Pagkadating ko sa bahay ay dumerecho ako sa tapat ng kuwarto ni Pepper. Nakiramdam muna ako bago sinubukang pihitin ang doorknob nang sa tingin ko ay tahimik na sa loob. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa natutulog na si Pepper sa kama nito. Mukhang tulog na ito base sa banayad na paghinga nito. Madilim na sa loob ng kuwarto at tanging iyung night lamp na lang ang nakabukas. Pero hindi ito naging hadlang para malaya kong mapagmasdan ang maamong mukha ni Pepper. Tama ba sila? Am I really falling for you, Pepper? Paano? Kailan? Nang mamatay si Papa bago ako tumuntong ng High School ay naisipan ni Mama na sa Amerika na kami tumirang dalawa, at ibenta na lang ang mga kumpanyang ipinundar ni Papa. Pinanindigan kong hindi sumama kay Mama, at nagpa-iwan ako d