"Hey, bro! What's up? Kung hindi pa naitsismis sa akin ni Adam, hindi ko pa malalamang you have a son... wala ka bang balak sabihin sa akin, bro?" Kausap ko si Judd ngayon thru video call. "Para namang may makakaligtas na kuwento kay Adam...." "At si Klarence lang din ang nagsabi na nanghihingi ka ng advice regarding sa Nanay ng bata? Bro... I'm one click away... bakit ako, hindi mo hinihingi ang opinyon ko?" tila naghihimutok na tanong nito. "Kung iyung dalawa nga na may lovelife, walang matinong naipayo sa akin. Ikaw pang walang matinong ginawa?" balik-tanong ko dito. "Ouch.... bro...." sabi nitong inartehan pang parang inaatake sa puso sa pagkakahawak nito sa dibdib niya. Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.