“Sigurado ka bang hindi ka lasing o naka-inom man lang kagabi, Mr. Jimenez?” “Hindi po, Sir. Ni isang patak na alak wala po akong ininom. Kaka-out ko lang po sa trabaho ko,” sagot ni Chris. Mataman kong pinagmasdan si Chris. Pilit kong kinapa kung may mali ba sa mga sinasabi niya. “So, bakit ka naroroon sa lugar na iyon? Hindi naman iyon ang designated na hintuan ng mga pampublikong sasakyan,” tanong uli ng pulis na may hawak ng kaso ni Chris. “Pinili kong mag-Grab na lang para mabilis akong makauwi. Dahil sa bukod sa sobrang lakas ng ulan, inaalala ko din ang Ate ko at pamangkin ko na walang kasama sa bahay namin. Nung makita kong may paparating na kotse sa gawi ko, buong akala ko iyon na iyung Grab na na-book ko. Late ko na na-realize na ako n