid sa bag ko ang phone ko. Na-disappoint man ay wala naman akong magawa. Alam ko namang para din sa amin ni Lyndon ang ginagawa niya.             "Oh, Pepper uuwi ka na?" Si Raiza, officemate ko.              "Oo," tipid kong sabi.              Naglakad na kami palabas ng building. Pagdating sa labas ay nagpalinga-linga ako. Nagbabakasakaling makita ko si Lyndon.              "Parang wala na yata sumusundo sa yo. Wala na ba kayo nung boyfriend mo?" tanong ni Raiza na nasa tabi ko pa pala.              Iyong pagsundo kasi sa akin ni Lyndon nung isang araw ay naulit uli. Actually, ilang araw na siyang pumapalya sa pagsundo sa akin.              "Umm...busy kasi siya sa trabaho niya," sagot ko.              "Ah okay. For sure, mamayang gabi umuusok ang phone mo sa haba ng pag-uusap nio!" masayang sabi nito.              Tipid akong ngumiti dito.              Sana nga ganun nga yun...              "Ay, Pepper! Ako pala ang may sundo ngayon," tila kinikilig na sabi nito nang makita nito ang papalapit na boyfriend niya.              "Kitakits na lang bukas ha..." sabi nito at saka nagmamadali nang sinalubong na ang boyfriend niya.              For sure, mamayang gabi umuusok ang phone mo sa haba ng pag-uusap nio!              Tila nage-echo ang mga salitang ito sa tenga ko habang nakatitig ako sa walang ilaw na phone ko. Andito ako ngayon sa kuwarto ko. Alam kong tulog na si Nanay sa kabilang kuwarto. Si Chris naman ay nanonood pa ng basketball at saka ito matutulog.              Ilang gabi na ba akong hirap na hirap makatulog? Mahigit dalawang linggo na akong hindi sinusundo ni Lyndon. Nakailang text na din naman ako dito pero wala akong natanggap na reply maski isa.              Kanina, nagpaload ako sa tindahan sa labasan ng tamang halaga lang para makapag-unli ako ng pang-isang araw para lang matawagan ko si Lyndon. Sinilip ko ang phone ko kung fully charged na.              One hundred percent na!              Excited na in-unplug ko na ito mula sa charger at saka di-nial ang number ni Lyndon. May konting kaba akong nararamdaman habang nagri-ring ang number nito. Kaba. Excitement. Pagka-sabik. Pero napalitan ito ng disappointment nang voice recorder na ang marinig ko sa kabilang linya.                           MAY ilang sandali na akong nakatayo dito sa sakayan ng bus. Ilang bus na ang dumaan pero hindi pa ako sumasakay. Nagbabakasakali kasi ako na biglang susulpot si Lyndon at ihahatid ako sa trabaho ngayon.              Asyumera ka ng taon, Pepper!              "Uy, Pepper! Ang aga mo yatang papasok?"              "Uy, Candy! Mukhang ikaw yata ang tinanghali ng uwi?" bati ko dito.              Ngumiti ito.              "Oo nga....masyado kasi akong pinagod nung customer ko kagabi...pero okay lang paldo naman!"              Dancer si Candy sa isang high-end club sa Quezon City. Pulos mayayaman lang daw ang nakakapasok doon dahil hindi kakayanin ng ordinaryong empleyado ang presyo ng alak at lady's drink doon. At natural lamg din na kapag nilalabas sila ng customer nila ay mataas din ang bayad sa kanila.              May dinukot ito sa bag niya at pagkatapos ay inabot sa akin. Nagulat ako nang makita ko ang dalawang libong piso sa palad ko.              "Candy?"              "Sshhh....balato ko na iyan sa iyo. Idagdag mo sa pambili ng gamot ng Nanay mo," sabi nito.              "Naku! Wag na, Candy..."              "Pepper...wag ka ngang magulo diyan. Sa yo na yan! Bayad ko na yan sa paglaba mo ng mga damit ko nung Linggo. Sige na pumasok ka na at mukhang uulan pa," sabi nito at saka nilagpasan na ako.              Sinundan ko ito ng tingin habang naglalakad ito palayo sa akin. Makinis na ito ngayon. Sabi nga nila - flawless. Hindi katulad noong hindi pa ito nagtatrabaho doon sa club na yun. Naipagawa na din nito ang bahay nito ngayon. Ulila na siyang lubos. College pa lang kami nang mamatay ang mga magulang nito sa isang rally sa Malacañang. Pawang mga aktibista kasi ang mga magulang nito.              Mula noon ay huminto na ito sa pag-aaral. Kung anu-anong trabaho ang pinasok nito para lang maka-survive. Nang magtapos ako ng pag-aaral ay nalaman kong doon na nga ito pumapasok sa club.              Hindi ko naging ugali ang manghusga ng tao kaya hindi nagbago ang pakikitungo ko kay Candy. Kung paano ko siya pinakitunguhan noong College kami ay hindi naman yun nagbago.              Bukod-tanging ako lang yata sa lugar namin ang nanatiling ganun ang pakikitungo kay Candy. Ang ibang kapitbahay namin ay walang ginawa kung hindi ang pagtsismisan siya at gawan ng kwento. Kaya siguro mabait siya sa akin.              Biglang may pumatak na tubig sa braso ko kaya naman napatingala ako. Nag-uumpisa nang umulan kaya nagmamadaling pinara ko yung unang bus na parating.              Tulala lang ako sa biyahe habang pinagmamasdan ang bawat patak ng ulan sa salamin ng bintana ng bus.              Hanggang kailan ako aasa kay Lyndon....    ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD