"Chad! What do you think you're doing?" galit na tanong ni Donya Minerva kay Chad, habang pilit na pinapatayo ito mula sa pagkakaluhod. Nasa di-kalayuan naman si Reese sa bandang likuran ni Donya Minerva. Nagsumbong siguro ito sa Donya kaya pumasok sa loob ng bahay. "M-Minerva??" Kilala ni Tatay ang Mama ni Chad? Nilingon siya ni Donya Minerva. Kita ko sa mukha nito ang matinding pagkagulat at pagtataka. "Ryan?? Ryan Maxwell?? Why-- What are you doing here?" kandautal na tanong nito. Tumayo si Chad mula sa pagkakaluhod. "I am here for my daughter," seryosong sagot nito, at saka ako inakbayan. "Kilala mo siya, Mama?" tanong ni Chad sa Mama niya, pero tila hindi ito narinig ng Donya. "Daughter?