"What are you doing here? How did you get in?" Inis na tanong nya rito. Ipinatong sa desk ang bag, at naupo sa upuan, para iwasan si Phil na mukhang nakainom. Naamoy nya yon pagpasok palang nya. Isama pa na marumi ang damit nito, parang ilang araw na nitong suot yon. "At the door" Sagot nito. At tumayo mula sa kinauupuan at humakbang palapit sa kanya. Inikot lang nya ang mga mata, at nag focus sa mga papel na nakalagay sa desk nya. "You are so beautiful Ella!" Bulong nito. At nagulat pa sya ng maramdaman ang kamay nito sa balikat. "Phil! ano ba?" Gulat na sabi nya. Iniwas ang balikat rito, at tinignan ito ng masama. "Umalis ka na Phil. Isa pa hindi ka dapat basta-basta pumapasok sa opisina ko"Inis na pagtataboy nya rito. "No honey, dito muna ako, may gusto lang akong sabihin sa iyo."

