PAGTATAGO

1615 Words

        "Ay naku... sist! Umalis ako kahapon nakatulala ka. Pagdating ko ngayong umaga, tulala ka pa rin? Aba eh... baka sa mental hospital ka pulutin niyan?"         Nilingon ko lang si Candy na bagong dating at saka muling ibinaling ang tingin ko sa screen ng TV na hindi ko naman naiintindihan ang palabas.         "Nami-miss ko na kasi si Zyrus," sabi ko dito na sa TV screen pa rin nakatingin.         "Eh, sino bang may gustong iwan mo ang anak mo sa Tatay niya? Di ba ikaw?" sagot ni Candy. ,       Napahugot ako ng malalim na hininga.         "Mas maibibigay ni Chad ang mga pangangailangan niya," sabi ko.         "Oh, tapos? Ikaw? Magmumukmok? Tutunganga. Iisipin nang iisipin si Zyrus at si Chad?"         Napalingon ako dito nang banggitin niya na naman ang pangalan ni Chad.    

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD