Vincent May ilang minuto na rin nyang tinitigan ang bracelet ni Ella na napulot nya ng gabi ng kasal nila. Kagabi pa sana nya nais ibigay sa asawa ang bracelet, pero pinanghinaan sya ng loob. Ayaw nyang masira ang napakagandang gabi nila, pero nais na nyang maibalik sa asawa ang unang regalo nya rito. Alam nyang matutuwa ito pag nakita nya ang bracelet. "Ibibigay na nga kita sa amo mo" bulong nya sa bracelet. At nakangiting tumayo mula sa swivel chair at lumabas ng opisina. "Sir mag start na po meeting nyo in 10 minutes" paalala ng secretary nya ng mapansin ang paglabas nya. "Yeah, I won't be late" sagot nya. At mabilis na naglakad papunta sa opisina ni Ella. Pasipol-sipol pa sya habang naglalakad sa pasilyo, nang may marinig na mga sigaw mula sa di kalayuan. "Help!!! help me!" "He

