[Chad] Nasa opisina ako at nasa kalagitnaan ng meeting pero wala sa presentation ang atensiyon ko. Nakatitig lang ako sa cellphone ko habang pinapasadahan ko ang CCTV footages sa bahay. Naka-connect kasi lahat ng CCTV ng bahay sa phone ko. Kanina ko pa pinagmamasdan lahat ng kilos ni Pepper sa bahay ko. Izi-noom ko pa ang screen ko. Dito ko lang kasi siya napagmamasdan nang ganito. Kung saan malaya ko siyang mapagmamasdan na hindi siya iiwas sa akin. I can be like this all day. Just watching her. Kapag nasa bahay kasi ay halata ko ang pag-iwas niya kapag naroroon ako. Ni tingin ay hindi niya ko matingnan. While other women can't help it to stare at my handsome face, she would just ignore me like I don't exist. Napabuntonghininga ako. "Stop sighi